S.U. 33 Friends for keeps

2.7K 67 7
                                    


CHAPTER 33

THIRD PERSON'S POV

"Woah! Kumpleto na ang Aphotic dread, nandito na si Lourd!" sigaw ni King nang matanaw si Caiden sa pintuan ng entrance ng resort.

Ang resort ay pag-aari nila Zaid at ito ay katabi lang ng bahay niya. Madaming tao, puro mga kaibigan at kamag-anak ng pamilya Gertler at Nisanov.

Ngumiti si Caiden sa kanyang mga kaibigan paglapit niya. "Mabuti naman at dumating ka. Nilagyan ko na ng takip sa mata si Jazz incase," birong sabi ni Zaid.

"Naku tigil-tigalan mo nga ang panloloko kay Lourd, mamaya umiwas 'yan sa inyo!" tugon ni King.

"How's life?" tanong ni Braxly kay Caiden.

Ngayon lang nila nakita ulit si Braxly dahil nagpunta ang binata sa America. Itinayo roon ang international hospital branch ng mga Yueting. Isang taon din nilang hindi nakasama ang binata kaya hindi na ito updated sa mga pangyayari.

Nagkibit-balikat lamang si Caiden bilang tugon. Hindi naman niya alam kung ano ang isasagot e. Pwede niya bang sabihin na hanggang ngayon ay naghahanap pa rin siya kay Hailey kahit ang lahat ng aasahan niyang makakatulong sa kanya ay tumigil na? Hindi, hindi niya iyon sasabihin dahil magmumukha lang siyang tanga.

Sa tingin ng lahat ay wala ng pag-asa pa. Pero siya, kahit kaunti na lang ay umaasa pa rin. Hindi naman masama, nagmahal lang talaga siya. Subalit sumagi rin sa isipan niya na kung paano kung wala na pala talaga siyang mahahanap pa? Kasi wala na talaga ang taong mahal niya? Kailan ba siya hihinto? Ano'ng sinyales ang kailangan niya para huminto na siya?

Wala. Tanging ang puso lang niya ang makakasagot at makakapagsabi sa kanya niyan. Umaasa pa rin kasi ang puso niya kahit nababalutan na ito ng dilim. Pilit niya pa ring iniilawan ang kanyang puso para lumaban pa rin sa madilim na kahapon at maghanap sa walang katapusan daan papunta sa tinitibok ng puso niya. Para sa kanya, hanggat pumipintig pa ang puso niya, may pag-asa pa rin para sa kanilang dalawa ni Hailey.

"I guess, she's still with you. You need to move on," suhestiyon ni Braxly. Kumuha ito ng isang glass of wine at inabot kay Caiden.

"I don't need to move on, Brax. I'm fine," sagot ni Caiden.

Nag-cheers ang dalawa at tsaka uminom ng wine. "Teka, hindi kami kasama?" biro ni Zaid.

Kumuha din siya ng dalawang glass of wine. Inabot ang isa kay King at saka sila nag-cheers sabay-sabay.

"Akala ko ba kumpleto? Umuwi ba si Jia?" biglang tanong ni Caiden. Napatingin siya sa paligid at hinanap ang kaibigan.

"Hindi pala kumpleto. Hindi makakauwi rito ang mokong na 'yun. May misyon daw sila ni Paula. Ayaw niyang iwan e, mukhang kailangan daw siya," tugon ni Zaid. Biglang nasamid si Braxly at tumalikod sa kanila.

Nang maganap ang pagsabog noon sa opisina ni Althea, nakatanggap sila ng tawag mula kay Paula Mour kinagabihan. Nalaman ng dalaga ang nangyari kay Hailey. Gustong-gusto niyang umuwi noon para puntahan ang mga Sandberg. Pero hindi niya magawa dahil nasa isang misyon siya. Nasa malayo siyang lugar at ang pag-alis sa araw na iyon ay nangangahulugan ng kanyang pagkatalo sa misyon.

Komplikado ang buhay ni Paula. May mga nakatali sa kanyang misyon na hindi niya kailangang urungan. Kinuwento ng dalaga ang kanyang karanasan at misyon sa kanyang Auntie na si Heidy. Nang malaman ni Heidy ang lahat, nagdesisyon siyang huwag na talaga papuntahin si Paula.

Si Jia naman ay nagdesisyon na sumunod kay Paula. Siya na lamang daw ang magbabalita sa mga nangyari kina Hailey at Knox. Kaya pagkatapos ng isang linggo mula nang maganap ang pagsabog, nagpaalam na ang binata sa kanyang pamilya at mga kaibigan.

SKRIVENA UNIVERSITY BOOK 2 (Complete)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora