Chapter 28

263K 4.8K 699

28

Todo iwas ang ginawa ko kay Gabriel at pati na din sa mga ka officemates ko na walang ginawa kundi ang intrigahin ako na naging ex ko daw ang isa sa mga may ari ng Villegas Group of Companies. Yung iba sabi pa gold digger daw ako. Social climber daw ako. Sarap paghahambalusin. Di ba nila alam na tinanggap ko si Gabriel Villegas sa buhay ko kahit na taxi driver siya?

Tapos sasabihan nila akong social climber? Pero siyempre ayaw ko na silang itama sa mga paniniwala nila. Magmumukha lang akong defensive. Nakakawala ng poise. Pagpapatayin ko na lang sila sa utak ko.

Nagfocus na lang ako sa trabaho ko at sa paghahanap ng trabaho. Katulad na lang ngayon. Hindi ako pumasok kasi may job interview ako sa isang company dito rin sa Makati. At siyempre, dress to kill ang porma ko. At kapag natanggap ako, goodbye Villegas tower, goodbye Villegas Group, goodbye Gabriel.

Tiningnan ko ang relo ko at 15 minutes na lang interview ko na. Pero hindi ako nagmamadali sa paglalakad kasi pagkaakyat ko sa underpass, isang block na lang building na kung saan ang interview ko. Confident ako na hindi ako malelate.

Nagrerehearse na ako ng sasabihin ko sa mga possible interview question nung mapansin ko  na may sumasabay sa akin sa paglakad.

Langya, may mang iisnatch pa ata. Hinawakan ko ng mabuti ang bag ko. Ayaw kong maglakad pauwi o ang mag 1-2-3 sa jeep. Binilisan ko ang paglalakad ko at napansin kong bumilis din ang paglalakad ng sumasabay sa akin. Kumunot ang noo ko at nairita ako kaya napatingin ako sa atribidong snatcher. Kung mang iisnatch ka, gawin mo na! Ano pa ang hinihintay mo Christmas Bonus? Bwisit!

Pero bigla akong napatigil nung natingnan ko na ang sumasabay sa akin. Para akong kotse na biglang nagbreak. Tumigil din siya at tumingin sa akin tapos ngumiti.

Sumimangot ako. Ano ang ginagawa ng isang Gabriel Villegas at naglalakad sa kahabaan ng Ayala Avenue in his 3-piece suit?

 Nung nakarecover na ako sa kagwapuhan na nasa harap ko, sumimangot na ako at nagsimulang maglakad ulit. Hindi ko siya pinansin.

“Hi!” Sabi niya nung magkatabi na naman kami. Ang bilis niya akong mahabol. Kunsabagay, ano nga naman ang magagawa ng hakbang ko sa hakbang niya? Naka-stilleto pa ako. Siguro matitigil lang siya sa paghabol sa akin kung ipupukpok ko sa noo niya ang heel s ng stilleto ko. Pero hindi ko yun gagawin. May interview pa ako at ayaw kong pumunta doon na may dugo ang stilleto.

Hindi ko siya pinansin. Tuloy lang ako sa paglalakad.

“Hi I’m Angelo Gabriel Villegas, VP for Engineering of…” Napatigil siya sa pagsasalita nung bigla akong tumigil sa paglalakad. Tumaas ang isang kilay ko.

“Pakialam ko?” At naglakad ulit ako. This time binilisan ko na. Ano na naman ang trip niya?   Kaasar.

“Gusto ko ngang magsimula tayo ulit. This time hindi na ako magpapanggap. Magpapakatotoo na ako.” Sabi niya habang sinasabayan pa din ako.  

“I don’t care.” Paismid na sabi ko at lalong binilisan ang paglalakad. Pinunasan ko na din ang pawis ko sa noo. Kainis naman talaga itong si Gabriel. Nakakawala ng poise. Bakit ba hindi na lang niya ako tigilan? At nang tumahimik na ang buhay ko at tumahimik na din ang nagwawala kong puso tuwing nakikita ko siya? Mas lalo lang niya akong pinapahirapan sa pagmomove on. Pero di bali, once na natanggap ako sa trabaho, malubos lubos ko na ang pagmomove ko. Magiging Gabriel free na ang buhay ko.

That Mighty BondBasahin ang storyang ito ng LIBRE!