Chapter 12

280K 3.6K 262

12

“Mira kailangan na talaga nating magpakasal. Hindi na tama itong ginagawa natin.” Naririndi na ako sa paulit ulit na dialogue niya. Simula nung Sabado nung may mangyari ulit sa amin wala na siyang bukambibig kundi ang kasal and frankly speaking, it is starting to get into my nerves.

At pinipilit din niyang ipakilala ako sa pamilya niya pero ayaw ko. Sabi ko nahihiya ako at hindi pa ako ready. The good thing is, hindi naman siya mapilit na ipakilala ako. Sa kasal lang talaga siya sobrang mapilit.

Katulad ngayon, kumakain kami ng dinner sa resto. Kasal na naman ang gusto niyang topic at nawalan na ako ng gana.

“Gab… marriage could wait.” Padabog kong sinubo ang kanin.

“Pero Mira, lumalangoy na tayo sa kasalanan.” Ohhhh God! Pumikit ako saglit para kalmahin ang sarili ko. Huminga ako ng ilang beses para maalis ang negative energy.

“Then we are not the only people who are swimming in sin. Don’t worry madami tayo.” Tiningnan ko muna siya ng masama na parang sinasabi na tumigil na siya. Tumigil nga siya at nakahinga naman ako ng malalim.

Pero habang sineserve ang dessert nagsalita na naman siya.

“Siguro mali ang paraan ko sa pagyaya sa’yo. Naisip ko na kaya hindi ka pumapayag ay dahil iba ang gusto mong paraan.” Napatigil ako sa pagsubo. Nagsimulang bumangon ang kaba sa dibdib ko. Gusto kong isigaw na ayaw ko ng kahit na anong paraan, I want him to stop proposing.

Pero hindi ko yun nasabi dahil napatunganga ako nung tumayo siya sa mesa at biglang lumuhod sa harapan ko.

Unti unti akong napanganga and the word, Oh-MY-God, started to form in my lips.

He can’t do this. Hindi niya pwedeng gawin sa akin ito. Not here. Not now!

Napapikit ako nung magsimula na siyang magsalita.

“Mira,iniirog kita…” Shit! Iniirog. God!

“At dalisay ang hangarin ko sa’yo.” Shucks.

“At para patunayan ang kadalisayan ng aking hangarin, hinihingi ko ang kamay mo para sa ating pag iisang dibdib.” Hindi ko alam kung ngingiti ako, ngingiwi, o iiyak. Basta ang gusto ko ngayon, kainin ako ng lupa.

Lalo na nung marinig ko ang palakpakan sa ibang table. May nag violin pa. May nagchecheer pa.

“Mira…” Inabot niya ang kamay ko pinisil ito. Nag init ang pisngi ko.

Humugot ako ng napakalalim na hininga  at inipon ang lahat ng lakas ng loob ko. And I said.

“Okay.” Dahil ayaw ko siyang mapahiya. Dahil ayaw ko siyang tanggihan sa harap ng ibang tao. Sinabi ko ng gusto kong magpakasal sa kanya pero hindi alng sa ngayon. Hindi pa ako nagsasawa sa pagkadalaga ko.

Sinuot niya ang singsing sa daliri ko and everyone joyfully cheered. Ngumiti ako ng tipid sa lahat and looked at Gabriel. I can see happiness in his eyes at hindi ko maiwasang di madala sa kasiyahan na nakikita ko sa kanya. So I have decided to cast away my doubts for a while. Gusto kong maging masaya sa mga panahon na ito dahil masaya siya. At hindi mahirap gawin ang bagay na iyon lalo na nung niyakap niya ako. Pakiramdam ko nga maiiyak pa ako sa klase ng yakap na binigay niya sa akin.

“Mahal kita Mira.” Puno ng emosyon na sinabi niya habang nakatingin sa mga mata ko.

“I love you too Gab.” At naramdaman ko talaga ang katotohanan sa sinabi kong yun. In fact, a tear fall from my eyes. Napapikit na lang ako para pigilan pa ang mga susunod na luha. He hugged me tenderly again after he kissed the tip of my nose.

Yes the nose again. Kahit na nasanay na siya sa kiss, ayaw pa din niyang hinahalikan ako sa lips sa public.

“Pwede na siguro tayong magpakasal sa susunod na buwan.” Bulong niya sa akin habang yakap yakap ako.

Next month?

As in? 

That Mighty BondBasahin ang storyang ito ng LIBRE!