Chapter 45

210K 4.6K 862

45

Iniwan niya akong umiiyak. Wala na akong pakialam kung may makakita sa akin sa ganitong sitwasyon. Wala na akong pakialam na itsura at kung pinagtitinginan man ako.

Ang sakit sakit lang kasi. Ang sakit ng ginawa niya. Sagad na sagad hanggang buto ang sakit na nararamdaman ko. And worst dinala niya ako sa lugar na ito na malayo sa sibilisasyon sa ganitong oras para makipagbreak tapos iiwanan niya pala ako. Paano ako makakauwi mag isa. Talaga bang dito niya ako dinala para hindi ko siya mahabol agad agad? At bakit kailangan pa niyang itaon sa monthsarry namin?

Pinunasan ko ang mga luha ko na nag uunahan, pero habang pinupunasan ko, lalong tumutulo yung iba. Bakit kaialangan niyang gawin sa akin ang bagay na it---

“Ouch!” Napatingin ako bigla sa umaray. At nakita ko ang babaeng natapilok.

Ang tanga naman nun. Di naman pala kayang magsuot ng ganyang kataas na heels, pinilit pa. Ang arte kasi, pasosyal pa ang damit. Sana nag flats na lang siya kesa sa mag suot ng 5 inches heels.  AT bakit ko ba pinapakialaman ang heels ngmay heels. Mas malaki pa ang problema ko kaysa sa heel s ano!

Babalik na sana ako sa pag eemo ko nung biglang may lumapit sa natapilok na babae at tinulungan itong tumayo. Gwapo yung guy pero mas gwapo pa din si Gab. Kinuha nung guy ang sapatos ng babae at may kinuha mula sa bulsa nito. Di ko alam kung ano pero maliit lang siya. Napagtanto ko lang kung ano yun nung dinikit niya ang takong sa sapatos nung girl at saka lumuhod pa ito sa harap nung girl habang sinusuot ang sapatos nung girl na hindi ko alam kung kinikilig na ba o nasasaktan pa din ng dahil sa pagkatapilok.

And seeing that scene made me remember something.

Putspa! Nananadya ba ang tadhana? Dahil ganyan na ganyan ang nangyari sa amin ni Gabriel nung una kaming nagkita.

 At pati ba naman ang damit ng babae halos kaparehas ng damit ko dati? At pati ang porma ng guy! Talaga bang pinaparusahan na ako?

Then the girl clung to the arm of the guy and they walked towards me. Umupo sila sa mismong harap ko  at pagka upong pagkaupo nila, a waiter served them a Mcdo meal. What the hell! Tuluyan nang umurong ang luha ko. Lalo na nung nirecite nung guy yung number niya at nagdial ang girl and the guy answered using a 3210 cellphone.

Gusto ko na silang sugurin. Wala silang karapatang ipaalala sa akin ang lahat ng bagay na to lalo na at kakahiwalay lang namin ni Gabriel. And the guy paid the bill. Using a lot of 20-peso bill.

Hindi ko na alam ang irereact ko. Ano to? Reenactment ng mga nangyayari sa amin ni Gabriel? Anong pakulo ito? Ganito ba siya makipagbreak? Kailangan ba talagang ipareminisce sa akin ang lahat ng bagay?

Then may lumapit sa akin na isang waiter. Akala ko pa nga sisingilin niya ako ng kinain namin ni Gab pero hindi iginiya niya ako palabas ng resto.

“Kuya anong pakulo to?” AT kinakabahan na ako sa nangyayari. Kung tama ang iniisip ko, malilintikan si Gabriel sa akin. Walang hiya siya!

Hindi ako sinagot ng waiter. Pero pagkalabas ko hindi ko na mapigilan ang mapaluha ulit nung makita ko ang taxi. Ang taxi ni Gabriel.  Hindi na ako nagpatumpik tumpik nung pinasakay ako sa taxi. Akala ko nga si Gabriel ang driver pero hindi pala.

That Mighty BondBasahin ang storyang ito ng LIBRE!