S.U. 52 Dinner Invitation

2.4K 62 17
                                    




CHAPTER 52

THIRD PERSON'S POV

NAPAGPASYAHAN ng dalawa na huwag na muna pag-usapan sa kanilang bakasyon ang tungkol sa utos ni Madam. Maagang nagising si Zach para kausapin ang personal assistant na ni-request niya kay Aubrille. Nag-usap sila sa isang café para pagplanuhan ang engagement proposal na gustong gawin ng binata sa ikatlong araw nila sa isla.

Sa mahigit dalawang oras na pag-uusap nila, naging malinaw na ang lahat ng kanilang kailangang paghandaan sa ikatlong gabi. Gusto ni Zach na maging makabuluhan at mapuno ng kasiyahan ang kanyang mga plano at siyempre ay dapat masungkit niya ang matamis na 'Oo' ni Thyra. Bago bumalik ang binata sa hotel ay naisipan muna niyang bumili ng kape para sa kanyang nobya.

Pagmulat ng mga mata ni Thyra ay bumungad sa kanya ang kumikinang na sinag ng araw sa maliit na awang ng kurtina sa bintana ng kanyang silid. Tumayo siya at dahan-dahang hinawi ang makapal na kulay lilac na kurtina. Kitang-kita niya mula sa kanyang kinatatayuan ang uma-aura na imahe ng malawak na dagat. Binuksan niya ang glass sliding door at lumabas sa veranda para pagmasdan ang nasabing imahe na hindi nagpakurap sa kanyang mga mata.

 Binuksan niya ang glass sliding door at lumabas sa veranda para pagmasdan ang nasabing imahe na hindi nagpakurap sa kanyang mga mata

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Ang masarap sa balat na simoy ng hangin mula sa dagat ang nagpalabas sa magandang ngiti niya. Uminat pa siya at tahimik na tinitigan ang nakahuhumaling na tanawin sa kanyang harapan. Nang ilang sandali ay dumapo ang kanyang tingin sa mini wooden table na nasa gilid ng veranda. May nakalagay doong tatlong kulay puting tulips na may kulay kahel na ribbon at may frappe ding kasama na lalong nagpalaki sa kanyang mga mata.

"Si Babe talaga, ang agang nagpapakilig!" bulyaw niya nang makalapit sa lamesa. Kinuha agad niya ang frappe na kanyang paborito. Mainit pa iyon ng hawakan niya at may sticky note na nakadikit.

"To my star every morning and night, be safe. This is for you to ease your tension," basa ni Thyra sa note.

Napatulala siya, marahil sa gulat dahil ramdam niyang hindi iyon mula kay Zach. Nakaramdam siya ng kakaibang kaba at hindi niya namalayang biglang nagtubig ang kanyang mga mata. Ilang segundo niyang tinitigan ang note at marahang nagsalita, "Caiden?"

Agad siyang umiling at tumingin sa malayo. "Bakit siya ang naisip ko agad?" tanong sa sarili. Sumulyap siya sa katabing veranda ngunit walang tao roon. Maging sa labas ay wala ring gaanong tao. Kumunot ang noo niya at muling tinitigan ang note.

"No, maybe because of the words 'to ease your tension' that's why I remembered him." Naalala niya ang naging meeting nila sa coffee shop. 'Yung pagkakataong biglang nabanggit ni Caiden ang mga salitang iyon.

Mayamaya'y nakarinig ng dalawang katok sa pinto si Thyra kaya inilapag niya muna sa lamesa ang frappe at naglakad papunta sa pinto.

Pagbukas niya ay humarap sa kanyang paningin ang bouquet of pink roses na hawak ni Zach sa kanang kamay at ang nasa kaliwang kamay naman ay isang cup ng kape.

SKRIVENA UNIVERSITY BOOK 2 (Complete)Where stories live. Discover now