Chapter 6

310K 4.7K 671

6.

Nagmamadali akong lumabas ng Villegas Tower. Nauuna na akong lumabas kasi kailangan bago makalabas ang mga officemate ko nakaalis na kami ni Gab. Susunduin niya kasi ako ngayon kasi nagyaya siyang magdate. Halos dalawang linggo na din ang nakalipas simula nung hindi niya sinagot ang tanong ko kung virgin pa siya. At ako pa ang nahiya sa sinabi niya. Nahiya naman ako sa kaluluwa ang great grandmother ko dahil pinangaralan ako ni Gabriel. And I quote…

“Mira, hindi natin dapat pinag uusapan ang mga ganyang bagay. Ang usapang yan ay napakasagrado at ginagawa lang ng mga taong may basbas ng Diyos at ng cermonyas ng kasal.” Napalunok ako sa paghabol ng mga sinasabi niya. Teka nga lang! Virginity lang naman niya ang tinanong ko. Oo o hindi lang ang sagot. Bakit napunta na kami sa kasagraduhan ng kasal?

“Alam kong makabago na ang panahon ngayon at ang pananaw ng ibang tao, pero nananatili ang paniniwala kong kailangan panatilihin ng isang nilalang ang kailinisan ng kanyang katauhan.” Ooohhhh Gosh! Hindi na ako nagsalita. Tumahimik na lang ako. Ano ang masasabi ko? Alangan naman na makipaglaban ako ng tagalog sa kanya.

Nakahinga ako ng maluwag ng nakababa ako ng elevator na wala pa ang mga ka Department ko. Yung gurad at ang receptionist lang sa lobby ang andun at wala naman silang pakialam.

Nagmamadali din ako nung makita ko ang familiar na taxi at agad na sumakay. Hindi ko na hinintay na ipagbukas niya ako ng pinto. Ayaw kong magtagal kasi kami baka may makakita.

Oo inaamin ko na nahihiya ako na malaman ng mga ka officemate ko na ang nanliligaw sa akin na pinagmamalaki ko ay isa palang taxi driver. Sinabi ko lang na businessman siya. Dahil hindi ko makcarry ang tukso at panlalait na mararanasan ko kapag nalaman nila ang trabaho ni Gab. Kahit pa sabihing pogi siya. Turn off pa din ang occupation niya sa ibang tao. Kasi sa akin nilunok ko yun ng buong buo.

As usual gumala na naman kami sa kung saan saan, nakinig ng old songs sa taxi niya, at pinigilan ang pagdurugo ng ilong ko. But despite all that, hindi maipagkakaila na masaya ako kapag kasama ko siya. In fact naaaliw na ako sa tagalog niya. Medyo nahahawa na din ako sa pananalita niya. Ganun kami palagi for a couple of weeks hanggang sa umabot sa isang linggo at sa awa ng Diyos hindi pa naman nabunyag na taxi driver siya.

“Mira, kelan mo ba ipakikilala sa amin ang manliligaw mo? Ikaw ha! May tinatago ka ba?”  Sabi ng mga atribida kong officemate. If I know, naghahanap lang sila ng scoop at maipanlait sa akin.

“Oo nga Mira. Mukhang Drawing lang yun manliligaw mo. We haven’t even seen him fetch you.” Ngumiti ako sa kanila kahit ang totoo, gusto ko na silang pagsasabunutan.

“You will see him in time guys. And if you do, remember to close your mouth.” Mayabang na sabi ko. Kasi kung itsura lang naman ang pagbabasehan, taob na taob ang mga jowa ng mga to. Sa pomada pa lang ni Gab, wala na sila.

Pero mukhang napaaga ang time na yun kasi pagkabukas na pagkabukas ng elevator, may pinagkakaguluhan ang mga tao. Nauuna pa naman akong lumabas. And the moment I stepped out of the elevator, may nagsimulang kumanta.

Can I touch you?
I can't believe that you are real
How did I ever find you?
You are the dream that saved my life
You are the reason I survived
Baby...

I never thought that I could love
Someone as much as I love you
I know it's crazy but it's true
I never thought that I could need
Someone as much as I need you
I love you...

