Chapter 11

296K 3.8K 226

11.

Day 0, Hours after the event.

“Kelan mo gustong idaos ang ating pag iisang dibdib?” Napatigil ako sa paghawak sa dibdib niya at sa plano kong paghawak sa nipples niya. Pumikit ako at nagkunyaring inaantok.

“Gab, I am so sleepy na. Let us sleep na.” Lalo akong sumiksik sa dibdib niya at inamoy amoy ang bango niya. Ahhh… kakagigil. Nakakaadik ang bango. Nakagat ko ang pang ibabang labi ko dahil sa gigil ko sa kanya. Nagkunyari na din akong natutulog.

Pero sadya talagang malakas ang appeal nitong boyfriend ko kasi hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko. Maya maya pa nakahawak na ako sa dibdib nya ulit at hinihimas ang gusto kong himasin kanina at maya maya pa naririnig ko na siyang hinahabol ang hininga niya at after a few minutes, ako naman ang naghahabol ng hininga.

Laking pasalamat ko na lang na nakatulog kami pagkatapos ng nakakawalang hiningang event na yun kaya hindi na niya natanong ulit sa akin ang tungkol sa kasal.

Day 1. While he is driving me home.

“Mira, kailangan na nating pag usapan ang tungkol sa ating pag iisang dibdib. Baka nabuntis kita.”   Puno ng pag aalala ang boses niya. Don’t get me wrong, I appreciate his concern. His sense of responsibility and all. Pero, I can’t really imagine myself getting married at 23. I can’t imagine myself as a housewife, taking care of the children, wearing a duster, washing dishes, cooking for a family. Siguro pag tumanda na ako ng kunti siguro mag iiba ang views ko about marriage and family, but now, I doubt it.

“I am safe, kaya hindi mo ako nabuntis.” Baliwalang sabi ko. Napatingin siya sa akin habang nakahinto ang taxi dahil sa red light.

“Kahit na hindi kita nabuntis, kailangan pa ding panagutan ko ang nangyari sa atin.” I want to roll my eyes pero hindi ko yun magawa sa kanya.

“Ni hindi mo pa nga ako napakilala sa family mo. At hindi din kita napakilala sa family ko.Hindi tayo pwedeng basta basta magpakasal.” Napahinga ako ng maluwag nung naisip ko ang bagay na yun. Of course, being the old fashioned that he is, uso pa sa kanya ang pamamanhikan.

“Sige, pwede mo ba akong ipakilala sa pamilya mo sa Sabado  at ng makapamanhikan na kami sa Linggo?”

“Sure!” Sabi ko na lang para matapos na ang usapan.  And besides may tatlong araw pa ako bago dumating ang Sabado.

At dumating nga ang Sabado. Tinanghali ako ng gising, nagising lang ako nung kumatok na siya sa kwarto ko. Binigyan ko kasi siya ng susi sa apartment kasi pag nagdedate kami, palagi siyang maaga at on time. Ako naman, minsan pag dumadating siya, tulog pa. Katulad na lang ngayon.

“Mira tatanghaliin tayo kapag di ka ba gumising.” Sabi niya habang kumakatok sa pinto ng kwarto ko. Ang hina talaga nitong si Gab. Kung ako sa kanya, para mabilis akong gumising, papasukin niya ako sa kwarto. I’m sure, gigising ako kahit ayaw ko.

“Andyan na.” Sigaw ko sa kanya.  Napilitan akong tumayo at pumuntong banyo para mag toothbrush. Pagkabukas ko ng pinto   nakita ko siyang nanonood ng TV. Agad akong kumandong sa kanya at hinalikan siya sa lips. Nagulat pa siya sa ginawa ko pero tinugon din naman niya ang halik ko. Pero saglit lang yun dahil tumigil din siya.

Nakakadyahe talaga. Padabog na umupo ako sa tabi niya. Pero tumayo siya at hinatak ang kamay ko at dinala ako sa kitchen.  Nakita kong may nakahain ng food. Isa pa sa mga bagay na gusto ko sa kanya ay ang pagkamaalalahanin niya. He cooks for me whenever he had the chance. Katulad ng mga panahon ngayon na tinatanghali ako ng gising.

Sabay na kaming kumain. Lunch sa kanya, breakfast sa akin.

“Baka gabihin tayo sa pagpunta sa mga magulang mo.” Puna niya nung makatapos na siyang kumain at ako ay hindi pa.  

“Hindi yun, hindi naman sila umaalis.”  Pero dahil sa mapilit siya  binilisan ko na ang pagkain pati ang pag aayos ng sarili ko. Pero hindi ako nagbihis ng pang alis pagkatapos kong maligo. Binalikan ko siya sa sala at nagulat pa siya ng lumabas ako na nakashorts pa din.

“Yan ang isusuot mo?” Puna niya sa short shorts ko at sa sleeveless top ko.  Umusog pa siya nung tumabi ako sa kanya. Ay!! Talaga naman. Sarap halayin!

“Hindi tayo aalis Gab.” Baliwalang sabi ko sabay bukas ng TV.

“Pero sabi mo ipapakilala mo ako sa mga magulang mo para pwede na tayong mag isang dibdib.” Huminga ako ng malalim at tiningnan siya. Ayaw ko naman na lokohin siya pero ayaw ko lang kasi na pinag uusapan namin ang kasal at thisa early stage of our relationship. It’s not that I don’t want to marry him. I want to marry him but not now.

“Naisip ko kasi na dalhin ka sa cemetery para ma met mo sila but later I changed my mind. ” Palusot ko pa. Pero totoo naman na both of my parents are dead kaya hindi na kailangang ipakilala ko siya.

“Nasa kabilang buhay na ang mga magulang mo? Ulilang lubos ka na?” Nagkunyari akong malungkot at tumango sa kanya.  At dahil sa itsura ko, agad naman siyang lumapit sa akin at niyakap ako. Gusto kong magtatalon at hindi ko napigilang mapangisi dahil sa ginawa niya. And I hugged him tighter.

“Di bali Mira, hindi ka na magiging ulila. Alam kong tatanggapin ka ng buong puso ng pamilya ko. Kaya ngayon, ipapakilala kita sa pamilya ko.

Nawala ang ngisi ko. Lumuwag ang mahigpit kong yakap sa kanya. Nagpanic ang buong pagkatao ko at hindi ko alam kung paano lulusutan ang sinabi niya.

Ayoko!!

Kapag pinakilala niya ako, paniguradong mapipilitan akong magpakasal sa kanya. Anong gagawin ko? Paano ko siya tatanggihan?

Ano ang gagawin ko para hindi matuloy ang balak biyang pag iintroduce sa akin sa pamilya niya?

Then an idea struck my mind.

Humiwalay ako ng yakap sa kanya at hinubad ang top ko.

Napanganga at nanlaki ang mga mata niya. 

That Mighty BondBasahin ang storyang ito ng LIBRE!