Chapter 9

290K 4K 318

9

‘I shall return.’

‘Never say never.’

‘Walang matimtimang birhen sa matiyagang manalangin.”

Yan ang mga quotes na ikinabubuhay ko ngayon. Because I know that I cannot be mad at Gab forever. Isang araw pa nga lang akong nagtatampo tapos binigyan lang niya ako ng bulaklak, lusaw na ang nagtatampong puso ko. Hindi ko siya kayang tiisin kasi isang araw pa lang miss na miss ko na siya.

Kaya nagkabati kami agad pero hindi ibig sabihin nun ay okay na ako. Patience is a virtue. If I wanted to kiss him, I need to be patient. Ano ba yan! Kaasar naman kasi. Para naman ako nagpaplanong mang rape sa iniisip ko eh halik lang naman ang gusto ko sa boyfriend ko.

“Gab gusto kong mag mall.” Ingos ko sa kanya habang kumakain kami sa isang resto after ng office.

“Mira, sa susunod na lang ang lakas ng ulan baka abutan tayo ng baha sa daraanan.” Sabi pa niya. Eh di mabuti kung ganun! Mabuti nga kung ma stranded tayo sa gitna ng baha para wala ka ng kawala sa akin. Nagdiriwang na ang kaluluwa ko sa isiping yun. I can almost imagine myself trying to kiss him habang siya naman iwas ng iwas tapos sa kakaiwas niya nabuksan niya ang pinto ng taxi at dahil nga starnaded kami sa gitna ng baha, pumasok ang tubig sa loob at nalunod kami.

Napailing iling ako sa naisip ko. Bakit ba napunta sa pagkalunod yun? Erase erase!

“I’ll just be quick okay? Pleassee.” Paglalambing ko pa na may kasamang pout. At siempre, who cloud resist me? Kaya sa huli bumigay din naman siya at dumiretso kami sa mall. At naabutan kami ng pagsasara hindi dahil sa matagal akong pumili kundi dahil sinadya ko talagang magpatagal.

Kaya ang kinalabasan pagkalabas namin sa mall, malakas pa din ang ulan at madami na ang hindi makasakay. For the first time since I’ve known him, nagpasalamat ako na may taxi siya. Well, mas maganda pa din kung kotse di ba? O kaya SUV. Pero carry na ang taxi.

At sa kabutihang palad din madami na ang baha at unpassable road. Pero kahit ganun, ni minsan hindi niya ako sinisi dahil sa pagtagal namin sa mall. Hanggang sa wala na talaga kaming madaanan.

“Paano na yan? Hindi na tayo makakauwi?”Kunyari kinakabahan ako sa nangyayari pero ang totoo excited ako.

“Wala na tayong magagawa Mira, maghanap na lang tayo ng matutulugan.  Hindi naman tayo pwedeng matulog dito sasakyan.” Kulang na lang mapatalon at mapasuntok ako sa ere dahil sa sinabi niya. Pupunta ba kaming motel? Yesssssss!!

Pero hindi kami pumuntal motel, sa hotel niya ako dinala. Ang sosyal naman talagang taxi driver itong si Gab. Hindi kaya maubos ang  kita niya dahil sa isang gabi sa hotel? Pero hayaan na nga lang siya. So ayun nga, pinavalet pa niya ang masuwerteng taxi at nagcheck in na kami.  Suite pa ang nakuha naming room dahil punuan na dahil nga madami na ang na stranded na nag check in din. Ni hindi man lang siya nagtanong kung magkano ang isang kwarto. Di bali may extra money naman ako dito sa bag. In case na kukulangin siya eh di magbibigay ako.

“Mira, mag ayos ka na at matulog. Gabi na may pasok ka pa bukas.” Sabi niya sa akin.

“Okay.” Sabi ko na lang at pumunta na ng kwarto. Naiwan siya sa may living room ng suite room. Naligo na ako at lumabas ng banyo ng nakabathrobe na lang. Mabuti na lang provided ng hotel ang bathrobe at ang tsinelas.

Nahiga na din ako sa kama at hinihintay si Gab si halos makatulog na ako hindi pa din siya pumapasok sa loob.

“Gab!” Sigaw ko pa. Nakabukas kasi ang kwarto kaya alam kong rinig niya ako. Pero walang sumasagot. Nakailang tawag pa ako pero wala talagang sumasagot. Kaya tumayo na ako at lumabas ng kwarto. And there I saw him sleeping on the sofa. Nakabukas pa ang TV. Mukhang confortable naman siya sa posisyon niya pero ako, hindi comfortable sa sitwasyon namin. Para saan pa ang pag aarte ko kanina kung hindi ko matuloy ang plano kong mahalikan siya?

Kaya unti unti akong lumapit sa sofa kung saan siya nakahiga at umupo sa tabi niya. Pinagmasdan ko ang maamo niyang mukha habang natutulog. Mukhang naghilamos ata siya at binasa ang buhok niya kaya nawala na ang pomada niya. O baka naligo na siya tapos sinuot ulit ang damit niya?

He’s perfect. His features, his skin. Ang matangos niyang ilong and his lips. Those kissable and adorable lips. It’s my chance to taste it. Dahan dahan kong nilapit ang mukha ko sa mukha niya. Nakaramdam ako ng kaba pero nanaig ang determinasyon ko.

At hinalikan ko nga sa labi ang walang kamalay malay kong boyfriend. There! Hindi na virgin ang lips mo. Nahalikan na din kita! Yes! 

Aalisin ko na sana ang saglit na pagkakalapat ng mga labi namin when he suddenly kissed me back. Yung kiss niya hindi katulad ng kiss ko na smack lang. His lips nibbled my lower lip at agad akong nadarang. Pinulupot pa niya ang braso niya sa leeg ko kaya napasubsob ako sa kanya. And resulta, nakadagan na ako sa kanya.

Iminulat ko ang mga mata ko habang hinahalikan niya ako para tingnan kung gising na ba siya pero nakapikit pa din siya. Tulog pa din ba siya? Ano to? Nananaginip siya na hinahalikan niya ako? Pero kahit na nananaginip lang siya, ang sarap pa din niya humalik. And hell, I don’t cxare if he’s asleep or not. Gusto ko pa siyang halikan. Nakakaadik ang halik niya.

And so, I kissed him back the way he is kissing me. At hindi ko napigilan ang pagpakawala ng ungol when his tongue invade me mouth.

“G-Gab..” Oh my God! This is the best kiss I have ever tasted in my whole life. I can’t get enough.

“M-Mira!” Sabay silang napadilat ng mata and she saw as shock register  on his face.  

That Mighty BondBasahin ang storyang ito ng LIBRE!