S.U. 48 Unforeseen

2.3K 58 11
                                    

CHAPTER 48

THIRD PERSON'S POV

"Prince, meet your group, the Orphic braw!" sambit ni Aviana pagdating nila sa isang bahay na ginawang meeting place ng grupo noon, nang mga panahon na hindi pa nawawala si Knox.

Kumpleto ang Orphic braw. Nakatitig si Mave Troy, napanganga si Yosef, naluluha si Kyler at napatakbo si Keith kay Prince. Hinawakan nito ang mga braso ng binata. Hindi makapaniwala ang lahat sa kanilang nakikita. Akala nila wala na ang pinuno nila... patay na!

Si Zach naman hindi malaman ang gagawin. Hindi niya alam kung ano ang kanyang ire-react. Subalit nang ngumiti siya sa kanyang kagrupo, naglapitan ang lahat at binigyan siya ng yakap.

"Prince! Buhay ka nga!"

"Akala namin tuluyan mo na kaming iniwan."

"Na-miss ka namin bro!"

"Nice to meet you again, Prince Knox."

Hindi napigilang maluha ang lahat. Ang yakap ng bawat isa ay talagang naramdaman ni Zach. Maging siya ay naluluhang ngumiti at gumanti ng yakap sa kanyang mga kaibigan.

"Ano'ng nangyari sa 'yo, Prince?" tanong ni Mave. Hindi pa rin ito makapaniwala sa kanyang nakikita. Walang pinagbago ang itsura ng kanyang pinuno. Lumaki lang ang pangangatawan at nag-iba ng kaunti ang ayos ng buhok. Pero siyang-siya pa rin ang kaibigan nilang minahal at hinanap noon.

Isang ngiti lang ang tinugon ni Zach. Ano nga ba ang dapat niyang sabihin? Kahit siya ay hindi niya alam ang isasagot dahil wala pa rin siyang maalala. Nakinig lang siya sa pinagsasabi ni Aviana na aksidente niyang nakausap sa Mall. At ngayon, nandito na siya sa harap ng mga kaibigan niya. Nangangapa, inaalam at pilit inaalala ang lahat.

"Nagkaroon siya ng memory loss. Gosh, can you please help me to solve that? Nahihirapan ako." Lumingon ang lahat kay Aviana at kunot-noong bumalik ang tingin nila sa binata.

"My past memories was gone since the day that I was hopelessly dying in Europe. I only remember my eight years living in this world," sambit ni Zach. "By the way, I'm Zachary Art Moen. Nice to meet you, Orphic braw."

"Nice to meet you, Zach!" sambit nila at yumakap na naman sa kanilang pinuno.

Saya ang makikita sa kanilang mga mata. Nawala man ang alaala ni Knox, nawala man sa isip niya ang mga pinagsamahan nila noon, pero ang puso niya ay hindi naman nakalimot. Ang kakaibang pakiramdam tulad ng saya at lungkot kapiling ang mga kaibigan niya ngayon ay nagpapatunay lang na makalimot man ang lahat, ang puso pa rin natin ay nananatiling nakagabay at siyang nagpapaalaala na nagmahal tayo ng mga importanteng tao sa buhay natin.

Sapat na ang pakiramdam para sabihin ni Zach sa sarili na ang mga lalaking ito ay mga kaibigan niya noon.

"Let's celebrate!" sigaw ni Kyler.

Naghiyawan ang magkakaibigan. Nagpunta sila sa rooftop ng bahay at inayos ang lugar. Tumawag agad ng catering si Yosef. Kumuha ng mga alak si Keith sa basement, inasikaso ni Kyler ang musika, ang mga musika na ginawan nila ng sayaw at kinuha rin niya ang ginawa nilang dance album.

Binuhat ni Kyler ang TV at home theater. Inilagay nito nang maayos sa roof top katapat ng lamesa at mga upuan.

"I can't say anything, Leigh. I'm just... very happy. Thanks for this!" sambit ni Zach habang pinagmamasdan niya ang kanyang mga kaibigan na abala sa kanya-kanyang ginagawa.

"This is the least that can do for you, to show to you the memories of being the Prince Knox. You deserve to know your past," tugon ni Aviana. Lumapit ito sa binata at hinawakan sa balikat. Sabay nilang tinignan ang Orphic braw na masayang sine-set-up ang lugar.

SKRIVENA UNIVERSITY BOOK 2 (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon