S.U. 16 Wrongdoer

3K 87 7
                                    


CHAPTER 16

THIRD PERSON'S POV

Kinabukasan ay nagkita-kita ulit sa music house ang buong grupo. Magkakaiba sila ng mga pupuntahan. Ang grupo nila Caiden, Knox, Hailey at Jia ay magbabasa muna ng mga detalye ni Althea Lin Finsky mula sa nakalap na mga dokumento. Ang grupo naman ni King, Braxly at Zaid ay pupunta sa Bicol para puntahan ang pamilya ni Mr. Salin.

Samantalang ang grupo naman nila Mave Troy at Kyler ay magsasagawa ng isang misyon para makuha ang telepono ni Joseph Montes, na gustong-gusto makuha ni Hailey. Sina Keith at Yosef naman ay inutusan ni Knox na maghanap ng impormasyon ukol kay Troy Makarino, ang lalaking nangloob sa bahay ng mga Chen at kay Boss Rico Tieng na siyang nag-utos na pasukin ang bahay at patayin ang mga taong makikita sa loob.

Pagkatapos nilang pag-usapan ang mga bagay na gagawin ay una nang umalis sina King. Isang sasakyan lamang ang gagamitin nila papuntang Bicol. Magpapalitan na lang sila sa pagmamaneho dahil mahigit sampung oras ang biyahe papunta roon. Sunod namang umalis sina Mave Troy at Kyler dahil malapit na pumasok si Joseph Montes sa kanilang paaralan. Oobserbahan muna nila ang binata bago sisimulan ang misyon.

Nanatiling nasa conference room sina Caiden. Inilatag ni Knox ang mga dokumentong nakuha nila sa opisina ng kanyang ama. Ang unang folder ay ang kauna-unahang kompanyang itinayo nila Knopper Chen at Althea Lin Finsky, ang kompanyang nagpatatag sa kanilang pag-iibigan bago dumating si Aaleyah sa kanilang mundo. Pinasadahan lang ng tingin ni Caiden ang dokumentong iyon, maging si Jia.

Sunod na inilabas ni Knox ang pangalawang folder na may mga detalye ng personal na buhay ni Althea. Agad na kinuha iyon ni Caiden at binasang maigi ang lahat ng tungkol sa mag-inang Finsky. Half Japanese and half Filipina, nakatira sa mansyon ng mga Finsky na nakatayo malapit sa North Hemilton Village, ang village na napuntahan nila Hailey noon. Ngunit nang malaman ng pamilya Finsky na buntis ang kanilang anak, agad nilang dinala sa probinsya si Althea. Binitawan na rin ng mga Finsky ang kanilang negosyo sa Pilipinas at mas pinagtuunan na lang ng pansin ang kanilang mga negosyo sa ibang bansa. Pagkapanganak ni Althea ay nanirahan na California ang buo nilang pamilya.

"Nanirahan sila sa California pero hindi sinabi kung kasama ang ina ni Aaleyah," sambit ni Jia.

"Oo, hindi sinabi sa mga nakalap na dokumento kung kasama nila Mr. at Mrs. Finsky ang kanilang anak na si Althea. May isang sulat dito na sinasabing paglipas ng isang linggong pagkapanganak ay lumayo na si Althea. Hindi tayo sigurado kung ang sinasabing lumayo ay sumama na sa kanyang mga magulang papuntang California," paliwanag ni Knox.

Ang lahat ay nag-iisip sa maaaring maging anggulo sa biglaang paglayo ni Althea pagkapanganak. "Althea wrote a suicide letter. Here, kindly check it Jia," sabi ni Caiden. Inabot niya ang sulat at sinimulang basahin ni Jia.

"Sabi ni Althea, hindi niya kayang nakikita na mas pinili ni Tito Knopper sina Knox kaysa sa kanila. Sakim! Siya ang kabit pero siya pa ang nagpapili. Sa sulat na 'to ay nagpapaalam na siya at inihahabilin ang kanyang anak. Pero gaano nakakasigurado si Tito Knopper na patay na nga talaga si Althea?" tanong ni Jia. Dahil ang alam talaga ng Daddy ni Knox ay patay na nga ang ina ng kanyang anak na babae. Iyon din ang pinaniniwalaan ng lahat.

Humarap sa kanya si Hailey at nagsalita, "Hindi rin namin alam. Pero maaaring no'ng araw na sinulat niya 'yan ay ang araw na pupuntang California ang buo nilang pamilya. Pinalabas na patay na siya para hindi na mahahanap pa sa buong Pilipinas."

"Yes Zoe. That idea supports the theory why Knopper didn't get any details related to Althea since from the day she wrote that suicide letter," sabi ni Caiden.

"Wala pang nagpapatunay na patay na si Althea. Pinanghawakan lang ang ideyang iyon dahil sa sulat na natanggap ni Daddy. Kung hahanapin natin si Althea, magandang simulan natin sa ospital kung saan siya nanganak," suhestiyon ni Knox.

SKRIVENA UNIVERSITY BOOK 2 (Complete)Where stories live. Discover now