Chapter 36

226K 4.4K 570

36

Napatulala ako sa nakayukong si Gabriel. Nagsimulang magpanic ang kalooban ko.

“What are you doing?” Hindi ko na din mapigilang lumapit sa kanya. Napatingin pa ako sa paligid ko. Don’t tell me… don’t tell me…umiiyak siya? Omg! Ano ang gagwin ko? Umiiyak siya.

“Hoy Gabriel!” Nagpapanic na sabi ko sa kanya sabay tingin sa paligid. I want to make sure na wala pang nakikiusyuso sa amin. Nakakahiya kaya! Ano na lang ang sasabihin ng mga taong nakakakita? Na nagpapaiyak ako ng lalaki? Na heartless ako?

“I’m sorry. I don’t know. Paano mo ba ako mapapatawad? Paano ba kita masusuyo? Ano ba ang gagawin ko para bumalik ka lang sa akin. Because the truth is, hindi ko na alam ang gagawin ko.” Namamalat ang boses niya and when he looked up at me, I saw a trace of tears in his eyes.

Napatulala ako sa kanya. Oh shit!

Hindi ko alam ang gagawin ko. It’s the first time that a guy cried in front of me. Ano ba ang ginagawa sa ganitong sitwasyon? At bakit dito siya umiiyak? Paano kung may makakita sa kanyang ibang tao?

“Hoy! Ano ba? Wag mo akong ganyanin! Utang na loob! Gabriel! Nakakahi-shiiz!” Umalis ako sa harap niya pero hindi pa ako nakakalimang hakbang at bumalik ulit ako and looked at him in disbelief.

What am I gonna do? Will I hug him? Will I console him? Babatiin ko na ba siya? Para lang di ako mapahiya sa mga people sa Ayala Triangle? At bakit ba kasi dito kami nagdadrama? Bakit kasi niya ako sinundan? Kung alam ko lang na magdadrama siya dito sana pumili ako ng mas private na lugar di ba? Nakakaasar naman. At ang init pa, pinagpapawisan na ako.

“Mira…”

“Tumigil ka na sa pag iyak. Utang na loob. Kapag hindi ka pa tumigil dyan sasabunutan na kita.” Sabi ko pa sa kontroladong boses pero ang totoo nanggigigil na ako. I should have shouted at him kung wala lang kami sa public place. Pati tuloy sarili ko gusto ko na ding sabunutan dahil sa nagpapanic na ako.

Sino ba kasi ang nagsabi na romantic ang mga ganitong scene? Na kapag iniyakan ka ng guy ay romantic na? Nakakahiya kaya! It isn’t romantic because the truth is, in love, you don’t want to see your loved one cry for you. It is just sadistic if you would feel happy and elated kapag nakikita mo na ang boyfriend mo o ang asawa mo ay umiiyak.  Kaya never na naging romantic ang ganitong scene.

“Pinapatawad mo na ba ako?” Kahit namumula ang buong mukha niya at may luha pa sa mga mata niya kitang kita ang kasiyahan dahil sa sinabi niya. And I am tempted. Very tempted to just forgive him and be done with all of these drama but a part of me just wouldn’t agree.

Gusto ko na talagang makasiguro na ang lalaking umiiyak ngayon sa harapn ko ay hindi ako dinadramahan at hindi umaarte sa harapan ko. Dahil gusto kong makasigurado at ayaw kong magpadala sa luha niya o sa sulsol na kahit sino na patawarin ko na siya. Dahil kapag nabigo ako, hindi naman sila ang iiyak kundi ako. Hindi naman sila ang masasaktan kundi ako. Hindi naman sila ang iinom ng tatlong litrong kape kundi ako.

Kaya kung magdesisyon man ako na makipagbalikan sa kanya, dapat buong pagkatao ko kusang loob na sumasang ayon  at hindi dahil sa nagpadala ako sa sulsol o sa luha niya. Para kahit na magkanda letse letse man ang kahahantungan ng relasyon namin wala akong sisisihin kundi ang sarili ko.

That Mighty BondBasahin ang storyang ito ng LIBRE!