Chapter 8

301K 4.2K 453

8

Okay! It’s given.  I have a very gentleman boyfriend. Very. You can’t even fathom how gentleman he is. Ako na ata ang pinakaswerteng babae sa buong mundo na nakatagpo pa ng lalaking katulad ni Gabriel.

Sa sobrang gentleman niya, sa dalawang linggong pagiging magboyfriend, hanggang halik pa lang kami sa pisngi. Ni hindi ko mailapit ang katawan ko sa kanya kasi kusa na siyang lumalayo. Sino ang aayaw sa lalaking nirerespeto ang pagkababae mo?  And I think it was a good thing. At first.

Okay lang naman sa kanya na umabrisyete ako sa kanya habang namamasyal kami basta wag ko lang hinihimas ang braso niya kasi tinitingnan niya ako ng masama. If he was turned on I don’t know. But I am sure he doesn’t want to flirt in public. And who doesn’t  want a boyfriend who cares for your public reputation? It was a good thing, I think. At first.

It’s a good thing to have a boyfriend who look after the welfare of their girlfriend right? Yung ayaw na nababastos ang babae. Kaya hindi hindi masama kung papansinin niya ang sobrang iksing shorts and skirts ko. Pati na rin ang tube blouse, spaghetti at halter blouse ko. Pati na din ang maiksing dresses ko. He cares so much na nagdadala siya ng blazer tuwing lumalabas kami. A blazer that is longer than may shorts and skirts. It’s a good thing right? At first.

Pero umabot kami sa isang buwan and I become agitated with his extreme phobia to my kisses. Ayaw niyang hahalikan ko siya sa lips. Eh hindi ako kuntento sa pisngi. Sino ba ang magboyfriend na hindi naghahalikan sa labi? Kami lang ata! Goodness gracious. Nakakahiyang aminin na isang buwan na kaming magboyfriend pero wala pa kaming first kiss. Would you believe it? Nung high school ako, yung crush ko, nung nalaman niyang crush ko siya, hinalikan niya ako sa labi. Although it was just a smack, yet it was still a kiss. Pero kami ni Gab? Kahit smack wala. I felt so insulted. I felt so unattractive. Why wouldn’t my boyfriend kiss me? Whatv is wrong with me? Bad breath ba ako? Hindi naman ah. Minumog ko na ang isang litrong mouthwash for God’s sake!

At naiirita na ako na tuwing hinahaplos ko ang braso niya, he is brushing me off. Nakakababa ng self esteem. It’s not as if I am making out with him or raping him in public right? Masama bang maglambing sa boyfriend? At sino bang magboyfriend who is so inlove with each other and hindi naglalambingan in public? Ni hindi nga PDA ang ginagawa ko sa kanya. Pero naman kung makaiwas siya! Kaasar.  At isa pa, napansin ko na ang lakas ng atraksiyon ko sa kanya. Na kahit hawakan lang niya ang kamay ko, pakiramdam ko hinuhubaran na niya ako. And it frustrates that I can’t even touch him. 

And okay! Ayaw na niyang binabalandra ko ang legs ko at ang katawan ko sa ibang tao. That’s kind of possessive and I find it sweet.  Sino ang babaeng aayaw sa lalaking gusto eh sa kanya ka lang? Siempre gusto ng mga babae yun but not to the point that he would buy me long skirts, slacks and long sleeves clothes at gusto niya yun na alng ang suutin ko. My God! Who want to look like a manang? Definitely not me. Sa init ng Pilipinas? Sino ang  magsusuot ng ganun?

Kaya ngayon lalabas kami. I wear my shortest skirt and my halter blouse na kita kalahati ng likod ko. Alam kong di na siya nagdadala ng blazer kasi last week he get me to wear those pang manang clothes. Sana wala siyang dalang blazer. Ang init kaya. Kalagitnaan ng summer, for God’s sake!

At ito pa. Sa sobrang frustration ko, ilang besesko na siyang inakit. Dumating pa sa point na nung lalabas kami  one time sinadya kong  wag muna maligo hanggang sa dumating siya . AT nung dumating na tsaka ako naligo. Sa sala at lumabas ng banyo na nakatapis pa ng tuwalya. Pero sinulyapan lang niya ako at binalik ang tingin sa TV.

That Mighty BondBasahin ang storyang ito ng LIBRE!