Chapter 32

265K 4.4K 839

32

Pinagbuksan niya ako ngpinto ng kotse kaya lumabas na din ako at tiningnan ang bahay na nasa harap namin. Buong akala ko pa naman daalhin niya ako sa isang isla kung saan kaming dalawa lang yun pala, dito lang niya ako dinala sa may taft. Ano bang klaseng kidnapper to?  Hindi man lang creative.

Sumunod ako sa kanya pero nung akma na niyang bubuksan ang pinto ng bahay bigla itong bumukas at may tumili.

“Papa Gab! You’re here na!” Napatago ako bigla sa likuran ni Gabriel at natakot para sa kaligtasan ko. Bigla kasi siyang sinugod ng isang nilalang at bigla na lang lumingkis sa kanya.

“I miss you so so much!” Akmang hahalikan na siya ng nilalang na naka pink shorts at naka razorback white sando nung hinila ko palayo si Gabriel.

“Anong ginagawa mo sa kidnapper ko?” Sita ko sa nilalang. Hindi niya pwedeng i-harass na lang bigla si Gab. Kahit nga ba sabihing kinidnap niya ako.

“Sino siya Papa?” Nakataas ang kilay na tanong sa kanya ng nilalang na dahil sa masusi kong pag oobserba ay napagtanto kong isa palang bakla.

“Ahh.. Mira, si Gretchen, siya ang may ari ng bahay, nagrerent ako dito, Gretch, si Mira.” Tumaas ang kilay ko at tumaas din ang kilay ng bading. Inismiran ko nga.

“Bakit ka nangidnap ng atrimiditang nilalang Papa Gab? Baka madumihan ang bahay ko.” Nakaismid na sabi ng bading. Sasabunutan ko na sana siya kaso hinahakan ni Gab ang braso ko ng mahigpit.

“Gretch, may pag uusapan lang kami.” Tapos hinila na niya ako papasok sa baha, paakyat sa 2nd floor at papasok sa isang kwarto. Kumukulo ang dugo ko sa bading na yun. Akala mo kagandahan, samantalang kunti na lang magkasinlaki na sila ng muscles ni Gabriel. Bwisit.

“Mira…” Tumingin ako sa kanya ng masama.

“Bakit ka nagbabahay ng bading?”  Sita ko sa kanya.

“Anong binabahay? I told you I am renting a room here.”

“Ang daming pwedeng rentahan na bahay, bakit dito pa?” Hindi ko talaga matanggap na kasama ni Gabriel sa iisang bahay ay isang bading. I am not judging all gays, but based on what I saw on how that gay acted upon seeing Gabriel, it give me the creeps. Ni ayaw kong makita silang magkatabi.

“What is wrong with staying here? Mabait naman si Gretchen. At mura ang renta.   And besides, asawa ni Jhudiel ang may ari ng apartment na to. Walang rason para lumipat pa ako.” Mahabang paliwanang niya na hindi ko naman inintindi.

“Ah basta! Ayaw kong nakatira ka sa bahay na to, kasama ang bading na yun!” I sat on his bed frustrated.  Nakascowl pa ako. Paano na lang kung halayin siya ng nilalang na yun? Nooo! Hindi ko talaga matatanggap.

Napansin kong hindi siya nagsalita kahit na inis na inis na ako and when I looked up at him, I saw him looking at me.

“Nagseselos ka ba kay Gretchen?” And he was unable to his smile. Napaiwas naman ako bigla ng tingin.

That Mighty BondBasahin ang storyang ito ng LIBRE!