Chapter 27

272K 4.3K 490

27

At habang naglalaban ang mga Villegas sa pamamagitan ng mga tingin, unti unti akong lumabas ng opisinang yun. Sinabi ko na na ayaw kong makita si Gabriel. At kung kailan naman inalis ko na ang shades ko tsaka naman siya biglang pumasok.

 And besides, wala na akong business sa opisinang yun. Nasa labas na sana ako at mga dalawang hakbang na lang tatakbo na ako nung bigla niyang hinawakan ang braso ko. Hindi na ako nagulat kung sino. Masyado nang pamilyar sa akin ang kamay niya. At mas pamilyar sa akin ang pag aalburuto ng puso ko dahil lang sa hinawakan niya ang braso ko.

Yes, my mind might be intent on forgetting him, but my heart is still on the process digesting whether what is happening to us is real. Kasama pa doon ang denial na hindi nangyayari ang lahat at ang hope that everything is not too late na kaya pang isalba ang meron kami dati. Kaya nga siguro matagal ang moving on process.

I tried to be free from his grip pero lalong humigpit ang hawak niya sa braso ko na para bang nasa kanya pa ang lahat g karapatan para hawakan ako. Gusto ko siyang sapakin para bitiwan niya ako pero  kanang kamay ko ang hawak niya at kung kaliwang kamay ko ang mananapak, hindi masyadong masakit kasi hindi masyadong forceful.

“Can you please leave?” Nanggagalaiti niyang sabi sa mga pinsan at pati sa lola niya.

“Huh? Hindi pa nga ubos ang pansit.” Sagot naman si Sir Ralph.

“Eh di dalhin mo. I don’t care!” Sigaw niya.

“Tara na nga. Jude pakibitbit ng bilao at nag aalburuto na ang paboritong apo ni Lola.” Sabay tayo ni Michael at bitbit ng softdrinks. Seriously? Dadalhin talaga nila ang pansit at ang softdrinks? Tiningnan ko sila habang lumalabas ng opisina si Gabriel.

“Wag mong patawarin.” Bulong pa ng isang pinsan nila sa akin na pangalan ay Jhudiel bago tuluyang lumabas ng office. Naningkit ang mata ni Gabriel.

“Yeah. Pahirapan mo. Pagapangin mo sa ilalim ng Pacific Ocean.” Sabi naman ni Ma’am Raziel that earned a sharp look from Gab. Seriously, are they still normal? Mukhang hindi eh.

Pero kung nawindang ako sa mga comment ng mga pinsan niya, mas nawindang ako sa comment ng lola niya nung dumaan siya sa amin.

“Kailangan niyang panagutan ang puri mo Gabriel. Hindi tayo ang klase ng mga taong, pagkatapos pagsawaan, ay iiwan na lang sa ere.” Seryosong sabi ni Ma’am Gertrude. Seryoso ba talaga siya sa sinabi niya kanina na kailangan kong panagutan ang puri ni Gabriel?

“Grandma!” Malakas na sabi ni Gabriel. Pero hindi siya pinansin ng lola niya. Sumunod ito sa mga pinsan ni Gab leaving us in his office. Malakas pa din ang hawak niya sa braso ko.

Tapos hinila na lang niya ako papasok sa office niya and he close the door sabay bitaw sa kamay ko at sumandal sa pinto. Para bang sinisigurado niya na hindi ako makakatakas. Inismiran ko siya at tumingin sa ibang parte ng opisina. Sinasabi ko na ayaw kong makita siya kaya mas mabuti pang sa ibang bagay ako tumingin.

“Mira, can we talk without you slapping me?” Hindi ako sumagot. Tumingin lang ako sa halaman na nasa gilid ng mesa niya.

That Mighty BondBasahin ang storyang ito ng LIBRE!