Chapter 17

261K 3.7K 265

17

“Hindi pwede Mira” Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Tinatanggihan niya ako? Ganun? Hindi siya pwedeng makipagbalikan sa akin? Ibig ba niyang sabihin hindi na niya ako mahal? Sumikip ang dibdib ko nung maisip ko yun. At alam kong hindi ko matanggap na ganun kabilis maalis ang pagmamahal niya sa akin.

“At bakit? H-hindi mo na ba ako mahal?” Gusto ko ng maiyak. Impossibleng hindi na niya ako mahal. Kelan lang kami nagbreak.

“Ikakasal na ako Mira.” There! He confirmed it. Totoo nga na siya ang fiance’ ni ‘Maria Clara’. Sa kanya na mismo galing at parang puputok ang utak ko habang iniisip ang kasal nilang dalawa. A wedding in an acient place. Kalesa ang sasakyan nila papunta sa lumang simbahan. Nakafilipiniana ang lahat ng tao. The ceremony will b held in pure tagalog.

“Ang bilis naman. Parang kelan lang ako ang niyaya mong magpakasal tapos ngayon ikakasal ka na sa iba. Pero hindi mo pa din sinagot ang tanong ko. Mahal mo pa ba ako o hindi?” Nakita ko siyang yumuko at nakikita ko pa ang pamumula ng pisngi niya.

Ito ang isang bagay na nagustuhan ko kay Gab. He is so transparent. Ang dali niyang mamutla at ang dali niyang mamula. Pero minsan, nakakainis din ang bagay na yun kasi nakikita ko na ang sagot bago pa niya sasabihin. Katulad na lang ng pamumutla niya kanina. Kahit papaano alam kong tatanggi siya.

Naghintay ako ng sagot niya pero hindi siya nagsalita. Tiningnan ko siya pero iniiwas niya ang tingin niya sa akin hanggang sa mainis ako.

“Sagutin mo ako kung hindi hahambalusin kita ng kape!” Akma kong ihahampas sa kanya ang kape pero hindi ko naman talaga magagawa yun. Gusto ko lang siyang takutin.

“Mira…” He hesitated at pinipigilan ko na talaga ang luha ko. Kapag sinabi niyang hindi na niya ako mahal, I swear I would wail in front of him. He can’t move on that fast. Hindi pwede!

“Isa!” Banta ko pa sa nagtatapang tapangan na boses pero gusto ko ng magbreakdown.

“Mahal pero…”  Pero? Pero ano? Halos hindi na din ako huminga. Gusto kong magtatalon sa narinig ko. He still loves me. Tama nga ako na hindi pa siya nakakapagmove on. Nakakita ako ng pag asa sa gitna ng dilim. 

“It doesn’t matter.” Mariin na sabi niya at doon ako napanganga. Anong it doesn’t matter? His love for me doesn’t matter? Pero may kanta ngang ‘Love is all that matters’ di ba? Tapos sasabihin niyang it doesn’t matter?

“What?” Hindi pwedeng mapunta kami sa it doesn’t matter. Oo nga at ako ang nakipagbreak pero hindi naman totoo yung pakikipagbreak ko. I am still expecting him to get back to me. Na suyuin ako which he didn’t do.

“Hindi ko pipilitin ang sarili ko sa babaeng ayaw matali sa akin.” May hinanakit sa boses niya nung sinabi niya yun. Siguro naalala naman niya ang 15 times kong pagreject sa kanya na hindi ko naman matandaan kung 15 times talaga.

 “Gusto ko naman na magpakasal sa’yo  ah! Hindi ko naman sinabing ayaw kong magpakasal sayo. Pero wag lang sa ngayon. Hindi mo kasi naiintindihan. Gusto mo agad agad!” And it making me frustrated.

“Kahit na Mira.  Nakapagcommit na ako sa fiancee ko. Hindi na ako pwedeng umurong. Ikakasal na kami.” So ganun na lang yun? Baliwala na lang ang masasayang sandali namin? Dahil nakipagcommit na siya? Baliwala na lang ang pagmamahal namin? Ganun?

Tiningnan ko siya ng masama. Ng masamang masama. Tapos tumayo ako ng padabog pero hindi pa din ako umaalis sa harap niya.

Kumukulo ang dugo ko. Umiinit ang ulo ko dahil sa ginagawa ni Gabriel. He’s acting as if he can’t do anything about it. He said he loves me for God’s sake tapos igigive lang niya ng ganun ganun ang sinasabi niyang pagmamahal na para bang baliwala lang ang bagay na yun.

Na para bang walang ka kwenta kwenta ang nararamdaman niya.

At hindi ako makakapayag sa ganun.

Siguro nga makata siya, siguro nga mana siya kay Rizal pero nananalaytay pa din sa ugat ko ang dugo ni Gabriella Silang.

AT hindi ako papayag na maggive up ng hindi lumalaban lalo na at puso ko ang nakataya. No way!

“Hindi!” Sabi ko sabay palo ng kamay ko sa mesa. Nagulat siya sa ginawa ko.

“Hindi ako makakapayag na makasal ka. Aagawin kita sa kanya hanggang sa dulo ng walang hanggan.” At nag walkout ako dahil sa sobrang inis at pagkapikon. Because Gabriel just can’t give up on me. 

That Mighty BondBasahin ang storyang ito ng LIBRE!