Can I hold you?
Girl your smile lights up the sky
You are too beautiful for the human eye
You are the dream that never dies
You are the fire that burns inside
Baby...

I never thought that I could love
Someone as much as I love you
I know it's crazy but it's true
I never thought that I could need
Someone as much as I need you
I love you...

You are the sinshine in the sky
You are the sparkle in my eyes

I never thought that I could love
Someone as much as I need you
I know it's crazy but it's true
I never thought that I could need
Someone as much as I need you
I love you.

Nakanganga lang ako all throughout the song. Hindi ko nga namalayan na natutulak na pala ako ng mga kasamahan ko sa gilid.

“May shooting ba?” Naririnig kong sabi nila at may kasama  pang kilig. Pero hindi ko sila pinansin. Nakatingin lang ako sa kumakantang si Gabriel at may kasama pang banda.

Nakatingin siya sa akin habang nakangiti at nakatingin din ako sa kanya. Nagulat talaga ako. Maybe understatement pa ang gulat dahil hindi ko inakalang…

OMG! I never thought that he could speak or sing in English. Buti na lang hindi ‘Oh ilaw’ ang kinanta niya. Thank goodness for that.

Then I realized something. Hinaharana niya ako sa lobby ng tower!

Agad agad na nag init ang pisngi ko. Hindi dahil sa kilig kundi dahil nakaramdam ako ng hiya.

Oh My God! Nakakahiya. Sino ang manghaharana sa tanghaling tapat sa gitna ng Makati? May permit ba siyang gawin yun? Baka ipatapon siya sa labas. Shucks! Hindi kaya mapagkamalang baliw si Gabriel.  

Hindi ko alam ang gagawin ko. Tumalikod siya sa akin at may kinuhang bouquet of flowers sa gilid. Nakasilip ako ng pagkakataong tumakas sa kahihiyan sa pagtalikod niya pero parang nakadikit ang paa ko.

Tiningnan ko ang paligid. Ang dami ng tao. And worst I saw the bosses watching him. Si Sir Ralph nakangiti, Si Sir Jude mukhang pinipigilan ang matawa. Nakataas naman ang kilay ni Ma’am Raziel habang kinikilatis si Gab.

Then the unexpected things happen lumapit silang tatlo kay Gab na may hawak na bulaklak at nakipagshake hands pa dito. Tinapik pa nila ang balikat ni Gab.

At dahil sa nangyari nawala ang plano kong pagsalisi. I felt proud somehow.  Aba minsan lang matuwa ang mga masusungit kong boss. Pero naalarma ako nung tiningnan ulit ni Ma’am Raziel si gab from head to toe. Sobrang kinikilatis niya ito. Ang lagkit ng tingin niya. And my possessive nature kicked in. Hindi ako makakapayag na paginteresan ni Ma’am raziel si Gab. No way! Baka agawin pa niya sa akin. Ang greenminded  pa naman ni Ma’am Raziel. Baka mahawa si Gabriel ko. 

Ahhh.. that possessive word.

Ang laki na ng ngiti ko habang papalapit na siya sa akin. Nanlalamig na ako at nanghihina ang mga tuhod ko dahil sa kilig. Naririnig ko pa ang tukso ng mga tao sa paligid.

“Para sa’yo binibini.” At iniabot sa akin ang bulaklak.

“Awww…ang sweet.” The crowd chorused.  Nakangiti akong kinuha ang bulaklak.

“Thank you.”  Tapos hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan ito. Nagtilian sila at lalong nag init ang pisngi ko. Shucks! May advantage talaga ang pagkakaroon ng makalumang manliligaw. Wagas lang kasi kung magpakilig.

“Ahmm pwede ko ba munang hiramin siya?” Baling siya sa mga bosses na ikinagulat ko.

“Sure! As you wish loverboy.”  Sabi ni Sir Ralph.

Nagulat talaga ako sa ginawa niyang pagpapaalam sa mga big boss. Ang alam ko lang makata itong si Gabriel.

Hindi ko alam na ang kapal pala ng mukha niya. 

That Mighty BondBasahin ang storyang ito ng LIBRE!