“Ba’t ka ba nanggugulat ng ganyan!” Balik sigaw niya dito. “Hindi mo ba alam ang salitang mahina? Parang may built-in mega phone iyang bunganga mo sa lakas ng boses mo eh.”

Napalabi naman ang babae sa kaniya. “Ang seryos seryos mo kasi eh. Para kang model sa karaoke yung nag eemo sa tb?” At tinawanan pa siya nito. Napalingo-lingo siya sa sinabi nito. “Malapit na tayong dumating kaya maghanda-handa kana riyan.” Iyon lang at umalis uli ito sa tabi niya.

               Pagkadaong nila sa pantalan ay sumakay sila ng pedicab hanggang marating nila ang malawak na lupain na may maraming puno ng Niyog. Sa gitna ng lupain ay ang may kalumaang bahay na yari kahoy. Ang bubong nito ay may tagpi-tagping yero para takpan ang butas. Lumabas ang medyo patpating lalaki sa balkonahe ng bahay. Nakangiti itong nakatingin sa kanilang tatlo.

“Tatay!” sigaw ni Danica. Nagyakapan ang dalawa pagka-apak nito sa balkonahe. Namasa pareho ang mga mukha ng mga ito. “Tatay… miss ko na po kayo.” Iyak ni Danica.

“Ako rin anak. Mabuti naman at naisipan mong bumisita dito saglit. Ilang araw ba kayo dito?” tanong ng ama nito.

“Dalawang araw lang po kasi may pasok na si Sir JM.” Lumingon ito sa kaniyang direksyon. “’tay ito po pala si Sir JM. Sir, tatay ko.” Pakilala nito sa kanilang dalawa. Inilahad niya ang kamay dito.

 “Nagagalak po akong makilala ka Sir. Sana naman hindi naging pasaway itong anak ko.” Inakbayan nito ang anak na hanggang tenga pa rin ang ngiti.

“Hindi naman po. Mabait na kasambahay po si Danica.” Pagsisinungaling niya dito.

“Halina kayo at pumasok na tayo sa loob. May hinanda akong konting pagkain para sa inyo.” Masinop ang buong kabahayaan. May lumang mahabang upuan na yari sa kahoy. Mga kagamitan na halatang ini-iingatan gaya ng mga mumunting pigurin at mga larawan ng pamilya nito. Napadako ang kaniyang paningin sa isang magandang babae sa isang larawan. Kahawig ito ni Danica pero maputi ang naturang babae. Halatang namana ng babae ang kutis sa Ama nito.

            Pagkatapos nilang kumain ay nagpahinga muna sila. Sa kabilang kuwarto pinatuloy ng Tatay niya si Jake. Pasalampak siyang nahiga sa sariling kama. Kahit na may kalumaan na rin ang kutson niya ay namiss rin niya ang kalambutan nito. Inamoy-amoy niya ang kaniyang unan habang napapapikit. “Hay sa wakas nayakap din kita!” sigaw niya.

Ang saya-saya niya dahil pumuyag ang amo niya na dumaan sila dito. Alam niyang mage-enjoy talaga ito dahil sa darating na pista bukas. Mabuti nalang at naisipan niyang magbakasali dito kundi hindi niya makikita ang kababata sa larong Palosebo. Champion si Lemuel sa larong iyon. Kahit naman siguro anung laro ay magaling ito. Halata niyang naging matikas na rin ang pangangatawan ng kaniyang kaibigan. Medyo tumaas rin ito konti sa kaniya pero syempre mas mataas pa rin si Sir Jake niya dito.

              Kinabukasan ay maagang gumising si Danica para siya na ang bibili ng pandesal sa bakery. Nasa daan na siya pabalik ng bahay nila ng makita ni si Lemuel na may kasamang babae. Napakunot ang kaniyang noo. ‘Tingnan mo ‘tong lalaking ‘to ang aga-aga nambababae na.’ nilapitan niya ang mga ito.

Malakas siya tumikhim para mapansin ng mga ito. “Ehem!” Nagulat ang dalawa lalo na si Lemuel bago ito ngumiti sa kaniya.

Ang 'syota kong promdi COMPLETEWhere stories live. Discover now