Chapter 3

332K 4.8K 694

3

“Bakit hindi mo sinasagot ang mga mensahe at mga tawag ko?” napangiwi ako pagkabasa ko ng text niya. At nadagdagan pa ang pagngiwi ko dahil nangangati ang kamay ko na magreply sa message niya. Ilang araw ko na siyang iniiwasan. Gusto ko na siya kalimutan at laking pigil ko sa sarili ko na wag replayan at wag sagutin ang mga text at tawag niya.

And it’s so hard. Ohh gosh! Para akogn tinotorture.

Binaliktad ko ang cellphone ko at pinilit na ibaling ang attention ko sa work. Pero wala pa ngang 1 minute nagriring na ito. I groaned.

Wala namang masama kung sasagutin ko ng isang beses di ba? Promise after this, hindi ko na talaga sasagutin. Hindi ko na siya papansinin. At bago pa magbago ang isip ko, kinuha ko na ang phone at sinagot

“Hello?” Nag-aalangang sabi ko.

“Mira, Iniiwasan mo ba ako?” Biglang bumilis ang heartbeat ko pagkarinig pa lang ng boses niya.  Kahit na nga ba hindi man lang siya nag hello or hi o bumati. Bakit ba kasi ang lakas ng epekto sa akin ng taxi driver na yun? Uggghhh! I so hate this kind of feeling. Yung gusto mo but you can’t. It’s just like a galloon of ice cream during your diet days.

“Hi-hindi ah! You know, I’m kinda busy kasi these past few days.” Nauutal na sabi ko sabay kagat ng ibabang labi.

“Ganun ba? Akala ko kasi iniiwasan mo ako. Wala naman akong makitang rason para iwasan mo ako.” Dagdag pa niya. Anong wala? Meron! Taxi Driver ka! And I don’t want to have a taxi driver boyfriend. Sa ganda kong to? Sa social kong to? God! Help me!

“Hindi, hindi! Bakit naman kita iiwasan di ba?” Oh my gosh!

“Tama ka. Ikaw na din ang nagsabi na may gusto ka sa akin.” Gusto kong maglupasay sa sahig pagkarinig ko nun. Pero bakit hindi ko kayang ideny? C’mon Mira! It’s your chance to tell him na hindi mo siya gusto.

“Yeah, Ahmmm..Gab, busy kasi talaga ako now. Alam mo na so many works here at the office. Call ka na lang later.” Palusot ko kahit na kanina pa ako nagpfacebook.

“Masyadong ka bang pinapahirapan at inaalila ng mga boss mo?” Hindi ba siya nakakaintindi? Hindi ba siya nakakaramdam na gusto ko ng matapos ang pag uusap na to, kahit na labag ang buong pagkatao ko? He is making things harder for me! Gosh! Kumukulot ang bangs ko.

“Ahmmm…hindi naman. Madami lang kasing works. You know strict kasi ang boss namin at talagang nagsusungit yun pag hindi nagawa ang work sa tamang oras. Alam mo naman ang mga boss di ba? Parang may dalaw araw araw.” May narinig akong parang tumawa sa background and worst boses yun ng babae. May kasama siyang babae? Biglang sumikip ang dibdib ko. Damn Mira, you shouldn’t feel that way. Iiwasan mo nga di ba? Tapos pag iisip lang na may iba siyang kasamang babae, gusto mo na agad na magwala. 

“Teka! May kasama ka bang babae dyan?” Hindi ko napigilan ang sarili kong itanong yun sa kanya.

“Ahh oo. Mga pinsan ko.” Pinsan? Pinsan as in cousin? Baka kasintahan! Lalong kumulo ang dugo ko dahil sa mga pinag iisip ko.

That Mighty BondBasahin ang storyang ito ng LIBRE!