Chapter 37

248K 4.4K 306
                                    

37

“Ipamigay mo na lang kaya sa amin yan at ngdi ka na namomroblema?” Suhesityon ng isang ka officemate ko nang makita niya akong nakatunghay sa mga box na isang linggo ng nakatingga sa opisina namin.

“Sinuswerte ka! Alam mo ba kong magkano ang isang pares ng towel dyan? Isang libo! Tapos hihingin mo lang samantalang ako mamumulubi sa pagbabayad niyan?” Sabi ko sa kanya ng nakaismid.

“Eh di makipagbalikan ka na kay Sir Gab para wala ka ng babayaran at may maghahatid pa sa mga yan sa bahay mo.” Dagdag pa niya na nagpakati sa ilong ko.

“Hindi ako makipagbalikan sa kanya nang dahil lang sa towel noh! Hmp!” Tapos nilayasan ko na siya. Kinahapunan, nagpatulong na ako para bumaba ang mga box at isinakay sa taxi. Napagastos pa tuloy ako sa taxi nang dahil sa kalokohan ni Gabriel na isang linggo nang hindi nagpapakita sa opisina. Saan na kaya ang kumag na yun?

At bakit ko ba siya hinahanap? Mabuti ngang hindi na siya nagpapakita sa akin para matiwasay na ang buhay ko.

“Excited na ako!” Sabi ng isa kong officemate.

“Ako din!” Sabi ng isa pa.

“ikaw Mira, hindi ka excited?’” Tanong nang katabi ko sa upuan ng bus. Papunta kasi kami ngayon sa Tagaytay para sa yearly teambuilding namin.

“Hindi! Hindi naman beach ang pupuntahan natin kundi bundok. Ano ang nakakaexcite sa bundok?” Nung last year kasi, sa beach ang team building namin kaya enjoy na enjoy ako sa pagrarampa ng flawless skin ko. Eh ngayon? Sa bundok. Paano ako rarampa sa bundok? At ano ang gagawin namin sa bundok? Kaasar.

“Maganda daw doon!” Dagdag pa niya pero hindi ko na siya pinansin. Pumikit na ako para matulog sa buong byahe.

Nagising na lang ako nung maramdaman ko na nagkakagulo na ang mga tao sa bus. Akala ko nga kong ano na ang nangyayari yun pala nakarating na kami sa isang liblib na lugar at nagsibabaan na ang mga kasamahan ko. Hindi agad ako tumayo. Instead, hinintay ko silang makababa lahat bago ako bumaba at nagpatulong sa driver ng bus para kuhanin na compartment ng bus ang dala kong dalawang maleta.

“Sayo lahat ito Ma’am?” Tanong pa ng driver nung nakuha na niya ang mga gamit ko.

“Hindi po Kuya. Sayo ang isa, sa akin ang isa. Kuya naman, ipapakuha ko ba sayo yan kung hindi sa akin?” Pero ngumiti ako ng unti kahit naiirita ako. Napansin ko lang iritable ako these past few days.  Pero pinigilan ko ang inis ko dahil tinulungan ako ni Kuya driver.

Hinatid naman ako ni Kuya driver hanggang sa reception ng resort kung saan ang mga kasamahan ko na walang kaprobleproblema sa mga bitbit nila dahil karamihan sa kanila isang bag lang ang dala at yung iba knapsack lang. Kunsabagay 2 nights 3 days lang naman kami dito sa resort but still hindi ko maimagine kung paano nagkasya ang lahat ng gamit nila sa iisang knapsack.

“Grabe ang laaammigg.” Sabi ng kasama ko sabay yakap ng knapsack niya when a cold wind blows.

“Hindi ka ba nilalamig Mira?” Baling niya sa akin habang sinusuot na ang jacket niya.

“Hindi ah!” Kunyaring sabi ko pero ang totoo, I already have goosebumps on my legs. Paano ba naman kasi, I am only wearing a short shorts and a white sleeveless shirt. Malay ko ba na ganito kalamig dito considering the global warming. At ang jacket ko nasa pinakailalim pa ng isa kong maleta at ayaw kong maghalungkat ngayon kaya wala akong choice kundi ang tiisin ang lamig.

That Mighty BondTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon