Chapter 42

202K 4.7K 803

 42

Namamawis ang mga paa at kamay ko. Nakaharap ako ulit ngayon sa Villegas clan. Pero ngayon nadagdagan pa sila. Andito ang limang magpipinsan. Ang asawa si Sir Ralph at ni Jhudiel and sitting in the middle is the matriarch and the patriarch of the clan and they are all looking at me na parang igigisa nila ako.

Diyos ko po, katapusan ko na ba? Sa ganitong sitwasyon ba ako mamamatay? Iihawin na ba ako ng Villegas clan kasi masyado  kong pinahirapan ang paboritong apo ni Lola?

“Gabriel, sigurado ka na ba sa babaeng yan?” Nakataas ang kilay na tanong ni Ma’am Gertrude.

“Matagal na po Lola.” Proud na proud namn ako sa sagot ni Gab. He didn’t even blink or flinch at his answer.

“Kung sigurado ka na pala apo, bakit hindi  pa kayo magpakasal?” Mahinahong sagot naman ng matandang lalaki sa tinawag ni Sir Ralph na prodigal grandfather kanina.

“Grandpa, bata pa po si Mira at madami pa siyang pangarap na gustong abutin.” Sagot namn ni Gab. I love him na talaga. He is my savior.

“Katulad ng?” Mataray pa din si Ma’am Gertrude. Nakakatakot talaga siya.

“Hindi pa siya napopromote.” At gusto kong sabunutan si Gab sa sinabi niya.Oo nga at sinabi ko yun sa kanya bilang isa sa mga pangarap ko. Pero kailangan bang yun din ang sabihin niya?

“Yun lang ba?” Tapos tumingin si Ma’am Gertrude kay Sir Ralph na hindi naman ata nakikinig kasi busy sa paghawak sa tyan ng asawa niya na may kalakihan na

“Bueno, Raphael, i-promote mo bukas na bukas din si Mira.” Nanlaki naman ang mga mata ko. Ganun ganun lang yun. At bukas na agad? Seryoso ba siya sa sinasabi niya? Lalo tuloy nanuyo ang lalamunan ko dahil sa sinabi niya.

“Sa anong posisyon Grandma?” Bored na sabi ni Sir Ralph.

“Yung posisyon ni Raziel. Ibigay mo sa kanya!” I heard a gasp and I saw Ma’am Raziel’s eyes getting wide.

“Bakit and posisyon ko Lola? Ba’t hindi ang sa’yo?” Reklamo ni Ma’am Raziel.

“Dahil…hanggang ngayon hindi mo pa alam ang gagawin mo sa buhay mo Raziel. Kung mag aasawa ka ba o magmamadre. Kung wala kang direcsiyon sa buhay papano mo mabibigyan ng direksyon ang kompanya.” Mahabang sabi ni Ma’am Gertrude.

“Magkaiba naman yun Lola. At hindi ako makakapayag na mapaalis sa company. Ano na lang ang gagawin ko?” Halos magdabog na si Ma’am Raziel.

“Magtinda ka na lang ng buko.” Seryosong sagot ni Ma’am gertrude.

“Naman eh!”

“Wag kang mag alala. Di seryoso si Lola.” Bulong ni Gab sa sa akin. Nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi niya. Akala ko kasi talaga seryoso ang Lola nila. Naparelax ako at napahinga ng malalim.

“At ikaw Mira, seryoso ka na ba dyan kay Gabriel?” Napalingon agad ako kay Ma’am Gertrude.

That Mighty BondBasahin ang storyang ito ng LIBRE!