S.U. 25 Joseph Montes

2.9K 82 23
                                    


CHAPTER 25

THIRD PERSON'S POV

Lumapit ang grupo sa puwesto ni Mave para makibalita. Pare-parehas silang nag-aabang sa sasabihin niya.

"Kyler, tanda mo ba kung ano'ng araw natin pinasundan si Joseph?" tanong niya.

"Alin? 'Yung nakita natin sa cctv na pumunta siya malapit sa lugar no'ng condo na pinuntahan ni Mr. Salin, bago nabangga si Aviana?"

"Oo, 'yun nga," sagot agad ni Mave.

Sandaling napaisip si Kyler. Inalala niya kung kailan nga ba nila inutusan ang kakilala nila para sundan si Joseph. "Ang alam ko mga kalagitnaan 'yun ng buwan ngayon. Maybe 16th to 20th of this month."

Nag-type si Mave Troy sa search panel. Lumabas ang mga communication sa telepono simula 16th ng kasalukuyang buwan ng Pebrero.

"0900-5111111. Kaninong numero 'to? Puro ito ang nasa call logs at messages ni Joseph." Tinuro ni Mave ang mga lumabas sa search panel at pinakita sa kanila.

Agad na nag-react si Kyler pagkakita sa numero. "Teka lang! Yosef, parang pamilyar 'yung number. Tanda mo 'yan?"

Tumayo si Yosef at lumapit sa puwesto ni Mave. "Patingin nga. Maraming number one? Mukhang alam ko 'to, teka..." Tinitigan niya ulit ang mga numero. Nasa dulo na kasi ng dila niya kung kanino iyon subalit hindi niya mabigkas. "Tama! Number 'yan ni Mr. Salin noong hiningi natin sa Sy family."

"Are you sure, Yosef?" tanong ni Caiden.

"Teka, naka-save 'yun sa phone ko. Check ko lang." Kinuha ni Yosef ang kanyang telepono sa bulsa at tinignan ang pangalan at numero ni Mr. Salin. "Oo, tama nga! Kay Mr. Salin nga 'yan!"

Napatayo si Zaid at tinignang maigi ang nasa screen ng laptop ni Mave. "Talaga bang kay Joseph 'yun?" tanong nito.

Tumango si Mave bilang sagot. Pinindot niya isa-isa ang mga mensahe at tinignan ang mga napag-usapan nila.

"Mave, we need to know their transaction. Please check it from the root to fruit!" Utos ni Caiden.

"Okay sige, babasahin ko muna isa-isa ang mga text ni Mr. Salin."

Umayos ng upo si Mave at binasa nang malakas ang unang mensahe ni Mr. Salin noong Feb. 16 hanggang sa huling mensaheng pinadala.

'Kamusta na? Gusto mo ba ng makakausap?'

'Ayoko pong gumamit niyan. Kailangan mo na pong tigilan 'yan. Papunta na ako sa condo mo!'

'Magandang gabi po. Ngayon na po talaga? Gabi na, Mr. J. Mahihirapan akong lumabas pa rito para puntahan ka. Tawagan kita ngayon.'

'Tatawagan na lang kita.'

'Huwag po sana matigas ang ulo mo. Para sa 'yo ang ginagawa ko. Sumusunod lang po ako sa utos ni Ma'am.'

'Huwag na pong makulit. Hindi talaga ako susubok niyan.'

'Mr. J, ipinagbilin po ni Ma'am A na kailangan po kitang bantayang maiigi ngayong Linggo. Kailangang mawala sa sistema mo ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot.'

'Ano'ng nangyayari sa 'yo?'

'Mr. J, sagutin mo ang mga tawag ko!

'Mr. J!!!'

'Huwag mong gawin 'yan! Nakikiusap ako, Mr. J!'

'Oo na, oo na! Bitawan mo na 'yang kutsilyo. Pumapayag na ako!'

SKRIVENA UNIVERSITY BOOK 2 (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon