Chapter 25

268K 4.7K 857

25

“I wanted to resign.” Sabi ko kay Juana habang bored siyang nakatingin sa akin. This time wala ng basurahan para paglagyan ko ng tissue. May tuwalya siya nilagay sa harap ko at nahihiya naman akong umiyak at tuwalya ang ipampupunas ko. Mahal daw kasi ang tissue kaya tuwalya ang gagamitin ko.

“Eh di magresign ka.” Wala pa ding gana na sabi niya.

“Wala akong savings. Wala akong pambayad sa rent ng apartment kung magreresign ako. Hindi ako aabot ng isang buwan at mauubos ang pera ko.” She rolled her eyes.

“Gastador ka kasi. Kahit piso wala kang pera sa bangko!” Singhal na ni Juana sa akin.

“Oi hindi naman. Meron naman akong 78.25 pesos sa bank. Hindi kasi pwedeng iwithdraw pag below 100 sa ATM.” Bumuntong hininga si Juana in an exaggerated way.

“Ano ngayon ang gusto mong gawin ko?” Kinuha niya ang tubig sa center table at ininom yun. Tapos sumandal sa sofa at pumikit.

“Pwedeng umutang sayo kahit 10million lang?” Seryosong sabi ko kaya napaupo siya ng tuwid at napatingin sa akin with her big brown eyes.

“Gusto mo ng sapak? Bakit hindi mo utangan ang ex-boyfriend mo?  I’m sure  makakautang ka dun, richboy kasi. At isa pa siya naman ang dahilan kung bakit ka magreresign di ba?” This time ako naman ang tumingin kay Juana ng masama. Kailangan ba talagang i-mention yun?

“You want to die? I told you not to mention him in any circumstances.” Iritang sabi ko. Pinanlakihan ko ng mata si Juana but she just ignored me.

“Ikaw kasi. Hindi ko alam kung brokenhearted ka ba talaga o simpleng baliw lang.” Binaliwala niya ang panlilisk  ng mga mata ko sa kanya.

“Kasi Juana, I need work. Yung legal, at yung matatanggap ako agad. Kasi kung dadaan pa ako sa employment process ilang buwan pa yun? Hindi na madali maghanap ng work ngayon? Ano ang kakainin ko habang wala akong work?” Napatingin si Juana sa akin. Then she stood up at tiningnan ang kabuuan ko. Medyo kinabahan ako. Don’t tell me ibubugaw ako nito. Pag sinabi niya yun, sasabunutan ko siya. I swear. 

“Maging writer ka na lang kaya?” Kalmado pa ding sabi niya habang tinitingnan ako. Parang iniisip pa niya kung bagay nga ba na maging writer ako.

“Para namang may talent ako sa pagsusulat.  At kung sakali man, ano ang isusulat ko?” I pouted. Ang totoo gusto ko ng maiyak sa sitwasyon ko. Ayaw ko ng makita si Gabriel pero hindi pa ako pwedeng magresign. At isa pa dalawang araw na akong absent sa work at dito natutulog kay Juana.

“Isulat mo ang kabaliwan mo. Malay mo may pumatol at maging best seller.”  Tapos iniwan na ako ni Juana. Naiwan ako na nag iisa at nalulumbay at namomroblema. Ano ang gagawin ko ngayon? Kung ayaw ko nang makita ang pagmumukha ni Gabriel, I need to resign pero hindi ganun kadali ang maghanap ng work.

Nakatulog ako na iniisip kung paano ako makakahanap ng panibagong work at pati paggising ko, habang naglalakad sa kahabaan ng Ayala Avenue, yun pa din ang iniisip ko hanggang sa makarating sa office namin. Pero kahit na preoccupied ang isip ko, hindi pa din nakaligtas sa akin ang tingin ng mga tao sa paligid. Hindi na ako magtataka kung alam na nila lahat ang nangyari. But still, I walked with my head held high.

That Mighty BondBasahin ang storyang ito ng LIBRE!