S.U. 11 Bloody Death

3K 88 23
                                    


CHAPTER 11

THIRD PERSON'S POV

"Condolence Caiden," tugon ni Knox.

Kapansin-pansin ang pagkunot ng noo ni Caiden nang marinig ang isinagot ni Knox. Tumitig pa siya sa binata na animo'y inaalam ang tunay nitong dahilan. "If that's the case, you may stay here until tomorrow. After that, you better go back to the Philippines. I don't need your sympathy here!" sabi ni Caiden.

Natigilan ang lahat. Nagkatingian sina Hailey at Zaid ngunit ang matatalim na titigan nila Caiden at Knox ay hindi nawala sa isa't isa. Tinginang may ibang ibig sabihin na sila lamang ang nakakaintindi. Ang maotoridad na sabi ni Caiden ay hindi nakaligtas sa pandinig ni Knox. Napakuyom ang kanyang kamay pero nandoon pa rin ang pagpipigil nito sa kanyang damdamin.

"Lourd, maiba lang. Nasaan pala si Tita Marie?" biglang tanong ni Zaid para basagin ang tensyon sa pagitan nila. Lumingon si Caiden sa paligid at nang hindi makita ang hinahanap ay kinuha niya ang kanyang telepono.

Ilang beses niyang tinawagan ang telepono ni Mrs. Marie ngunit hindi ito sumasagot. "Caiden kakaalis lang ba ni Tita Marie?" singit ni Hailey. Hawak rin nito ang kanyang telepono para tawagan ang kanilang security guards na naiwan sa lobby ng hotel.

"Lumabas siya Brii bago sila dumating," sambit ni Roxie. Tumaas ang kilay ni Hailey na ngayon ay gustong-gustong makasapak.

"Lumabas pero hindi mo pinigilan?" tanong ni Hailey sa dalaga.

Napairap si Roxie sa kanya at tumingin kay Caiden. "Hindi ko na nagawa dahil bigla silang dumating Brii. Hindi ko na nahabol sa labas si Auntie."

Makikita ang pamumula ng mukha ni Hailey sa kanyang narinig. Lumapit siya sa pwesto ni Roxie at hinawakan sa balikat. "Hindi mo na nahabol? Samantalang pagdating namin dito ay kumatok pa kami ng ilang beses sa pintuan ninyo. Kung hahabulin mo sana siya bago kami dumating ay dapat malapit ka na sa pintuan at mabilis kaming napagbuksan. Isa pa, hindi namin nasalubong si Tita Marie kung kakaalis lang niya pagdating namin. Nagsasabi ka ba ng totoo Rox?"

Hindi umimik si Roxie. Ngunit nangati ang kamay ni Hailey kaya tinapik niya nang malakas ang dalaga at sinigawan, "Sumagot ka!"

"Zoe!" saway ni Caiden.

"And what Caiden? Ipagtatanggol mo siya? Alam mong delikado ang sitwasyon ninyo ngayon, pero ang babaeng ito ay parang walang pakialam sa nangyayari!" sigaw ni Hailey. Umismid lamang si Roxie at hinintay ang isasagot ni Caiden. Pero nabigo siya dahil hindi na nagsalita ang binata dahil alam nitong may punto ang sinasabi ni Hailey.

Tumingin ang lahat kay Roxie at hinintay ang paliwanag niya. Nang hindi na mapakali ang dalaga ay nagsalita na rin siya. "Fine! Hindi ko talaga hinabol si Auntie dahil mas nag-aalala ako kay Brii kapag naiwan siyang mag-isa. Are you satisfied with my answer Hailey?"

Lalong naramdaman ni Hailey ang pagtaas ng dugo sa kanyang mukha. Pero pinakalma niya ang kanyang sarili dahil hindi makakatulong kung makikisabay ang init ng ulo sa maayos na pag-iisip.

"Ilang oras na siyang wala? Kailangan natin siyang mahanap Caiden. Delikado!" muling sabi ni Hailey. Hindi niya na tinignan pa si Roxie dahil pamihadong mapipikon lang siya.

Napatingin sa relo si Zaid at nagsalita, "Baka nagpunta sa ospital para matignan ang labi ni Tito Cailex."

"Shit!" tanging sambit ni Caiden.

Naging alisto naman si Hailey kaya nakaisip agad siya ng paraan. "Jia at Knox, hanapin natin si Tita Marie. Zaid please stay here. Kailangan ka ni Caiden. Balitaan mo ako sa mga mangyayari rito."

SKRIVENA UNIVERSITY BOOK 2 (Complete)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora