S.U. 34 Don't Mess With Me

2.5K 75 13
                                    


CHAPTER 34

THIRD PERSON'S POV

"Zoe?" hindi makapaniwalang sabi ni Caiden.

Nakita niya si Hailey sa pinto ng bahay niya, nakahawak ito sa door knob subalit biglang natumba dahil nawalan ng lakas. Puno ng sugat sa katawan ang dalaga. Nanghihina ito at halos hindi makapagsalita.

Agad lumapit si Caiden at niyakap ito. Hinawakan niya ang mukha ng dalaga. Lubog na ang magkabilang pisngi nito. Maga ang isang mata at naniningkit naman ang isa pang mata dahil sa mga sugat.

"Zoe, what happened?" nangingiyak na tanong ni Caiden.

Hindi sumagot si Hailey. Tumingin lamang ito sa kanyang mga mata. Dahan-dahan nitong iginalaw ang isang kamay at hinaplos ang pisngi ni Caiden. Pinahiran ng dalaga ang luhang tumutulo sa mata ng binata. Napangiti si Hailey kahit papaano. Masaya siya, masayang-masaya.

"Sino'ng may gawa nito? Dadalhin kita sa hospital!" Nagpanic na si Caiden nang mapansin na nahihirapang huminga si Hailey. Napahawak kasi ang dalaga sa dibdib nito.

Binuhat niya ito agad at mabilis na isinakay sa kotse. Parang hangin niyang pinalipad ang sasakyan para makarating agad sa hospital.

"Zoe, please stay. Don't leave me now, please!" paulit-ulit na paalala ni Caiden sa dalaga.

Pagdating sa hospital ay nagtungo sila sa emergency room. Hinalikan ni Caiden sa noo si Hailey bago binitawan ang mga kamay nito. Kailangan na kasing iwan ang dalaga para maasikaso na ng mga doktor. Subalit ang dalaga na mismo ang ayaw bumitaw sa kanya. Hindi man ito makapagsalita, base naman sa ikinikilos nito ay parang ayaw niyang iwan siya ni Caiden.

"Nasa labas lang ako, Zoe. Hindi ako lalayo. Fight for me, fight for us!" sambit ng binata bago tuluyang iniwan si Hailey sa emergency room.

Habang naghihintay sa labas si Caiden ay biglang nakarinig siya ng emergency alert. May mga nagtakbuhang nurse papasok sa loob ng emergency room. Napatayo ang binata at sumilip sa glass door. Hindi siya pwedeng magkamali, ang pinuntahan ng mga tao ay ang bed location ni Hailey. Kahit bawal siyang pumasok ay pinilit niya pa ring makapasok sa loob.

"Zoe! Zoe! I'm here!" sigaw ni Caiden. Nagwawala na ang binata. Hindi siya nagawang pigilan ng mga bantay kaya tuluyan siyang nakapasok sa loob.

Nang makalapit na siya sa puwesto ay isang tinig ang nagpatigas sa kanyang buong katawan. Para siyang naistatwa at tila tumigil ang oras.

"Time of death, 8:00pm." Rinig ni Caiden na sabi ng doktor.

Parang nag slow motion ang kilos niya. Pinaalis niya ang lahat ng nurse at doktor na nasa paligid ni Hailey. Para siyang mauubusan ng hininga nang makita ang nakapikit na dalaga.

"No! Zoe, wake up, please! Don't leave me again! Please!" Inilapit niya ang kanyang tainga sa dibdib ng dalaga. Subalit wala na siyang naramdamang tibok mula sa puso nito.

"Zoe! Don't leave me! Stay with me, I'm begging you, please stay!" umiiyak na sigaw ni Caiden.

Napabalikwas ng higa si Caiden nang marinig ang tunog na nagmumula sa kanyang telepono. Pinahiran niya ang kanyang mga mata at tumingin sa paligid. "Fvck! It's just a dream," bulong niya sa sarili.

Pagtingin niya sa telepono ay biglang sumimangot ang binata. Ayaw niya sanang sagutin ang tawag, pero mukhang kailangan.

"Gawd, Babe! Ngayon ka lang sumagot, bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko kagabi pa?"

"Why are you calling this early?"

"Hello! Hindi mo ako pinuntahan kagabi!"

"I told you, I'm with my friends."

SKRIVENA UNIVERSITY BOOK 2 (Complete)Where stories live. Discover now