S.U. 13 Brainstorming

3.4K 79 10
                                    


CHAPTER 13

HAILEY'S POV

Kunot-noong tumitig sa akin si Knox. Ayokong pagdudahan si Tita Eliza dahil kilala ko siya. Mabuting tao talaga siya, subalit gano'n din naman ang unang sinabi ko kay Tito Knopper, pero anong nangyari? Kung sino pang mabait at hindi mo aakalaing makakapanakit ay siya pa pala ang may lakas ng loob gumawa ng masama.

"Si Mommy ay kasama ng Mommy mo Princess. Nasa Singapore pa rin sila hanggang ngayon. Wala akong balita sa Nanay ni Aaleyah dahil ang pagkakaalam ko ay nagpakamatay siya," sambit ni Knox.

Bigla kong kinuha ang aking telepono at nagpadala ng mensahe para kamustahin sina Mommy sa Singapore. Nakalimutan kong nasa seminar meeting nga pala ang halos lahat ng aming mga magulang.

"Kailangan natin ng patunay na patay na talaga ang Nanay ni Aaleyah," rinig kong sabi ni Kyler. Muli akong tumingin kay Knox. Seryosong-seryoso ang kanyang mukha. Hindi ko tuloy alam kung nagdamdam ba siya sa sinabi ko kanina. Nagtanong lang naman ako tungkol kay Tita Eliza.

"100% kong patutunayan sa inyo na walang kinalaman dito si Mommy," dagdag ni Knox na lalong nagpabilis sa pintig ng puso ko.

"Prince, natanong ko lang naman. Wala na kasi akong balita kay Tita," depensa ko. Hindi ako nilingon ni Knox pero alam kong narinig niya ang mga sinabi ko. Ang lahat ng mga mata ay na kay Knox na ngayon.

"Can you please stop that bullshit drama? That's nonsense! For now we need to know the status of Aaleyah's mom. And we need to be sure that all of your parents are in a safe place. Contact them immediately after our discussion!" biglang sabi ni Caiden. Napayuko na lamang ako. Pakiramdam ko tuloy ay nagtatampo sa akin si Knox.

Kinuha ko na lang ulit ang mga dokumentong pinamigay ni Zaid kanina. Malaki talaga ang posibilidad na ang Nanay ni Aaleyah ang may kagagawan nito kung buhay pa siya. Dahil paniguradong maghihiganti siya sa pagkamatay ng kanyang anak na tinuturong si Caiden ang dahilan at sa pagkamatay rin ni Tito Knopper na si Caiden mismo ang pumatay.

Pero paano kung patay na ang Nanay ni Aaleyah? Sino ang posibleng gagawa nito sa pamilyang Houston?

"Sino ang nakatalaga sa paghahanap ng mga detalye sa Mommy ni Aaleyah?" tanong ni King.

Tumingin ako sa kanilang lahat. Walang nagtaas ng kamay kaya naman ako na ang nagpresinta. "Ako King."

"Sasamahan ko rin si My loves," sabi ni Jia.

"Count me in," sambit ni Caiden.

"Me too," wika ni Knox. Kahit papaano ay nakahinga ako nang maluwag. Sumama sa akin si Knox kaya posibleng hindi naman siya galit sa akin. Baka nagtatampo lang.

"Sige, kayong apat. Kayo ang nakatalaga sa nakakagulantang na pagpatay kina Tito Cailex at Tita Marie. Pero kung may ibang mga bagay na kakailanganin ay tutulong pa rin kaming lahat," paliwanag ni King. Tumango ako sa kanya at ngumiti kay Jia. Sumulyap ako kay Caiden na ngayon ay mahigpit ang pagkakahawak sa ballpen. Nakatulala na naman siya roon.

Sunod kong tinignan si Knox. Nakayuko lang siya kaya hinigit ko ang kamay niya sa lamesa at bumulong sa tainga niya, "I'm sorry." Tumingin naman siya sa akin. Isang tinging malamlam at halatadong nasaktan. Pero nagawa niya pa ring ngumiti sa akin kahit alam kong pilit lang.

"Sunod ko namang ipapakita sa inyo ang mga detalyeng nakuha namin sa aksidenteng nangyari kay Aviana," muling sabi ni King. Lumingon ulit kaming lahat sa kanya.

"Sy Family, sila ang pinagmamaneho ng driver na nakabangga kay Aviana. Inalam namin ang mga detalyeng tungkol sa kanila. Masasabi naming wala talaga silang kaalam-alam." Napataas ang kilay ko. Ibig sabihin ay aksidente talaga ang nangyari?

SKRIVENA UNIVERSITY BOOK 2 (Complete)Where stories live. Discover now