S.U. 18 Who Is She?

2.8K 90 10
                                    


CHAPTER 18

ZAID KIAH'S POV

"Mrs. Salin, bago ba maganap ang insidente ay may nabanggit ba sa 'yo ang iyong asawa? May kakaiba ba siyang kinikilos?" panimulang tanong ni King.

Napansin ko ang pagbuntong-hininga ni Mrs. Salin. Yumuko siya at pinagmasdan ang kanyang mga anak na nakayakap pa rin sa kanya.

"Oo. Madalas na siyang hindi nagpaparamdam sa amin. Tinatawagan ko siya pero hindi niya sinasagot. Kapag nagti-text naman ako ay wala siyang reply. Isang beses nga nag-text ako kay Ma'am Sy. Kinamusta ko ang asawa ko. Sabi naman niya ay maayos naman, masipag pa rin sa trabaho. Ngunit nabanggit ni Ma'am na nitong mga huli ay madalas daw may ka-text at katawagan ang asawa ko," tugon ni Mrs. Salin.

Mababakas ang matinding kalungkutan sa kanyang mukha. Tila pinipigilan niyang bumagsak ang mga luha sa kanyang mga mata. Kahit mugto na ang mga iyon ay mukhang walang kapaguran ang mga luhang nagtatago lamang. Nakaramdam ako ng inis kay Mr. Salin! Kawawa ang pamilya niya, lalo pa't may sakit pala ang dalawang bata.

"Anong nangyari pagkatapos?" muling tanong ni King. Hawak niya ang kanyang telepono at tina-type ang mga sinasagot ni Mrs. Salin. Mas maganda kung i-re-record na lang ang napag-usapan. Para walang sobra at kulang sa buong detalye. Kinuha ko ang telepono ko at in-open ang recording application.

Tumunghay si Mrs. Salin at napalunok. Pakiramdam ko ay may mabigat siyang sasabihin dahil sa mga mata niyang nasasaktan. "Dalawang linggo naging gano'n ang asawa ko," sabi niya. Agad kong napansin ang pagkuyom ng kanyang mga kamay. "Sa dalawang linggong iyon ay pinagdudahan ko siya. Hindi maiiwasan dahil sa nalaman ko kay Mrs. Sy. Madalas siyang may ka-text at katawagan pero ako ay hindi man lang niya binigyan ng oras kausapin! Isang beses ay tumawag ulit ako sa kanya, nakakapagtaka dahil biglang sinagot ang tawag ko. Isang tinig ng babae ang narinig ko sa kabilang linya. Napamura ako, nagsisisigaw at halos nagwala nang marinig ko iyon. Sabi ng babae ay kasintahan niya raw ang asawa ko!"

Tiim-bagang na nanlilisik ang mga mata ni Mrs. Salin. Kahit sino ay tiyak na magagalit kapag nalaman mong may babaing iba ang asawa.

"Nagpaliwanag ba si Mr. Salin sa 'yo?" tanong ko.

"Oo. Kinaumagahan ay tinawagan niya ako," aniya. Yumuko siya at pinahiran ang kanyang mga luha. "Sabi niya hindi raw totoo iyon. Ang babae raw na nakausap ko ay humihingi ng tulong sa kanya."

Nagkatinginan kami ni King. "Anong klaseng tulong?" sunod kong tanong.

"May pinapagawa sa asawa ko. Sabi niya, kung hindi raw tutulungan ang babae ay hindi mapapagamot ang anak namin. Sinabihan niya ako na magtiwala sa kanya. Ginagawa niya raw ang lahat para makalikom ng sapat na pera pampagamot sa mga bata."

"Ibig sabihin, ang babaing lagi niyang katawagan at ka-text ay may pinapagawa sa kanya? Sumang-ayon naman siya dahil may kapalit na makakatulong pampagamot sa anak ninyo, tama ba?" tanong ni King.

Tumango si Mrs. Salin. Ako naman ay napakamot sa ulo. Pero bakit nagpanggap ang babae na syota siya ni Mr. Salin? Marahil ay bina-blackmail niya ang kawawang si Mr. Salin para sundin ang inuutos niya. Ang tanong ngayon ay ano ba ang inutos niya?

"May nabanggit ba kung sino ang babaing nagpapatulong sa kanya?" seryosong tanong ni King. Malamang ay hindi magpapakilala iyon!

Nagkibit-balikat si Mrs. Salin. Sabi na nga ba! Nakatago ang katauhan ng babae. Nakakapagtaka lang dahil sa dinami-dami ng puwedeng utusan ay si Mr. Salin pa ang napili. Siguro, kahit katiting ay may kaugnayan siya sa babae.

"Hindi niya nasabi kung sino pero sigurado akong kakilala niya ang babae. Ma'am ang tawag ng asawa ko. Puwedeng naging amo niya noon ang humingi ng tulong sa kanya," dagdag ni Mrs. Salin.

SKRIVENA UNIVERSITY BOOK 2 (Complete)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant