S.U. 4 Mystery Guy

4.4K 135 14
                                    


CHAPTER 4

HAILEY'S POV

Hawak ko ang aking dibdib habang naghihintay sa labas ng clinic. Hindi ko maipaliwanag ang kakaibang pakiramdam na 'to. Parang pinapaikot ang aking puso kasabay ng pagtindig ng mga balahibo ko sa braso.

"Ang lamig ng kamay mo. 'Wag kang mag-alala Princess, magiging okay din si Brille." Napatingin ako sa kamay naming magkahawak ngayon. Ayokong bitawan ang kamay niya dahil gusto ko nang may makakapitan. Pakiramdam ko ay nanginginig na ang buo kong katawan.

Ayokong pumasok sa loob ng clinic dahil ayokong makita ang mukha ng kaibigan ko na nasasaktan. This is my fault! Kung nag-reply sana agad ako sa message e 'di sana ay okay lang si Aub ngayon. Hindi ko man lang lubusang naisip na totohanin pala ng nag-text kung sino man siya ang kanyang mga sinabi! Ito na naman ba tayo, sa isang larong hulaan na may mga madadamay at masasaktan?

"Princess, may problema ba? Kanina ka pa tulala at hindi umiimik. Sabi ko naman sa 'yo, huwag kang mag-alala. Magiging okay si Brille, isa pa sakit lang ata ng tiyan 'yun. Baka nalipasan lang siya ng gutom," muling sabi ni Knox.

Alam kong nag-aalala na siya sa akin base sa kanyang tinig kahit hindi ko tignan ang kanyang mukha. Pero mas nag-aalala ako para sa kanila. Kung isang laro na naman ito na ang kalaban ang tanging may alam, paniguradong hindi ako sasali, dahil hindi naman ako manlalaro na ang nakataya ay buhay at kaligtasan ng mga mahal ko! Kung larong utakan lang, hindi ko siya uurungan!

"Okay lang ako Prince. Sige, pumasok na tayo sa loob, gusto ko malaman ang cause ng abdominal pain ni Aub." Tiningala ko siya at sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi, kaya naman hinigit ko na ang kamay niya at pumasok sa kami sa loob. Kahit ayaw kong pumasok ay kailangan ko paring gawin. Kailangan maging mapanuri, mapagmatyag at maging alisto sa paligid ko ngayon.

Tumambad sa amin si Aubrille na kasalukuyang nakahiga at kinakausap ni Keith. Nakakangiti na siya ngayon at hindi na namumutla ang kanyang mukha. Gusto ko sanang lapitan agad siya pero ayoko naman sirain ang masayang kwentuhan nila. Kaya nilapitan ko na lang si Aviana para makibalita.

"Ano raw ang nangyari?" tanong ko. Napaatras bigla si Aviana nang lapitan ko siya. Nagulat siguro sa presensya ko.

"Gawd, you're finally here. May nakain daw na hindi maganda si Aub. Inisa-isa niya ang mga kinain niya kaninang umaga pero mukhang sa juice na ininom niya nagsimula ang pananakit ng kanyang tiyan."

Juice? Marahil ay spoiled juice na 'yun. "Saan galing?" muling tanong ko.

"May nag-abot daw sa kanyang estudyante kanina. Sabi from secret admirer daw, kaso uhaw ang lola mo kaya ayan ininom. Nabatukan ko pa nga e, my gosh sino ba naman ang basta bastang iinom sa inabot na inumin ng hindi mo kilalang tao. Minsan talaga may pagka-saltik din 'tong si Aub. Wala kasing karate arte sa katawan, like duh! Kung ako 'yan hindi ako iinom ng juice na galing sa ibang tao. Mamaya nilagyan pa 'yun ng lason o gayuma. E 'di nakuha pa nila ang nag-iisang diyosang tulad ko. Grabe lang, 'di ba my Prince tama ako?"

Bumaling ang tingin ni Aviana kay Prince, samantalang si Prince naman ay nakatingin lang sa nakahigang si Aubrille. Mukhang may malalim ding iniisip, kaya naman kinulbit ko siya para humarap sa amin.

"Ah, yes I agree Vian. Kaya ikaw Princess, kung hindi galing sa kilala mong tao ay 'wag na 'wag kang basta basta kakain o iinom sa ibinigay nila, okay?" tanong ni Knox. Sumang-ayon naman ako sa sinasabi niya.

Humarap ulit ako kay Aviana para itanong ang ilang mga bagay na gumugulo sa isip ko. "Teka, may cctv ba sa canteen? Anong itsura ng estudyanteng nagbigay ng juice kay Aub? Lalaki ba o babae? Namumukhaan niya ba o kakilala? Baka naman kakilala kaya tinanggap niya at ininom?"

SKRIVENA UNIVERSITY BOOK 2 (Complete)Where stories live. Discover now