Chapter 26

269K 4.6K 654

25

Napatingin ako bigla kay Ma’am Gertrude dahil sa sinabi niya. Sinulyapan lang niya ulit ako na para bang walang outsider sa kwarto at dumiretsong umupo sa swivel chair ni Gab. Di naman magkandaugaga ang mga apo niya sa pagsisilbi sa kanya. Binigyan siya ng pansit ni Sir Ralph, ng tinidor ni Ma’am Raziel at tubig. 

“Don’t worry Grandma, nagpabili na kami. Hindi ka namin hahayaan na mabulunan.” I heard chuckles all around me because of what Ma’am Raziel said but it evidently subsided when Ma’am Gertrude gave them all a sterned look. 

Grabe! Nakakatakot talaga tumingin si Ma’am. Halos hindi ko na nga malunok ang pansit na kinakain ko. 

“And you are Maria Remedios Asuncion Dimasalang?” Napangiwi ako sa pagtawag niya sa buong pangalan ko. 

May narinig akong umubo at nakita ko si Michael na namumula ang pisngi dahil nabilaukan ata tapos pinipigilan niya ang tumawa. Pinilit niyang maging seryoso nung nakita niya akong tumitingin ng masama sa kanya. Narinig ko pa siyang tumikhim nung inalis ko ang masamang tingin ko sa kanya.

“Yes, Ma’am.” Tiningnan niya ako ng mabuti tapos sumubo ng pansit. Naiilang na talaga ako. Can I go now?  Bakit nga ba nakikikain ako kasama nila? Magdadala lang naman ako ng folder dito di ba?

“You know what, Maria Remed—“

“Mira na lang po Ma’am.” Pinutol ko ang sinasabi niya bago pa magdugo ang ilong naming lahat dahil sa pagbanggit niya ng buong pangalan ko. 

“Very well then. You know what Mira, hindi sa nakikialam ako sa relasyon ng mga apo ko. Kung ako ang papipiliin hahayaan ko na sila. Ayaw kong makiaalam kasi matatanda na sila at may sarili nang mga isip.” Ma’am Gertrude paused and looked at everyone in the room. Everyone is quite except for one.  

“Kaya pala kinasal kami ni Ana.” Pabulong na sabi ni Sir Ralph na para bang kinakausap lang niya ang sarili niya pero narinig naman naming lahat ang sinabi niya. And with that, nakita ko ang pagtaas ng kilay ng matriarch at tumingin ng masama sa apo niya. 

“You were saying Raphael?” Sabi ni Ma’am Gertrude na may pagbabanta sa boses. Na para bang pag nagsalita pa ulit si Sir Ralph, matatagpuan na lang niya ang sarili niya sa nakabulagta sa sahig. Ganun ka intimidating ang mga tingin ng matandang Villegas. 

“Wala po.” Sabi naman ni Sir Ralph sabay patay malisya. Pati yung iba nagpatay malisya na kaya napatingin ulit sa akin si Ma’am Gertrude. Bumalik na rin ulit ang kaba sa dibdib ko. 

“Ikaw pala ang rason kung bakit ayaw magpakasal ni Gabriel nung una kay Maria Clara.” Kalmado na sabi niya pero sa tingin ko inuusig na ako ng tingin niya. Yumuko ako. Alam kong matapang ako pero at this very moment ayaw ko pang masesante hangga’t wala pa akong bagong trabaho. 

 At parang naiimagine ko na ang susunod na sasabihin niya. ‘You are not even worth it. Look at you, you are nothing but a second rate trying hard copy cat’ tapos sabay tapon sa akin ng softdrinks na kakabigay lang ng inutusan. 

That Mighty BondBasahin ang storyang ito ng LIBRE!