S.C. 7

2.9K 60 14
                                    




SPECIAL CHAPTER 7

HAILEY'S POV

Kasalukuyan akong nasa hardin habang pumipitas ng mga bulaklak na ilalagay ko sa vase mamaya. Hinihintay kong dumating ang mga anak ko at si Caiden. Ipinasyal niya kasi saglit ang mga bata sa may parke habang nagluluto ako ng paborito nilang pasta kanina.

"Mommy!"

Agad akong lumingon sa gate nang marinig ang sigaw ng anak ko.

"I'm here baby!" sigaw ko nang makitang papasok sila ng bahay. Agad na lumingon sa akin si Caiden at ang mga bata naman ay kumaripas ng takbo palapit sa akin.

"I miss you Mommy!" sabay wika ng kambal. Niyakap nila akong dalawa sa may bewang ko at pinaghahalikan nila ang kamay ko.

Sobrang bilis ng panahon. Parang kailan lang ay kapapanganak ko pa lang sa kanila, ngayon ay limang taong gulang na sila. Ang kambal ay mas makulit kay Caleb. Gustong-gusto nilang alamin ang lahat ng bagay na nangyayari sa paligid nila. Alam kong natural lang na maging matanong ang mga bata, pero sumobra sila pagdating sa gano'n.

Ang mga anak ko ay pareparehas mataas ang level ng IQ at intelligence. I remembered when I introduced to them some toys such as jigsaw puzzle, building blocks, crayons and beads big enough to be strung to develop their analytics skills as well as fine motor skills. Hindi ko inaasahang magugustuhan nila iyon at magtutuloy-tuloy ang pagnanais nilang laruin ang mga bagay na may problem solving.

That was good... but I am worried. Ayokong sa paglaki nila ay mai-involve sila sa kahit anong case studying o kahit anong laban at pag-iimbestiga. Gusto kong malayo sila sa anumang gulo na kinabilangan namin ni Caiden noon. I want them to live peacefully and happily without any harm.

"I got this Mommy..." sambit ni Caleb. Kinuha niya ang mga bulaklak na hawak ko.

Sandali akong natigilan nang titigan ko si Caleb. He's now 8 years old. He's tall and handsome pero isa lang ang ayaw ko sa nakasanayan niya. Masyado siyang suplado sa iba at mas gusto niyang gawin mag-isa ang mga bagay-bagay. Sumasakit na minsan ang ulo ko sa kanya. Lagi niyang sinasabi na malaki na siya, kaya niya na. Pero natatakot akong isang araw ay mapahamak siya.

Iba talaga ang pakiramdam ko habang lumalaki ang mga anak ko. Para bang may mangyayaring hindi maganda kapag nasa sapat na silang edad para magdesisyon para sa sarili nila. They have the abilities in leadership and have personal independence. Walang problema sa abilidad at pag-iisip nila pero ang may problema ay ang mundong nakapalibot sa kanila.

Knowing our environment, there is... there will always be a bad person in this world. They will surely encounter some troubles, and I'm scared of that. Just like me before, kahit ano'ng ayos ng buhay ko... humarap pa rin ako sa pagsubok ng buhay. Nakaharap ko ang masasamang tao, dinanas ko ang mga sakit at hirap. Kaya ngayon ay ayokong makaharap nila ang mga gano'ng klase ng tao, ang gano'ng klase ng pagkakataon at ayokong maranasan nila ang pinagdaanan namin ni Caiden. They don't deserve that, they deserve to have a peaceful world. But... I cannot control my children's destiny.

"Zoe? Are you alright?" Napatingin ako kay Caiden nang marinig ko ang boses niya. Marahan akong ngumiti para ipakita na ayos lang ako at niyakap ang kambal na kanina pa nakayakap sa bewang ko.

Ilang sandali lang ay inaya ko na silang pumasok sa loob. Tumakbo ang mga bata dahil gusto na nilang kumain ng paborito nilang pasta.

"Zoe, what's wrong?" Naramdaman ko ang paglapit ni Caiden sa akin. Inilagay niya ang kanyang braso paikot sa balikat ko at hinigit ako paharap sa kanya.

Through his eyes, I see my world. I will always be in love with my husband. It will never fade until I died. Until I vanishes in the air and until I enters the afterlife. He will always be my one and only, the better half of me.

SKRIVENA UNIVERSITY BOOK 2 (Complete)Where stories live. Discover now