S.U. 43 Chen's Mausoleum

2K 71 9
                                    

CHAPTER 43

THIRD PERSON'S POV

"What? Tititigan mo lang ba ako, Ms. Leigh?" tanong ni Zach.

Pagdating na pagdating nila sa isang coffee shop ay agad silang um-order. Si Aviana naman ay tinitigan lang si Zach hanggang maubos ang kanilang mga kape.

"Hindi mo ba talaga ako kilala?" kunot-noong tanong ni Aviana.

"Nope. Miss, you're wasting my time. Hinihintay na ako ng girlfriend ko."

Nanlaki ang mga mata ng dalaga. "My goodness! May gf ka na? My gawd, sino?" Hindi mapakali siya mapakali sa puwesto. Akala niya, single pa rin si Zach.

"My loving Thyra Aisha," buong galak na tugon ng binata.

Napahawak sa noo si Aviana. Hindi niya kilala ang tinutukoy ng binata. Sa isip-isip niya, marami na talagang nagbago sa loob ng walong taon. "Ouch! Pero teka, bakit hindi si Hailey? Hindi mo ba siya kasama?"

"Who's Hailey?" nagtatakang tanong ni Zach.

Natigilan ito dahil parang pamilyar ang pangalang iyon. Bigla nitong naalala ang sinabi ni Thyra tungkol sa mga Sandberg kaninang umaga. Kapangalan ng anak ng mga Sandberg ang sinasabi ni Aviana, subalit maraming pangalang Hailey sa mundo kaya hindi na ito nagtanong kung sinong Hailey ang tinutukoy, hindi rin naman nito kilala ang babaeng iyon.

"Oh my God! Pati si Hailey na mahal na mahal mo ay hindi mo natatandaan? Seriously?"

"Miss, wala na akong oras sa kakaganyan mo. Hindi ko kilala ang pinagsasabi mo. Now that we're done drinking our coffee, may I go now?"

Napahinto sa pag-inom ng kape si Aviana. Huling higop niya na sana iyon pero hindi niya itinuloy ubusin. Hinawakan niya nang mahigpit ang lalagyan at pinakita kay Zach. "Nope! Tignan mo oh, may coffee pa ko. Mag-usap muna tayo habang hindi ko pa nauubos 'to... kasi... alam mo ba, na-miss talaga kita e!"

Yumuko ang dalaga na parang hiyang-hiya sa kanyang mga sinabi pero totoong na-miss niya talaga ang binata kaya ayaw pa niyang paalisin.

Napangiti si Zach sa inasta ni Aviana. "Silly! Ano'ng gusto mong pag-usapan natin?"

"Gusto ko magkuwento ka tungkol sa nakaraan mo."

Huminga nang malalim si Zach. "You know, I don't really talk to strangers. But since you look trust-worthy, I'll tell to you my love story." Hindi ito komportableng pag-usapan ang nakaraan. Subalit masaya ito kung ang pag-uusapan ay ang love story nila ni Thyra, ang una nilang pagkikita na sa tingin nito ay tadhana ang may gawa.

"I woke up in the streets, anxious and near to death. Ang alam ko no'n may matindi akong sakit, papunta ako ng hospital para humingi ng tulong kahit wala akong pambayad. Hindi ko nakayanang maglakad kaya napahiga ako sa kalsada. That dark night, I felt numbness, shortness of breath and completely hopeless. Akala ko ay katapusan ko na nang makita ko si Thyra. Naglalakad siya sa gitna ng dilim, hanggang sa natumba siya sa kalsada, kaya nilapitan ko siya. No'ng mga oras na iyon base sa kanyang itsura ay sa tingin ko na may malalang sakit din siyang tulad ko. Pinagpapawisan siya nang malamig, nangangatal at namumutla.

Nagbigay ngiti pa rin siya sa akin kahit parehas kaming hirap na hirap na. Sinabi niya na may pag-asa pa kami. Kumapit lang kami at magkasama kaming pupunta ng hospital. Sinikap naming maglakad, akay ang isa't isa. Hanggang sa may nakapansin sa amin na nakasakay sa magarang sasakyan. Nakilala namin si Madam A. Nag-offer siya ng tulong at ibibigay niya ang lahat para sa amin pero may hiningi siyang kapalit."

Tahimik lang na nakikinig si Aviana. Mababakas ang awa sa kanyang mga mata. Naaawa siya sa sinapit ni Zach at ang girlfriend nitong si Thyra.

"Ano'ng kapalit?"

SKRIVENA UNIVERSITY BOOK 2 (Complete)Where stories live. Discover now