Chapter 20

300K 4.3K 268
                                    

20

Itinapon ko ang tissue sa basurahan sa harap ko. Napabuntunghininga naman ang kaibigan ko. Yeah, may kaibigan din ako. Akala niyo lang wala pero meron talaga. At dito nga ako dumiretso sa kanya pagkagaling ko sa office. Pagkatapos ng nangyari, pagkatapos ng pagkapahiya ko kanina. Mabuti na lang at ermitanyo itong kaibigan ko na itatago na lang natin sa pangalang Juana dahil isa siyang writer at ayaw niyang marereveal ang totoong pagkato niya.

Saan na nga ba ako? Ahhh yun, ermitanya itong si Juana kasi hidni lumalabas ng bahay. Kung minsan nga hindi pa lumalabas ng kwarto dahil sa pagiging writer niya. Ganun daw talaga ang mga writer. May mga sariling universe at ayaw ko namang kontrahin pa siya kasi tinatamad ako.

Pero ngayon, napalabas ko siya sa kwarto niya dahil sa nakakeskandalong pagkatok ko sa apartment niya. At ngayon nga, kahit hindi pa siya nakapagsuklay, wala siyang nagawa kundi harapin ako at makinig sa daing ng puso ko. In fact, siya itong kumuha ng basurahan at naglagay sa harapan ko kesa daw ikalat ko ang mga tissue sa center table niya. Yeah, she’s my friend alright. At concern siya sa akin. Base na din sa pakikinig niya.

“Gaga ka kasi!” Napakislot ako nung sininghalan niya ako.

“Ano ba kasi ang pumasok dyan sa maarte mong kukote at hindi mo siya pinakasalan?  Nakakuha ka na nga ng  diyamante, itinapon  mo pa. At nung kinuha nung iba, ngayon iiyak iyak ka? Kung hindi ka ba naman kasi tinamaan ng magaling.” Kulang na lang sabunutan ako ni Juana. Galit na galit siya na para bang siya ang naagrabyado sa sitwasyon. Na para bang siya ang nagpropose at siya ang tinanggihan.

“Eh kasi nga, Juana, sinabi ko nga na hindi pa ako handa. I am still too young.” At sinabi ko ulit sa kanya ang rason ko kung bakit nagkaganun kami ni Gab.

“Tanga! Age doesn’t matter. Nung kapanahunan ni Rizal nagpapakasal na ang 16 years old at old maid na ang 23 years old.”

“Hindi naman ngayon panahon ni Rizal. At bakit ba sa kanya ka kumakampi? Ako na nga ang nasasaktan dito. Ako na nga ang inalipusta, ang nilait lait at inapak apakan ang buong pagkatao…”

“OA ka Mira. Dahil hindi ako bias kaya ganun. Pero sige na nga. For the sake of our friendship na kinakalawang, kunyari sayo ako kampi. At tanga ang Gabriel na yun. Isa siyang manloloko, magnanakaw, rapist at mamamatay tao. Ano ngayon ang gusto mong gawin natin?” Kung hindi lang ako busy sa pagsinghot at pagpunas sa luha at sipon ko, nilublob ko na si Juana sa kumukulog mantika dahil sa sarcasm sa boses niya.

“I need a boyfriend.” I said while wiping my nose.

“Huh? Boyfriend?”

“Oo. Madaming madaming boyfriend.” This time, tiningnan na niya ako ng masama at nakataas ang kilay.

“Anong gagawin mo sa madaming madaming boyfriend?” Skeptical na sabi niya and by the sound of her voice , I know that she is against it.

“Panakip butas.” Tumaas pa lalo ang kilay niya sa sinabi ko.

“Bakit kailangang marami?” Napasandal na siya sa sofa habang nakatingin sa akin.

“Oo. Malaki ang butas eh. But for now, let me cry muna.” Bumuntong hininga lang siya at hinayaan na akong umiyak.

That Mighty BondTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon