S.U. 8 Her pain

3.5K 99 24
                                    

CHAPTER 8

THIRD PERSON'S POV

Tanging ang ingay na nagmumula sa mataas na takong ng sapatos ni Hailey ang naririnig sa buong waiting area. Pabalik-balik itong naglalakad habang nakapulupot ang mga kamay sa kanyang mga braso. Kunot-noo rin itong nakatingin sa kung saan na tila napakaraming gumugulo sa kanyang isipan.

Mabilis na napalingon sa pintuan si Hailey nang may pumasok na dalawang flight attendant. Lumapit ang mga ito sa kanya at kinuha ang dala nitong bagahe dahil dumating na ang private plane na kanina pa hinihintay. Agad na umayos nang pagkakatayo ang dalaga at sinuot ang kanyang pulang blazer. Nauna itong naglakad at tinahak ang daan papunta sa plane.

Naupo agad ito sa couch pagpasok sa loob ng eroplano. Napalingon ito sa may bintana nang mapansin at marinig ang lumalakas na buhos ng ulan. Nanatili ito sa ganoong posisyon habang pinagmamasdan ang malalaking patak ng ulan. Kasabay no'n ay ang tuluyan nang pagbuhos ng kanyang kinikimkim na emosyon.

Napahawak ang dalaga sa kanyang dibdib at ang isang kamay ay napapunas sa kanyang mata. Hanggang sa sunod-sunod na ang ginawa nitong pagpunas sa walang tigil na pagtulo ng kanyang mga luha. Maging ang mahina nitong mga hikbi ay napalakas na rin. Nakisabay ito sa bawat pagbugso ng ulan na sumakop sa buong kapaligiran.

Muling naalala ni Hailey ang naging usapan nila ni Caiden.

"Do I need to tell you everything Zoe? I want to surprise you but it seems undesirable to you!"

Napataas ang kilay ni Hailey. Hindi naging maganda ang dating nang sinagot ng binata. "Yes Caiden, I want to know everything! Hindi 'to simpleng bagay lang, alam mo 'yan!" nanginginig na tugon nito.

"I know, but it's a surprise for goddamn sake!" Nabigla ang dalaga nang makita ang naging reaksyon ng binata. Mababakas ang inis sa mga mata nito at umugong sa buong kuwarto ang malakas nitong tinig.

Hindi rin nagpahuli si Hailey, nakisabayan din ito sa pagsigaw kaya naman ang tensyon sa pagitan nila ay lalong tumaas. "Dahil ba may bago ka ng kasama at may nag-aasikaso na sa 'yong iba, kaya ang ganitong bagay ay hindi mo man lang sinabi sa akin?"

"What? Why are you angry? It's not a big deal Zoe. Calm down!"

"No, no, no! You're lying to me. You're with someone else that's why you're acting weird lately!"

"That's not true. Why are you judging me like this?" hindi makapaniwalang tanong ni Caiden. Masisilayan ang pagkadismaya sa kanyang mukha. Pero pinipilit pa rin nitong kumalma at intindihan ang paratang ng dalaga.

"I don't know!"

Napasapo sa noo ang binata. Hindi talaga nito maunawaan kung bakit biglang nagkakagano'n ang dalaga. Pilit nitong iniisip kung ano ang mali sa kanyang ginawa. Gusto lamang nitong surpresahin si Hailey at maging masaya sa balita ngunit iba ang kinahinatnan ng lahat.

"Zoe, do you trust me?"

"I don't know!"

"I thought... I can't believe it; you still don't trust me after all!"

"Gano'n? So ngayon ay nanunumbat ka na sa mga nagawa mo para sa akin?"

"No! Hindi natin dapat pag-awayan 'to. Hindi mo ako naiintindihan Zoe."

"I hate you Caiden!"

Tatlong salita, mga salitang tumagos nang husto sa puso ni Caiden. "Those words... why? You're hurting me Zoe."

"Got to go, take your time with your girl! Magsama kayong dalawa!"

"Fvck shit!" Napasuntok si Caiden sa kanyang upuan. Ang kinaaayawan nito sa lahat ay ang pagdudahan siya sa bagay na hindi naman totoo. Ang masaklap pa ay ang pakiramdam na parang walang tiwala si Hailey sa kanya.

SKRIVENA UNIVERSITY BOOK 2 (Complete)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu