S.U. 53 This I Promise You

2.4K 56 13
                                    


CHAPTER 53

THIRD PERSON'S POV

Natapos ang maghapon na hindi nagpaparamdam si Zach kay Thyra maging kung sino man ang nagpapadala ng mga bagay sa dalaga ay wala ring paramdam.

Hanggang ngayon ay hindi pa siya makapagdesisyon kung sino ang pupuntahan niya. Importante sa kanya si Zach subalit mahalaga rin para sa kanya na malaman ang totoo sa mga gumugulo sa isip niya. May namumuong takot sa kanyang dibdib dahil hindi niya kilala kung sino ang makikita niya kung sisiputin niya ang imbitasyon ng isang estranghero.

Naghanda na ang dalaga. Naghanap siya ng damit na maaari niyang suotin. Kakahanap ay hindi niya namalayang alas siyete na ng gabi. Sa huli ay napagdesisyunan niyang suotin na lang ang isang puting bestida na nabili niya sa Europe noon.

 Sa huli ay napagdesisyunan niyang suotin na lang ang isang puting bestida na nabili niya sa Europe noon

Oops! Bu görüntü içerik kurallarımıza uymuyor. Yayımlamaya devam etmek için görüntüyü kaldırmayı ya da başka bir görüntü yüklemeyi deneyin.

Inayos ng dalaga ang kanyang buhok at nag-make-up ng kaunti. Sunod niyang hinanap ay sapatos o sandals na babagay sa kanyang suot. Nang makapili na ay kinuha niya sa bag ang starfish necklace na ibinigay ng bata sa kanya. Nakapaghanda na si Thyra subalit ang desisyon na lang niya kung sino ang pupuntahan ay hindi pa rin buo hanggang ngayon.


SA KABILANG BANDA, natapos na ang set-up ni Zach sa isang romantic place na inupahan niya sa tapat ng dagat. Ang mga ilaw at bulaklak ay maayos ng nakahilera sa hagdanan at sa paligid nila. Sunod niyang pinuntahan ang kitchen. Kinausap niya ang dalawang pinakamagaling na chef ng El Nido Palawan. Kinamusta niya ang mga putahe at drinks para mamaya. Lumapit din si Zach sa mga musician na magsisimulang tumugtog pagkaapak na pagkaapak ni Thyra sa unang baitang ng hagdan pababa. Pinaalalahanan sila na huwag makakalimot sa kakantahin at huwag masyadong kakabahan para hindi maiba ang boses nila.

Natanaw ng binata ang kanyang PA na kinakausap ang mga waiter. Pumunta sa lugar nila si Zach at muling binalaan sa ikikilos ng mga waiter. Ayaw ng binata na may magkamali na naman. Gusto niyang hindi masira ang lahat ng kanilang pinaghirapan. Hanggat maaari ang mga bagay na nakalimutan ay dapat magawaan agad ng paraan. Muling inulit ng binata sa kanyang PA ang mga fireworks na sisindihan pagkasuot niya ng singsing sa daliri ni Thyra. Alam niyang isa sa gusto ng dalaga ay ang mga fireworks na pagmamasdan nito sa kalangitan.

Tinawagan na rin ni Zach ang driver na susundo sa dalaga. Sinabihan niya ito na pagdating nila ay agad na magbigay ng senyales sa kanya. Habang naghihintay ay nakailang beses huminga nang malalim ang binata. Medyo nanginginig din ang kanyang mga kamay sa tensiyong nararamdaman. Hindi niya alam kung handa na ba sa ganito si Thyra at kung ano ang isasagot sa kanya subalit buo ang loob niya na mapapa-oo niya ito ngayong gabi.

Habang naghihintay ay pabalik-balik si Zach sa paglalakad. Paulit-ulit niyang sinasabi sa sarili ang mga katagang ibubungad niya kay Thyra mamaya.

Ilang minuto ang lumipas nang makatanggap siya ng mensahe mula sa driver na nakasakay na raw si Thyra ng sasakyan. Napabuga ng hangin ang binata at napatingala. Dahan-dahan siyang pumikit at taimtim na nagdasal sa kanyang gagawin mamaya. Pagkatapos magdasal ay pumasok muna siya sa room na naroon. Lumapit siya sa coat niyang kulay asul na nakasabit sa dingding. Kinuha niya ang ring na nakatago sa bulsa ng coat at tinitigan.

SKRIVENA UNIVERSITY BOOK 2 (Complete)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin