Chapter 41

205K 4K 187

41

“Mira, sa tingin  ko magtatagal talaga tayo.” Napataas ang kilay ko sa sinabi niya pero hindi agad ako nagcomment. Nilunok ko muna ang kinakain kong pandesal at uminom ng kape.

Ang aga aga kasi andito na siya sa apartment ko. Napabili tuloy ako ng pandesal ng wala sa oras.

“Sus! Wala pa nga tayong 1 week. Wag kang magsalita ng tapos.” Sabi ko.

“Ba’t ba ang nega mo?” Sinamaan niya ako ng tingin. Tinaasan ko naman siya ng kilay sabay taas ng mga paa ko at lagay sa lap niya. Hindi naman siya nagreklamo. Minasahe lang niya ito.

“Basta! Wag mong pangunahan at baka mabulilyaso. Pag isipan mo na lang kung paano mo imamassage yang paa ko nang hindi ka nanggigigil. Wag mo pipisilin ng ganyan at baka sunggaban kita.” I said sheepishly at him.

“Kung mag ayos ka na kaya? Mag sisimba pa tayo.” Marahan niyang tinulak ang paa ko but I stayed put.  

“Mamaya na. Nirarampa ko pa ang legs ko sa’yo. Malay mo…” Sabay kindat sa kanya. Napatawa siya sa ginawa ko.

“Talagang ginawa mo nang misyon yang pang aakit sa akin ha!” He said still chuckling. Ahhh…he is so adorable when he is laughing like that. At natutuwa ako sa sarili ko kasi pakiramdam ko ako lang ang babae na makakapagpasaya sa kanya ng ganyan. I wanna give myself a pat on the shoulder for doing such a good job. Pero alam ko naman na may ikakagaling pa talaga ako. If he would just let me…

“Hindi lang misyon, ipinagnonovena ko pa .” Natawa ulit siya at the same time tumayo na rin.

“Yun naman pala eh. Paano matutupad ang novena mo kung malelate ka sa pagnonovena. Sige, ikaw din uulitin mo sa simula.” Tuwang tuwa ang pakipot na lalaki habang hinihila ako patayo sa sofa.

“Eeeehhh..” Sabi ko pa habang tinutulak na niya ako papasok sa kwarto ko.

“Maaga pa naman. Bakit ba minamadali mo ako? Tumatalab na ba? Mukhang umiiwas ka kasi eh.”  At humarap ako sa kanya. Napatigil siya sa pagtulak sa akin at inalis bigla ang kamay niya na kanina ay tumutulak sa likod ko para pumunta akong CR.  Nakita ko siyang namula at napangiti ako.

“See?” Sabi ko sa kanya.

“Ang kulit mo talaga.” Sabi pa niya na nagpipigil ng tawa. Kahit ako natatawa na din sa kalokohan namin.

“Namumula ka na oh! Oh,  lumapit ka, kung gusto mo akong halikan. Ba’t kita sasawayin? Alam na alam mo naman. Ito’y gusto ko rin. Alam na alam mo naman. Ako’y kikiligin.” Pinipilit ko talagang hindi tumawa sa pinaggagawa ko lalo pa at alam na lam ko naman na sintunado ang boses ko.

“Mira…” Natatawa na ding sabi niya.

“Let it go…let it go...” At doon na siya humagalpak ng tawa sabay hawak sa magkabilang balikat ko at itinutulak ako papasok sa kwarto ko.

“Ang kulit mo. Papaluin na kita sa pwet pag hindi ka pa tumigil.” Binuksan na niya at pinto ng kwarto ko at pilit akong pinapapasok. Nangunyapit ako sa hamba ng pinto.

“Gusto ko din yan.” Sabi ko sabay hagikgik.

“My God, Mira, what am I gonna do with you?” Natatawa pa din siya pero halata na ang frustration sa boses niya. Nakakfrustrate ba talaga akong girlfriend.

“Pagbigyan mo na kasi ako Gabby.” Ingos ko pa. Para na akong manyak sa pinaggagawa ko but I just can’t help it. I love teasing him. Ang laki pa ng ngisi ko. Pero bigla naman siyang sumeryoso.

“Sige.” Oi! Sige daw oh! Bibigay ka din pala kung ano pang pakipot ang pinaggagawa mo.

“Pakasalan mo muna ako.” Seryoso pa ding sabi niya pero halatang nangingiti na siya. Napigil ang pagkapit ko sa pinto. Nawala ang maganda kong pose. Umayos ako ng tayo.

“Sabi ko nga maliligo na ako at malelate na tayo sa mass at sa novena. Wait ka lang dyan at mabilis lang to.” Sabi ko sabay takbo papasok ng CR.

Adik yun! Naisahan na naman ako. At talagang ang lakas ng self control. Lalo tuloy akong nanggigigil. Pero pasasaan ba at mapapasaakin din ang alindog ni Angelo  Gabriel Villegas? Naks! Parang isang dakilang mang aagaw lang talaga ako.

Sekreto akong napatawa sa naiisip ko kaya tinago ko na lang ang ngiti ko sa pamamagitan ng pagdikit ng mukha ko sa bandang balikat niya. Nakakapit kasi ako sa kanya. Pero ang totoo, inaamoy ko lang talaga siya at tinatsansingan.

“Okay ka lang?” Pansin niya sa akin.

“Oo naman. Nananantsing lang. Saan tayo ngayon? Sa bandang liko?” I looked at him grinning at I saw him smile and shook his head.

“Determinado ka talaga ano? Ikaw lang ata ang nakilala kong girlfriend na ganyan.” Tiningnan ko siya ng masama at nag pout ako.

“Kung magsalita ka naman parang ang dami mong naging girlfriend.” Nameywang na din ako para may effect.

Pero nawala ang pag iinarte ko nung hinapit na lang niya ako bigla palapit sa kanya sa inakay papuntang kotse niya. Infairness, hindi na taxi ang sasakyan namin. Tinukso ko nga siya pero pinagtawanan lang niya ako. Hindi daw ako makaget over sa taxi driver. Nakakaselos daw. Parang baliw.

“Saan tayo?” Tanong ko ulit sa kanya habang nagbabyahe kami.

“Sa probinsiya namin. Mamamanhikan ka na daw.” Napatingin ako bigla sa kanya at nakangiti siya sa akin. Naku! Kung hindi lang talaga siya ganyan ka gwapo pag nakangiti malamang nabangasan ko na siya. Pero wala eh. Hindi ko kaya. Hindi ko kayang gawin yun sa isang napakagwapong human specie.

“Ikaw! Alam mo, pahapyaw kang nagaaya ng kasal every chance you get.” Baka akala niya hindi ko napapansin ang mga diskarte niya?

“At ikaw babae, akala mo ba hindi ko napapansin na nanannantsing ka every chance you get?” Naramdaman ko agad ang pag iinit ng pisngi ko. Pinahiya na naman niya ako sa sarili ko.

“Nakakainis ka!”

Tumawa lang siya sa sinabi ko.

“Seriously Mira, it’s high time na makilala mo ang buong pamilya ko kahit na kilala mo na silang lahat at kilala ka na din nila. At saka birthday ni Lola at gusto ka niyang makilala.” Seryo na talagang sabi niya. Ewan ko ba pero tama naman ang sinabi niyang, kilala ko na halos ang pamilya niya dahil sila ang mga boss ko. But I have never known them personally. At ngayon pa lang unti unti na akong kinakabahan.

Nakakatakot pala talaga pag pinakilala ka na sa pamilya. 

That Mighty BondBasahin ang storyang ito ng LIBRE!