S.U. 14 Chen's Office

2.9K 76 8
  • इन्हें समर्पित: aeristrid
                                    


CHAPTER 14

HAILEY'S POV

Sinamahan ko muna si Knox sa bahay nila. Uumpisahan na naming maghanap ng mga dokumento o sulat na makakatulong para malaman kung nasaan ang ina ni Aaleyah. Umakyat kami ni Knox sa ikatlong baitang ng bahay nila. Kung saan ang buong floor ay opisina pala ng kanyang mga magulang.

Naka-lock ang pinto pero may nakatagong susi si Knox para mabuksan iyon. Pagpasok namin sa loob ay tumambad sa aking paningin ang nagtataasang kabinet na ang laman ay puro mga libro. Halos nakakalula tignan sa sobrang dami. May nakita pa akong larawan ng hayop na nakadikit sa bawat sulok ng kabinet.

Sinundan ko lang si Knox at nagtungo siya sa lamesa na sa tingin ko ay pwesto ng kanyang ama. Sinimulan niyang buksan ang mga drawer at inilabas ang mga sobre. Ako naman ay tinignan 'yun isa-isa.

"Okay lang bang basahin ko ang loob ng sulat Knox?" tanong ko.

"Oo Princess. Wala na si Daddy kaya hindi siya mgagalit," tugon niya. Lumipat naman siya sa isa pang lamesa at tinanggal din doon ang mga nakalagay sa drawer.

Inabot kami ng ilang oras kakatingin ng mga sulat at dokumento ngunit kahit isa ay wala kaming nakuhang ebidensiya. Napaupo ako sa upuan ni Tito Knopper habang iniisip kung saan niya kaya maaaring itago ang mga gano'ng dokumento.

"Knox, bata pa lang si Aaleyah ay wala na ang nanay niya 'di ba? Ibig sabihin ang hinahanap natin ay napakatagal ng ebidensiya. Sa tingin mo, saan kaya pwedeng itago ng Daddy mo ang mga gano'ng kasensitibong dokumento na hindi makikita ni Tita Eliza?"

Napatingin si Knox sa kabuuan ng opisina ng Daddy niya. Naglakad pa siya papunta sa dulo na tila may hinahanap na bagay. Pinagmamasdan ko lang siya. Sa sobrang laki nito ay maaring may matataguan pang iba si Tita Knopper ng mga importanteng dokumento na hindi maaaring makita ng kanyang mag-ina.

Ilang beses na pabalik-balik si Knox sa mga nagtataasang kabinet ng mga libro. Ako naman ay nanatiling nakaupo sa upuan ng Daddy niya at pinaikot-ikot ito. Nakatingala pa ako habang pinagmamasdan ang mga larawang nakapinta sa kisame. Kunot-noo akong napatingin sa bawat sulok ng kisame. May mga numerong nakasulat na hindi ko alam kung para saan at kung ano ang ibig sabihin.

"Knox, halika. Tignan mo ang kisame," tawag ko.

Lumapit si Knox at tumingala. Tinitigan niya ang mga disenyong nakapinta sa itaas. Ang kisame ay kulay asul. May mga nakapintang Chinese zodiac signs at symbol. Mayroon ding mga Chinese word na hindi ko talaga mabasa.

"Nababasa mo ba Knox? 'Di ba Chinese ka? Alam mo ba ibig sabihin niyan?"

Tumango si Knox habang nakatingala. Naglakad siya papunta sa gitnang bahagi ng kuwarto at nagsimulang magbasa nang nakatingala. "星座," (Xīngzuò) sabi niya.

"Ano 'yun?" tanong ko.

"Zodiac signs. Lahat ay tungkol doon. Ang sabi rito, the twelve Zodiac Signs are well-known, but each sign is unique and individual with its own strengths and flaws. The Ram. A Fire sign, ruled by Mars. The Bull. An Earth sign, ruled by Venus. The Twins. An Air sign, ruled by Mercury. The Crab. A Water sign, ruled by the Moon. The Lion. A Fire sign, ruled by the Sun... The Maiden. An Earth sign, ruled by Mercury. The Scales. An Air sign, ruled by Venus. The Scorpion. A Water sign, ruled by Pluto... The Centaur. A Fire sign, ruled by Jupiter. The Mountain Goat. An Earth sign, ruled by Saturn. The Man who Carries Water. An Air sign, ruled by Uranus. The Fish. A Water sign, ruled by Neptune..." mahabang basa ni Knox habang umiikot siyang nakatingala sa kisame.

Ano kaya ang gustong ipahiwatig dito ni Tito Knopper? Baka naman wala lang 'to? Pinag-aaksayahan pa namin ng oras. Napatingin ako kay Knox nang magsalita ulit siya ng Chinese word na hindi ko maintindihan.

SKRIVENA UNIVERSITY BOOK 2 (Complete)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें