S.U. 24 Althea Lin Finsky

3.1K 77 18
                                    


CHAPTER 24

THIRD PERSON'S POV

"Hindi totoong nagpakamatay si Althea!" sabi ni King.

Binasa nila ang mga dokumentong nakalagay sa cabinet. Maging ang mga detalyeng nakalagay sa white board ay nagpapatunay ring buhay si Althea.

Nakatitig si Caiden sa mapa ng buong mundo na nakadikit sa gitna ng white board. "King, please check the map. That bitch went to Europe!"

Napatingin ang lahat sa mapa. May red push pin ang Pilipinas na may taling nakakonekta papuntang California. Mula California ay may tali ring nakakonekta papuntang Italy at France.

"Base sa mga dokumentong nabasa natin, kasama si Althea ng kanyang pamilyang pumunta ng California. Sunod niya sigurong pinuntahan ang Italy at France," banggit ni Zaid.

"She's the one who killed my parents!" sigaw ni Caiden.

Nakakuyom ang kanyang nanginginig na mga kamao. Bakas din ang sobrang galit sa kanyang naniningkit na mga mata.

"Maaari, Lourd. At si Mr. Iggi na nakita sa cctv's ang inutusan ni Althea gawin ang mga iyon," muling sabi ni Zaid.

"Our assumption is over! Her next target is me!"

"Our assumption is over! Her next target is me!"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Pati si Knox at My loves ay nasa panganib din. Nagsisimula na ang paghihiganti niya!" dagdag ni Jia.

Binuklat pa nila ang ibang mga folders sa loob ng cabinet. Nabasa nila ang ilang mga plano ni Althea.

"Target ka niya, Lourd. Ikaw ang pumatay kay Mr. Knopper at sinasabing dahilan kung bakit nagpakamatay si Aaleyah. Target din si Knox, dahil sigurado tayong galit sa pamilya niya si Althea. Maaari ring maging target si Hailey, pero wala akong maisip na koneksyon kung bakit kailangan niyang paghigantihan ang mga Sandberg," sambit ni King.

"Siguro ay dahil kasama rin si My loves sa mga lumaban kay Mr. Chen."

Umiling si Zaid. Para sa kanya ay hindi pa rin malinaw ang motibo ni Althea para idamay si Hailey. "Pero ang tanong, bakit kailangan niya pang paghigantihan ang mga taong nanakit kay Mr. Chen?"

"E baka mahal niya pa kasi," suhestiyon ni Jia.

Napasapo sa noo si Zaid at nagsalita, "Pagkatapos niyang iwan? Kung kailan namatay na ay saka niya ipapakita ang pagmamahal niya? Nagpapatawa ang babaeng iyon!"

Lumapit si King kay Zaid at tinapik ito sa balikat. "Hindi tayo sigurado, pero mukhang mahal niya pa nga. Nasaktan lang siguro siya dahil mas pinili ni Knopper sina Knox."

"Tama! At lalong tumindi ang galit niya dahil nawalan siya ng anak," dagdag ni Jia.

Pinaandar ni Caiden ang kanyang wheelchair papunta sa bandang dulo ng silid. Sinimulan niyang buksan ang isang cabinet doon na hindi pa natitignan ng kanyang mga kaibigan. Hindi niya mawari ang kanyang nararamdaman. Punong-puno ng galit at poot ang dibdib niya pero alam niyang kailangan niyang huminahon sa ganitong pagkakataon.

SKRIVENA UNIVERSITY BOOK 2 (Complete)Where stories live. Discover now