S.U. 29 Let Him Out!

2.1K 58 13
                                    



CHAPTER 29

THIRD PERSON'S POV

"Let me out of here! Help! Help me!" paulit-ulit na sigaw ni Knox.

Nakahiga siya sa isang bakal na higaan at nakakadena ang kanyang mga kamay at paa sa bawat sulok ng kama.

Dalawang linggo na rin siyang nakaratay sa higaan at hindi makagalaw. Masakit na ang kanyang buong katawan. Nangangalay din dahil sa matagal na pagkakahiga. Hindi malabong makakuha siya ng pressure ulcer dahil ang parte ng katawan niyang may pressure sa ilalim ay hindi nakakakuha ng sapat na dugo para dumaloy sa lahat ng ugat ng katawan.

Hindi rin nakakakain nang maayos si Knox. Mayroon lamang na fluids ang ikinabit sa kanya para hindi siya ma-dehydrate. Mapapansin ang malaking pagbabago sa kanyang katawan. Namayat siya nang sobra at lumubog na rin ang kanyang magkabilang pisngi.

"Please, help me!" sigaw ulit niya.

Nauubusan na rin siya ng lakas at mas madalas siyang manghina dahil sa sitwasyon niya. Para siyang living animal na ginagawang experiment ng mga doktor. Lagi kasi siyang kinukuhaan ng dugo at pinapainom ng kung ano-ano.

I miss you my Princess!

"Sana nasa ligtas kang kalagayan, Princess! Please take good care of yourself. I'll be back, I promise, Sandali lang naman siguro ito. Makakawala rin ako sa clinic na ito!" sabi ni Knox.

I want you to be with me. May castle is waiting to my princess. I love you, Princess. If this will be my last day, please remember me. You stole my heart and I'll let you keep it.

"Ang lahat ay nagsimula sa kamalian ni Dad. I'm very sorry for everything. Lalong lumala ang lahat at ngayon kami ang nasa panganib. Kailangan kong lumaban dahil kailangan pa rin ako ng Mommy ko, ni Princess at mga kaibigan ko. Kailangan ko silang mailigtas at tulungan. Sigurado akong hindi titigil si Althea na pahirapan ang mga buhay namin!" sabi ni Knox habang nakatingin sa kawalan.

Pilit pa rin siyang lumalaban. Kahit sobrang hirap, ginagawa niyang inspirasyon ang kanyang Ina at si Hailey. Ang dalawang importanteng tao na bumubuo sa kanyang sarili sa ngayon. Ang nagbibigay lakas at dahilan para mabuhay pa siya sa mundo sa kabila ng mga naranasan niyang hindi maganda sa kanyang pamilya.

Biglang tumunog ang pintuan at may pumasok na isang doktok.

"Ikaw na naman? Tama na! Ayoko na! Tigilan mo na ako!" sigaw na naman niya subalit hindi siya pinansin ng Doktor. Diretso lang ito sa kanyang ginagawa. Kumuha na naman siya ng 20cc dugo ni Knox.

"Fvck you, bastard!" sambit ni Knox nang makita ulit ang kinuhang dugo sa kanya. Pang walong beses na iyon at pakiramdam niya, nanunuyot na ang buo niyang katawan.

Sa tuwing kinukuhanan siya, lalo siyang nanghihina at bumibilis ang pintig ng puso niya. Isang palatandaan na kapag naubusan siya ng sapat na dugo, mawawalan ng supply ng oxygen ang ibang parte ng kanyang katawan o ang mas malala, titigil sa pagpintig ang puso niya.

"Mom and Dad, I'm very sorry for being such a stupid son!" mahinang wika niya.

Bumukas na naman ang pintuan ng kuwarto at iniluwa nito ang isa pang Doktor.

"Doc, please check this." Inabot niya ang isang small bottle container na kulay itim at pula.

"What is this?" tanong ng Doktor.

"A dangerous drug from black market," tugon nito.

Isang sensitibong gamot na iniingatang mabuti at mahigpit na ipinagbabawal kung walang lisensya ang taong bibili. Dapat din ay may reseta ng Doktor iyon bago bilhin at may masusing paggabay ang gagamit nito.

SKRIVENA UNIVERSITY BOOK 2 (Complete)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن