S.U. 3 Banana Thing

4.9K 143 16
                                    

CHAPTER 3

HAILEY'S POV

Kasalukuyang nag-di-discuss si Prof sa unahan nang maramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko. Palihim akong sumilip at binasa ang mensaheng natanggap.

Three crows were sitting on a fence when a farmer spots them. He shoots one, how many were left? Answer me within 5 minutes or else someone will experience a severe pain.

Natigilan ako nang mabasa ang text na galing sa hindi nakarehistrong numero sa cp ko. Nagpalinga-linga pa ako sa paligid para tignan kung sino sa mga kaklase ko ang may pasimuno nito. Ngunit lahat sila ay nakaharap sa unahan at nakikinig sa Prof namin.

Hindi ko na lang pinansin ang text na natanggap ko. Humarap na ulit ako sa unahan at nakinig kay Prof.

Pagkalipas ng ilang oras ay lunch break na, natapos naman ng maayos ang klase namin. Kaya feeling ko ay may nagti-trip lang talaga sa akin kanina. Pero kinuha ko pa rin ang cellphone ko para sagutin ang tanong niya.

No one left because the other crows flew away. Who are you?

Message sent! Nanatili lang akong nakatingin sa cellphone habang hinihintay ang replay niya.

"Girl kanina ka pa ganyan ah. Mukhang may malalim kang iniiisip, may problema?" tanong ni Aviana. Napalingon agad ako sa kanya at ngumiti.

"Wala naman," sagot ko. Muli kong tinignan ang cellphone ngunit wala pa rin akong natatanggap na message. Humarap ulit ako kay Aviana na nakatingin pa rin pala sa akin. "Tara, kain na tayo? Nag-aya kasi si Knox na sumabay na raw tayo sa kanila."

"Gosh si Prince? Makakasabay ko na naman siya sa pagkain ng lunch! Let's go Aub. Tama na muna 'yang pagta-take notes mo. Gora na tayo!" Napalingon naman ako kay Aubrille na abalang nagsusulat sa kanyang notebook. Kahit kailan talaga, napakasipag ng babaeng ito.

Lumingon sa amin si Aubrille at nagsalita, "Tinapos ko lang 'yung homework natin. Tara na?"

"Ang sipag mo talaga Aub. Okay let's go!" sambit ko.

"Heler! Ano pa nga bang mapapala natin diyan. Kahit para bukas pa 'yang homework, sinasagutan na agad niya ngayon. Bilisan na natin baka mainip na ang Prince ko!" Hinila ni Aviana ang kamay ni Aubrille palabas ng classroom kaya naglakad na rin ako para makasunod sa kanila.

"Oh my gawd!" sigaw ni Yarin Pie nang masagi siya ni Aviana. Napalingon ang lahat sa kanilang pwesto.

Tinignan ko naman agad si Aviana. Mukhang hindi niya naman sinasadya, hindi niya lang siguro napansin dahil nagmamadali siyang lumabas ng pinto.

"Sorry! Hindi ko talaga napapansin ang mga ants sa daan e! You know, maliliit kasi," sarkastikong sabi ni Aviana.

"What? Ants? Langgam?"

"Yes, bakit? 'Wag mong sabihin na hindi mo alam kung ano ang ants? My gosh, ikaw na ikaw 'yun tapos hindi mo alam ang tawag sa mga kalahi mo!"

Nakita ko ang pamumula ng mukha ni Yarin at ang pag-iba ng reaksyon niya. Mukhang napipikon na siya sa kanyang mga naririnig. Ang taray talaga nito ni Aviana, kayang kaya makipagtarayan.

"Shut up bitch!" Itinulak ni Yarin si Aviana kaya naman napatakbo ako papunta sa kanila.

Nakita kong itinayo agad siya ni Aubrille na ngayon ay nanlilisik na ang mga matang nakatingin kay Yarin. Pinagpag muna ni Aviana ang damit niya at umayos sa kanyang pagkakatayo.

"You bitch ant! Sumusobra ka na!" iritadong sigaw niya. Lumapit siya at akmang hahablutin ang buhok ni Yarin ngunit humarang agad ako at inawat siya.

SKRIVENA UNIVERSITY BOOK 2 (Complete)Where stories live. Discover now