S.U. 47 Priceless Meeting

2.5K 64 11
                                    

                  

CHAPTER 47

THIRD PERSON'S POV

Nagising nang maaga si Thyra. Nagluto muna siya ng agahan bago ginising ang kanyang nobyo.

Hinawakan niya ang braso ni Zach at pinisil-pisil. "Babe, gising na. Breakfast is ready! May meeting pa ako at ikaw may pupuntahan ka pa," sabi niya.

Hindi nagsalita si Zach kaya hinawakan niya na lang ang mukha nito. "Babe?" Nang hindi pa rin gumalaw ang binata ay yumuko siya at hinalikan ito sa noo. Pagkahalik na pagkahalik niya ay bigla siyang inihiga ni Zach sa kama at hinalikan sa labi.

Napangiti si Thyra. Nagsimula na naman maglambing ang boyfriend niya.

"Babe, 'wag na tayo umalis," sambit ni Zach.

"E? How about my favorite car?" Iyon agad ang unang naisip ng dalaga. Gustong-gusto niya na talagang makuha iyon. Excited na siyang i-road trip ang nasabing sasakyan. "And the meeting of course. Sayang kung hindi sisiputin..."

"Okay, sige na nga. Pa-hug nga muna sa pinakamamahal ko!" Yumakap nang mahigpit si Zach na tipong hindi na makakahinga si Thyra.

Napabalikwas ang dalaga nang tumunog ang alarm clock, 8:00am na. "Tara na, Babe. Let's eat first."

Kumain na ang dalawa ng nilutong egg at bacon ni Thyra. Sunog na sunog ang bacon. Hindi pa kasi gano'n karunong magluto ang dalaga subalit ni minsan ay hindi mariringgan ng kahit na anong reklamo ang kasintahan niya.

Pagkatapos maligo ni Thyra ay agad siyang nagbihis ng paborito niyang kulay dilaw na above the knee dress at pinarisan ng high heels silver sandals. Inayos niya rin ang buhok niya. Mahahalatang kinakabahan ang dalaga. Hindi pa niya gamay ang ugali ng isang executive general manager ng Sandberg's Corporation.

Paglabas sa dressing room ay nakita niya ang kasintahang may kausap sa telepono. Nakaharap ito sa balcony. Balak niya sanang kilitiin ito kaya dahan-dahan siyang naglakad. Habang siya'y papalapit ay may narinig siyang pangalan, Aviana at Orphic braw.

Napataas ang kilay ng dalaga, subalit hindi niya hinayaang magduda ang sarili kung sino ang kausap nito dahil maaaring babae pala ang car agent ng nobyo niya.

Pagkatapos ng tawag ay agad na kiniliti ni Thyra sa tagiliran ang nobyo. "Babe!" natatawang sabi ni Zach. "Teka, kanina ka pa sa likod?" tanong nito.

Umiling ang dalaga at nagmaang-maangan, "Nope, why?"

"Wala naman. Let's go?" Tumango si Thyra at hinawakan naman ng nobyo ang kamay niya.

Paglabas na paglabas nila ng pintuan ay saka niya naalala na kailangan niyang uminom ng gamot. Baka magalit si Madam kapag may namintis siyang inumin na tableta. Ngunit dahil tinatamad nang bumalik sa unit, hinayaan na lang niyang pumalya muna ng inom ngayong araw. Sa isip-isip niya ay hindi naman ata iyon mahahalata ni Madam lalo na kung hindi niya naman ipapaalam.

Pagsakay sa sasakyan ay gumamit ng GPS si Thyra papunta sa coffee shop na meeting place nila.

"Ihahatid na kita sa loob, Babe," alok ni Zach paghinto nila sa coffee shop.

"Huwag na. Dumiretso ka na sa pupuntahan mo. Susunduin mo ba ako?"

Tumingin sa relo si Zach. Saktong alas nuwebe na. Hindi nito alam kung hanggang ano'ng oras siya sa aasikasuhin niya. "Just message me later. Tignan ko mamaya. Hindi ko alam kung hanggang ano'ng oras ako matatapos. If ever, I'll call another rent a car. Use that car for the meantime."

Ngumiti si Thyra at hinalikan sa noo ang nobyo. "Okay. Kapag kaya ko naman mag-cab, 'yun na lang gamitin ko pauwi. Tatawagan na lang kita mamaya. Ingat ka Babe. I love you!"

SKRIVENA UNIVERSITY BOOK 2 (Complete)Where stories live. Discover now