Chapter 7

299K 4.1K 279

7.

Pakiramdam ko ako si Maria Clara dahil sa sobrang sweet ni Gabriel sa panliligaw niya. At inggit na inggit ang mga bruhildang kong officemate dahil sa kay Gabriel. May plano pa ata silang agawin ito sa akin. Huh! As if I would allow them to do so.

And as usual, kakain na naman kami sa labas. At nasasanay na din akong sumakay sa taxi. Isang advantage ng pagiging taxi driver ni Gab ay ang pagkakaroon ng pera palagi. He never did once allow me to pay. Except yung date namin sa mall na ipinilit ko. Pero binayaran niya ako nun ng tibbebente which pinapalit ko sa cashier sa office. Natuwa ang cashier nun sa dami ng panukli niya.

Pagkatapos naming magdinner hinatid na niya ako sa apartment ko. Ipinagbukas niya ako ng pinto. At nung magpapaalam na siya…

“Sige Mira aalis na ako. Mag ingat ka. Isara mo ng mabuti ang pinto.” Ngumiti ako sa kanya at tumango.

“Ikaw din. Take care. I love you.” Walang pakundangang sinabi ko. Plano ko talagang sagutin siya ngayon. Ano pa nga ba ang hinihintay ko?  Matagal ko na siyang tinanggap sa buhay ko kahit ano man siya kaya walang rason para magpaligoy ligoy siya.

Napatigil siya sa paglalakad at napalingon sa akin.

“Tama ba ang narinig ko?” Hindi makapaniwalang tanong niya.  Ngumiti ako at tumango sa kanya. Ang laki na din ng ngiti niya and I felt like swooning. Oh Em Geee he is so handsome that it feels like a sin.

“Yeah.” Pacute pang sabi ko.

“Sinasagot mo na ako? Totoo?” Napatawa ako sa reaction niya. As if my chance na hindi ko siya sagutin.

“Oo nga sabi!” At dahil sa sinabi ko, hinawakan niya ang mga kamay ko at hinalikan ang likod ng mga palad ko. I felt goosebumps run down my spine. Shucks! Halik pa lang yun sa kamay.Paano na kaya kung…

“Salamat Mira. Salamat talaga. Hindi ko talaga inakalang mamahalin kita ng ganito at hindi ko rin inakalang mamahalin mo din ako.” Tapos hinawakan niya ang pisngi ko. Naramdaman ko ang init ng mga kamay niya sa pisngi ko. It’s amazing how his hands are not calloused despite his occupation. Alaga ata sa lotion ang kamay niya.

“Mira, hindi ka magsisisi sa pagsagot mo sa akin.” Sabi pa niya.

“I know Gab. I can feel naman how much you love me and how you care for me. Kaya hindi ko na pinatagal.” Lalong humigpit ang hawak niya sa isang kamay ko at napapapikit ako sa paghaplos niya sa pisngi ko. Shucks! Ngayon lang may lalaking humaplos sa pisngi ko ng ganyan. Na para bang minememorize ang bawat pores ko.

Pakiramdam ko tuloy sinasamba na niya ako dahil sa kalse ng haplos niya at sa klase ng tingin niya sa akin. Namumungay pa ang deep penetrating eyes niya. Wala na akong nagawa kundi ang bumuntunghininga dahil sa biyayang nasa harapan ko ngayon.

“Pero sana pinatagal mo pa.” Nawala ang ngiti ko.

“What?” Kumunot pa ang noo ko.

“Ang ibig kong sabihin, baka kasi nabibigla ka lang.  Panandalian pa lang tayong magkakilala at hindi pa natin masyadong gamay ang ugali ng isa’t isa. Mas maganda kung medyo mahaba pang panahon ang ibinigay mo bago mo ibinigay sa akin ang matamis mong ‘oo’” Huwaatt? Ano ulit ang sinabi niya? Hindi ko ata nasundan?

That Mighty BondBasahin ang storyang ito ng LIBRE!