S.U. 35 The Forbidden Plan

2.4K 70 18
                                    


CHAPTER 35

THIRD PERSON'S POV

"Yes! I did it!" Umalingawngaw sa buong silid ang malakas at galak na galaw na sigaw ni Kyler. Inabot na siya ng umaga kina Caiden.

Napamulat ng mata si Caiden. Nakahiga siya sa sofa at taimtim na nag-iisip. Nadagdagan na naman ang isipin niya dahil sa nangyaring insidente sa restaurant at sa mga nalaman niya roon. Alam ni Caiden kung ano man ang kanyang ginagawa pero hindi niya inaasahan ang nasaksikan niya kagabi.

"Good! I told you, you can do it," sambit ni Caiden sabay tayo sa sofa. Naglakad siya palapit sa kaibigan para tignan ang napasok nitong website. Parehas sila ni Kyler na wala pang tulog. Kitang-kita ang nanliliit nilang mga mata na gustong-gusto nang magpahinga.

"But..."

"What Kyler?"

"We have only 1 hour. Iyon lang ang nakayanan kong time limit para hindi nila mapansin na may nakapasok sa site nila. Gawin mo na ang lahat ng kailangan mong gawin. Maghihintay lang ako rito ng isang oras."

Tumango si Caiden. Pwede na ang isang oras kaysa sa wala siyang makuhang detalye sa website. Umupo agad siya sa upuan at humarap sa kanyang laptop. Sinimulan niyang tignan ang mga kailangan niyang makuha. Inisa-isa niya ang mga postings, conversation at hidden files. Habang ginagawa niya iyon ay dinidiretso niya na ring i-print ang mga detalyeng kailangan niya.

Nagtatakang nakatingin lamang si Kyler sa kanya. Ayaw nitong magtanong ukol sa ginagawa ng kaibigan pero susubukan nito pagkatapos ng isang oras. Hindi man ito sigurado, pero alam niyang para ito kay Hailey.

Mabilis na natapos ang isang oras. Inalis ni Kyler ang ginamit niyang proxy connection para hindi sila ma-trace at tinanggal niya na ang access nila sa website.

Napangiti si Caiden habang pinagmamasdan ang mga na-print niyang detalye na makakatulong ng malaki sa kanyang pag-iimbestiga.

"Ayoko sanang magtanong, pero... para saan 'yang ginagawa mo?"

Ramdam na ramdam ni Kyler ang biglang pagtalon ng kanyang puso nang lingunin siya ni Caiden na seryosong-seryoso. Natatakot din siyang masamain ng binata ang kanyang tanong.

"This is for her," matipid na sagot ng binata.

Napabuntong-hininga na lang si Kyler. Kitang-kita niya sa mga mata ng kaibigan ang lungkot na nararamdaman nito.

"Sige. Kung may kailangan ka pa, tawagan mo lang ako. Good luck."

Umalis na si Kyler. Ayaw niyang marinig ang sasabihin ni Caiden kung mayroon man. Naaawa kasi siya rito. Hindi rin bukal sa loob niyang magsalita pa dahil ayaw niyang bigyan ng pag-asa kahit kaonti lang ang kaibigan. Alam niyang mawawalan na naman ng saysay ang gagawing misyon ni Caiden ngayon.

Sumandal sa upuan si Caiden at tumingala sa kisame. Tulad sa kanyang opisina, marami ring glow in the dark stars sa kanyang study room.

"Zoe, I know you're there. I feel it, my heart feels it. I won't give up on you, but please don't give up on me too. I hope to see you in Italy."

Hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa kahit ilang beses na siyang nagpunta ng Italy para hanapin si Hailey. Ngayon, balak na naman niyang pumunta. Pero iba na ang pupuntahan niya, isang underground event na nakita niya sa hinack na website.

"The TJA's La Lotta Finale," wika ni Caiden.

Nabasa niya iyon sa website ng underground. Isang malaking fight event na pinaghahandaan ng mga underground members. Hindi pa siya sigurado kung ano'ng klaseng laban 'yun pero alam niyang dudumugin ng malalakas na mafia ang nasabing event. Iyon kasi ang usap-usapan na nabasa niya sa website.

SKRIVENA UNIVERSITY BOOK 2 (Complete)Место, где живут истории. Откройте их для себя