S.U. 50 The Treatment

2.3K 63 5
                                    

CHAPTER 50

THIRD PERSON'S POV

Pagdating ni Caiden sa condominium ay nagmadali siyang pumunta sa may elevator. Kitang-kita ang malalaking butil ng pawis sa kanyang noo kasabay ng hindi mapakaling pakiramdam habang siya'y naghihintay sa pagbaba ng elevator.

Napansin siya ng receptionist dahil hindi siya dumaan doon para mag-log-in sa visitors page. Sisitahin na sana siya nito at ng guard subalit biglang may pumigil sa kanila. Wala silang nagawa kundi ang sumunod sa utos kaya pinagmasdan na lang nila ang binata hanggang sa makasakay ng elevator.

Pagsakay sa elevator ay agad na pinindot ni Caiden ang 10th floor. Pigil-hininga siyang nakatitig sa bawat umiilaw na floor number. Pagbukas na pagbukas ng elevator sa 10th floor ay bigla siyang naistatwa sa kanyang kinatatayuan.

"Brii?" kunot-noong tanong ni Roxie.

Tinitigan sandali ng binata ang dalaga, walang mababakas na kahit na ano'ng emosyon sa kanyang mukha. Marahang napaawang naman ang bibig ni Roxie nang dumiretso sa paglalakad si Caiden na tila inisnab ang kanyang presensiya.

"Wait! Saan ka pupunta?" tanong ulit ng dalaga.

Nagpatuloy pa rin sa paglalakad si Caiden kasabay ng pag-init ng kanyang mukha at pagngitngit ng kanyang mga ngipin.

"Brii!" Tumakbo ito at hinarangan siya. "Where are you going?" she said with a narrow eyes.

Huminto si Caiden. Kitang-kitang ang mga ugat na naglalakihan sa kanyang leeg na parang gusto ng pumunok. He clenches his fist and throws rage vision to Roxie.

"Brii?" nanginginig na tanong ulit nito. Humakbang si Caiden palapit sa kanya, marahang napaatras naman ang dalaga. Pabalik-balik ang tingin nito sa mga mata ng binata na titig na titig sa kanya at sa nakakuyom na kamaong tila kasing tigas na ng bakal.

Napakagat sa labi si Roxie at humugot nang malalim na hininga bago ulit nagsalita, "Wait, you look like a damn fury man. Did I do something wrong?"

Hindi umimik ang binata sa halip ay lalo pa siyang lumapit sa dalaga. Dahan-dahan ding umaatras si Roxie ngunit nang mapansin ni Caiden na namamawis na ito ay bigla siyang ngumisi sabay itinulak niya pasandal sa pader ang dalaga.

Inilapit niya ang kanyang mukha sa napangangang si Roxie.

"You're extremely sweating Rox," nakangising sabi niya, "Your lips and chin is trembling. Do you know why I'm here?"

Umiling si Roxie habang pilit na iniiwas ang tingin kay Caiden.

"Look at me!"sigaw ng binata. Gamit ang isang kamay ay marahas niyang hinawakan ang panga ni Roxie, sabay pinisil nang madiin kaya napanganga ito at napasigaw. Nanlaki ang mga mata nito at awtomatikong hinawakan ang kanang kamay niya para pigilan.

"Wa—it," sambit ng dalaga.

Mas lalong diniinan ng binata ang pagkakapisil na tila gigil na gigil. Kitang-kita agad ang mabilis na pagpula ng mukha ni Roxie at ang pagsilip ng luha sa mga mata nito.

"My veins are celebrating while seeing you like this; your face is turning pallid red, your eyes are damp, you're gulping a hundred times and heck, you are freezing like you're standing in the middle of the North Pole. What's the feeling rooted on the spot, Roxie Faye Finsky?"

Natigilan ang dalaga nang marinig ang buo niyang pangalan lalong-lalo na ang kanyang surname na itinago nang matagal na panahon.

"H—ow did y—"

"How? Let's say that you're on my watch list. I didn't notice your intention at first when you came in Europe and offered me a help. But now, I fvcking fathom the whole thing! Do you know what I'm thinking right now?"

SKRIVENA UNIVERSITY BOOK 2 (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon