S.U. 44 The General Manager

2.2K 65 21
                                    


CHAPTER 44

THIRD PERSON'S POV

Sa kabilang banda...

"What's the problem, Thyra?" tanong ni Roxie. Nakita kasi nitong nagte-text ang dalaga subalit nakasimangot ang aura.

Tumingin sa kanya si Thyra. "Mahuhuli raw ng uwi si Zach." Ipinasok na niya sa bag ang hawak niyang cellphone.

Nagkatinginan sina Aubrille at Roxie na tila nagkakaintindihan. "Gano'n ba. Tamang-tama, since gagabihin siya, mag-chill muna tayo," sambit ni Roxie.

Napangiti si Thyra kahit medyo nag-aalala siya sa kasintahan.

"May ipapatikim pala ako sa 'yo, Thyra," sabi ni Aubrille. Itinaas nito ang kamay at tumawag ng waiter. "Waiter! 1 order of deep seasoned calamari and 1 set of chopped squid lemon bay leaf. Please add your best seller cocktail drink. Thank you."

"Sounds good. Hindi pa ako nakatikim ng squid ever since," biglang sabi ni Thyra.

Tumaas ang isang kilay ni Roxie. Medyo hindi ito makapaniwala sa narinig. "Really? Actually wala siya sa main dish kahit marami ang may gusto ng putaheng 'yun. Ayaw ni greatest love, siguro ayaw at hindi paborito ng dating love one niya. Kaya naglagay lang ng squid para sa mga cocktail party appetizer."

"Gano'n ba. Pihikan siguro sa pagkain ang dating love one ng greatest love mo," wika ni Thyra

Biglang nasamid si Aubrille at napainom ng tubig. "Tama! Sobrang arte! Insensitive na babae 'yun!" Kinulbit ni Roxie ang kaibigan sa pag-aakalang baka may mabanggit na hindi nararapat sabihin kay Thyra.

Pinandilatan lamang ito ni Aubrille pagkatapos ay tumingin sa dalaga 'tsaka nagsalita, "Thyra, puwede ka bang magkuwento tungkol sa past mo?"

Bahagyang natawa ang dalaga sa tanong sa kanya. "Curious ka sa love life ko 'no?" biro niya.

"May lovelife ka na? Sino?" malakas na tanong ni Aubrille. Ngayon ay si Roxie naman ang natawa. Napaghahalata kasi ang reaksyon nito, sabik na malaman kung sino ang boyfriend.

"Si Zach. Ang pinakamamahal kong boyfriend," proud na proud na tugon ng dalaga.

Nakahinga nang maluwag si Aubrille, akala nito ay may sasabihing ibang pangalan. "Good to know at may boyfriend ka pala."

Hindi mawala-wala ang ngiti sa mukha ni Thyra. Masaya siya kapag ang topic ay tungkol sa kanila ni Zach. "Ikukuwento ko sa inyo kung paano kami nagkakilala."

Saktong dumating na rin ang order nila. Kaya habang nagkukuwento si Thyra, kumakain sila at umiinom ng cocktail. Tulad ni Roxie, hindi maikakaila ang labis na kagalakan ni Aubrille sa mga narinig. Nalaman nila kung gaano kamahal ng dalaga ang nobyo niya.

Halos tumagal ng isang oras ang kuwentuhan nang may mapansin si Roxie sa itsura ni Thyra. Inaya nito sandali si Aubrille na mag-CR muna para makapag-usap silang dalawa.

"Bitch, talagang iisa lang si Thyra and Hailey?" biglang tanong ni Aubrille.

"Yes, she lost her memory," tugon ni Roxie. Lalong nagtaka si Aubrille, paano nito nalaman na nawalan ng memorya? "Teka Aubrille, ano'ng ginawa mo sa kanya?"

"What?" Napaisip ito sa tanong... pero na-gets naman nito sa huli kung ano ang pino-point-out ng kaibigan.

"Namumula na si Thyra, naglabasan ang mga malalaking pantal sa mukha at braso!"

"So? Nag-aalala ka? May pakialam ka? Tama lang sa kanya 'yun!"

Bumuntong-hininga si Roxie. Wala naman itong pakialam kung ano man ang mangyari kay Thyra, medyo naalerto lang ito dahil sa nakita. "Allergic siya sa squid?" pagkukumpirma nito.

SKRIVENA UNIVERSITY BOOK 2 (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon