Chapter 33

239K 4.4K 587

33

“What!?” Parang nanlaki ang ulo ko sa narinig ko. Iba ang katabi niya sa kama?  And all along I thought na ako lang ang nakinabang sa puri niya? Tapos ngayon, malaman laman ko na…I can’t even bear to think about it. Napatingin ulit ako sa babae. At parang wala lang sa kanya ang sinabi niya. Na para bang nag announce lang siya na tumaas na naman ang presyo ng gasolina.

At sino ba ang babaeng to? Tiningnan ko siya from head to toe at nakita kong tumaas lang ang kilay niya. But aside from that, wala nang ibang expression sa mukha niya.

“Ang sabi ko, nung huli kong nakita si Gab, hindi ikaw ang katabi niya sa kama.” She further stressed out na parang hindi niya alam na nasasaktan ako sa sinasabi niya.

“Xiara! You’re here!” I stiffened upon hearing Gab’s voice. Pababa na siya ng hagdan at mas lalo akong nanigas nung tumabi na siya sa akin. At ang laking pagpipigil ko na sampalin siya. Grabe! Kakabigay ko lang sa kanya ng chance tapos ito ang malalaman ko?

“Bagong girlfriend mo?” Sabi nung Xiara kay Gab. 

 “Ang bilis mo naman magpalit ng girlfriend. The last time I saw you, ibang babae ang katabi mo sa kama.” Ulit niya

“Xiara!” nagulat na sabi ni Jhudiel at parang sinasaway pa nito si Xiara. But it’s too late, dahil nasabi na ni Xiara ang gusto nitong sabihin.

“And oh, by the way,  I’m Xiara. I’m the wife of Gab’s cousin, Jhudiel. I own this apartment together with my bestfriend Gretchen.” She smiled and  offered her hand and I hesitantly shook it. Hindi ako tumitingin kay Gab.

“I’m Mira.” Sabi ko na lang.

“Mira…” Naramdaman ko na ang concern sa boses ni Gab at unti unti na din nanunuot sa akin ang sakit dahil sa sinabi ni Xiara.

“Sino ang sinasabi niyang katabi mo sa kama last time?” Mahinang tanong ko kay Gab. Pero ang totoo gusto ko na siyang kalbuhin. Ang kapal kasi ng mukha.

“Mira…” Nag aalangang sabi niya pero hidni niya itinuloy ang kung ano man ang sasabihin niya, instead he looked  at Xiara na wala pa ding expression ang mukha.

“ Xiara naman. Sa lahat ba naman ng pwedeng sabihin.” Gab scolded Xiara pero wala pa din pakialam si Xiara. Sa totoo lang, may emosyon ba ang babaeng ito?

“Hindi ba pwedeng sabihin yun?” Nagtataka pang sabi niya.

“Bakit mo sinabi?” So, balak niyang itago sa akin? Lalong nag init ang ulo ko at unti na lang sasabunutan ko na talaga itong si Gabriel. Huminga ako ng malalim ng ilang beses para pakalmahin ang nagwawala kong devil cells.

“Secret ba yun? Di mo naman sinabing secret yun.” And she crossed her arms in front of her.

Si Gab naman, ginulo na ang buhok na parang hindi na alam ang gagawin. Napatingin siya sa akin at tiningnan ko lang siya ng masama. Hindi ako nagsalita dahil kapag ginawa ko yun, I don’t know If I can even stop. Baka kung anong mura ang matikman niya sa akin.

That Mighty BondBasahin ang storyang ito ng LIBRE!