S.U. 40 Wait For Me

2.3K 63 12
                                    

CHAPTER 40

THIRD PERSON'S POV

"Anak! Kamusta na?" masayang tanong ng isang ginang nang makita ang dumating.

"Nay! Mabuti naman po. Jeg savner deg!" (I miss you!) tugon ni Thyra. Bigla siyang kinulbit ni Zach kaya kumunot ang noo niya rito. "Bakit? Wala naman ata si Madam, so I can speak Tagalog."

Napangiti ang ginang nang mapansin ang naiinis na mukha ng inaalagaan. "Oo Iha, wala si Madam. May pinuntahan kaninang maaga. Kaya puwede kayong magtagalog hanggat ako ang kausap ninyo. Alam ni'yo namang Tagalog ang gusto kong lengguwahe kahit ang tagal ko nang namamasukan dito." Biglang sumimangot ang ginang.

Niyakap ito ni Thyra at inamoy-amoy pa ang leeg nito. "Nagdadrama si Inay oh! I miss you!"

"Tama na Iha, nakikiliti ako," natatawang tugon nito.

"Pasensya na po Nay Gie. Alam ni'yo naman po na nagagalit si Madam kapag nakakarinig ng Tagalog na salita. Lagi niyang sasabihin sa atin, nasa Norway tayo. Hindi allowed ang ibang lengguwahe maliban sa English at Norwegian," paliwanag ni Zach.

Tinapik ni Nay Gie ang balikat ng binata. "Ayos lang Iho. Naiintindihan ko kayo. Ako ang unang pagagalitan ni Madam. Ako kasi ang nagturo sa inyo magsalita ng Tagalog."

"Nay, parang gusto kong pumunta sa Pilipinas. Marami siguro doong mababait tulad mo," walang ano-ano'ng sabi ni Thyra.

Nanlaki ang mga mata ni Nay Gie. "Oo Iha, mababait ang mga Pilipino!" buong pagmamalaki nito. "Nakakatuwa nga at para na kayong mga tunay na Pilipino kung magsalita."

Natawa nang marahan ang dalaga at sinabing, "Limang taon ka kasi naming kasama, Nay. Tapos lagi pong Tagalog ang lengguwahe natin kapag kasama ka namin kaya nasanay na kami!"

"Kung alam mo lang po Nay, pati Tagalong songs, sinusubukan nang kantahin niyan ni Thyra!" singit ni Zach. Natawa ang binata at bigla itong nag-make-face sa dalaga.

"Talaga Iha?"

"Ewan sa 'yo, Babe!" Pinandilatan ni Thyra ang nobyo.

"Narinig ko kasi 'yang tumutula." Biglang pinalo ng dalaga ang braso ni Zach. "Aray! Este kumakanta pala sa may garden," bawi ng binata.

"Jeg hater deg, Babe!" (I hate you) Padabog na naglakad ang dalaga palayo sa kanila.

Tumawa nang malakas si Zach. Natutuwa kasi itong pinipikon ang nobya. Mabilis kasi maasar si Thyra.

"Kayong dalawa talaga! Halina, kumain na kayo nang agahan," anyaya ni Nay Gie.

Hinabol ni Zach si Thyra na medyo malayo na sa kanila. "Huli ka!" sambit nito pagkayakap sa dalaga.

"Bitawan mo nga ako!" nag-iinarteng sabi ni Thyra. Umakto pa siyang nakasimangot para kabahan si Zach. Pero hindi na madadaan sa gano'n ang binata. Sanay na kasi ito sa mga paawa effect ng dalaga minsan.

"Hindi mo ako madadaan sa ganyan, Babe. Tara na!" Kinalong ni Zach ang dalaga.

Pumapalag si Thyra at kunwaring naiinis pero deep inside kinikilig. Gustong-gusto niya kasing kinakalong. Pakiramdam niya ay mahal na mahal siya ng taong gumagawa no'n sa kanya.

"Mukhang gustong-gusto mo naman, Iha," panunukso ni Nay Gie.

Napangiti si Zach. May naalaala siya no'ng nanliligaw siya kay Thyra. Ang madalas na pagyakap at pagkalong niya rito ang baka nagp-udyok sa dalaga na sagutin siya. "Favorite niya po 'tong gesture, Nay. Masayang-masaya 'yan kapag kinakarga at niyayakap. Feeling baby po!"

SKRIVENA UNIVERSITY BOOK 2 (Complete)Where stories live. Discover now