Chapter 38

225K 4.2K 248

38

Hindi ko na ramdam ang sobrang lamig ng lugar dahil sa pinagpapawisan ako ng malapot. Pagkatapos kasi akong ihatid ni Gabriel sa room namin iniwan na niya ako. Ako naman, hindi mapakali samantalang, mag uusap lang naman kami.

Hidni ko siya nakita hanggang magdinner at kahit na nagkakantahan na ang mga kasamahan ko, wala pa ding Gabriel na sumulpot. Yung kaba ko kanina, napalitan ng inis. Sinasabi ko na nga ba na sinungaling ang lalaking yun. Nakaismid na sabi ko sa harap ng bonfire.

Sasabihin niyang mag uusap kami tapos siya itong hindi sisipot. Sinayang lang niya ang kaba ko kanina.

“Gago talaga yun!” Sabi ko sabay sipa sa buhangin papuntang bonfire. Wala na akong pakialam kung marinig man ako ng mga katabi ko dito sa bonfire. Naiinis ako. Naiinis ako! Naii---

Napatigil ako sa iniisip ko nung may umupo sa tabi ko with that familiar scent and the familiar warmth. Napatingin ako sa paligid at nakita kong ang mga kasamahan ko dito kanina na nagluluto pa ang marshmallows at nag iihaw ng isaw at barbeque ay nawala nang lahat. Nakita kogn lumipat na sila sa kabilang bonfire at doon sila nag iihaw.

Bakit naman iniwan nila ako dito?

“Mag uusap na tayo.” Sabi niya na lang at di man lang nag abalang magpasakalye. Wala man lang hi or hello.

“Panis na ang laway ko.” Nakasimangot na sabi ko.

“May inasikaso lang ako sa Manila.” Dagdag pa niya. So ibig sabihin, bumalik pa siyang Manila tapos nagbyahe ulit pabalik dito?

“Hindi ako nagtatanong.” Paismid na sabi ko.

“Mira…bakit ba ang tigas ng ulo mo?” He said with an exasperated tone.

“May nakita ka na bang skull na malambot? Kung meron, ipakita mo sa akin at bibigyan kita ng isang milyon.” Pamimilosopo ko sa kanya.

“Wala ka ngang pambayad sa mga towels, bibigyan mo pa ako ng isang milyon.” Napatingin ako sa kanya bigla. Nagkasalubong na ang mga kilay ko.

“Hoy! For your information, hindi ako mag kakautang sayo kung…” At natigil ang pagsasalita ko nung bigla niyang hinawakan ang isang kamay ko. Nawala sa isip ko ang mga sasabihin ko pa. The warmth of his hand immediately envelope my cold hands.

Ito ang unang beses na nagtangka siyang hawakan ako simula nung magkagalit kami. At hindi ko maexplain ang nararamdaman ko. It was just a holding of hands pero pakiramdam ko, napaka intimate ng ginawa niya.

“Are you still mad at me?” Mahina niyang sabi at nagsitayuan ang lahat ng balahibo ko sa katawan. Ay shit! Bakit ganito ang reaction ko? Hindi ko talaga alam at naloloka ako.

Then I searched for that hatred in my heart pero wala akong makapa. Sinabi ko na dati na hindi ko siya matitiis at siguro hindi ko din kayang magalit sa kanya ng matagal. Pride na lang nga ata ang nagtutulak sa akin para patuloy na magkunyaring galit sa kanya.

“Hindi.” Dahil yun ang totoong nararamdaman ko. Naramdaman kong himigpit ang hawak niya sa kamay ko tapos huminga siya ng malalim. 

“But still I am sorry. I wanted to make it up to you if you will let me.” At bumalik ulti ang kabang nararamdaman ko kanina. Dinagdagan pa na parang nagwawala ang tyan ko.

“Gab…”

“I won’t take no for an answer Mira. Sinabi ko na yun sayo. At hindi mo rin sabihing layuan na lang kita because I won’t do that either. I tried but I can’t. Nahirapan lang ako. And I don’t want to undergo that kind of torture again.” Napatingin ako sa kanya.

“Wag ka nang magtaka.  I did that twice. Nung nakipagbreak ka sa akin at nung nalaman ko kung gaano kita nasaktan. Naisip ko, siguro nga mas mabuting hiwalay na lang tayo.  In that way, I would stop hurting you and myself. Naisip ko din na siguro nga hindi tayo bagay. Kasi hindi tayo magkaintindihan. Magkaiba ang pananaw natin lalo na sa kasal. You are just too liberated at ang arte mo pa.” Teka! Nakikipagbati ba to sa akin o nanlalait? Sinamaan ko siya ng tingin pero hindi siya nakatingin sa akin. Nakatingin lang siya sa bonfire. Nasayang lang ang pagdilat ng mga mata ko. At hindi ko na din nagawang magsalita. Para kasing nakakahiyang bulyawan siya, e nagmomoment yung tao.

“And yeah, nakakainis ka at naiinis ako sa mga ginagawa mo sa akin dahil pakiramdam ko sobra sobra na. At nagpapakatanga na ako. Pero alam mo, kahit gaano ka nakakainis, kahit gaano ka kaarte, at kahit gaano  nakakagalit ang ginagawa mo hindi ko magawang magalit sayo? To think na hindi mahaba ang pasensiya ko. ” I saw him smile.

“Dahil kapag naisip ko ang lahat ng nakakainis na bagay na ginawa mo, ang lahat ng kahihiyan na naranasan ko dahil sayo, naiisip ko rin ang mga simpleng bagay na ginagawa mo na nagpapangiti sa akin. And you are not even aware that your simple actions made me smile. At wala na akong magagawa kundi umiling at ngumiti na lang at mapapaisip…God! How I love this girl. Ni hindi ko magawang magalit sayo ng hihigit pa sa sampung oras. Magtampo siguro oo, pero magalit hindi.” Nakagat ko ang lower lip ko at napalunok ako sa mga sinasabi niya. Natatouch ako sa mga pinagsasabi niya na naiiyak na ako. At the same time, nag uumapaw ang kilig na nararamdaman ko.

The ancient Gabriel didn’t do this to me. Kahit gaano pa ka-makata ang dating Gabriel, he never did this. And now the deceitful, the liar Gabriel that I knew  is saying all of these things. He is baring his soul to me. And I am deeply touched and it lef tme speechless.

I looked at him and it’s as if I saw him for the first time. Hindi siya yung Gabriel na na makata at hindi din siya ang deceitful na Gabriel. I just saw him as Gabriel. Just a guy named Gabriel. A guy who made my heart flutter.

“At kapag nag aaway tayo, you would do something hilarious at bigla na lang malulusaw ang galit ako. Katulad ng  halos magsigawan na tayo and suddenly you would rub your nose na para bang ang ilong mo ang may kasalanan ng lahat. Hindi ko alam pero naamuse ako. I find it adorable. I find you adorable and so  I thought, why would I want to let go of someone who could make me happy with just a single flip of her hair? No other girl could do that kaya nakapagdesisyon na ako. Kahit pa ang ang magiging desisyon mo ngayong gabi, gagawin ko pa din ang lahat bumalik ka lang sa akin.”

A/N: Ayun bigla bumalika ng isang chapter 37.  

That Mighty BondBasahin ang storyang ito ng LIBRE!