Chapter 1

14.8K 172 2
                                    

Napakainit ng araw pero hindi parin tumitigil si Danica sa pagbebenta ng mga pampaganda sa palengke. Kailangan niya makakita ng malaki-laki ngayong araw dahil may sakit ang itay niya. Halos mapaos na siya sa kakasigaw para makuha ang atensyon sa mga mamimili.

... "Ale!! bumili na kayo ng pampakunat sa buhok....trenta pesos lang ito." Pamimilit niya sa babaeng may pagka kulot ang buhok. Patuloy lang ito sa paglalakad habang bit-bit ang isang bayong na papuno na.

"Naku inday huwag mo na akong bentahan niyan may tatlo na akong anak at 'di ko na kailangan magpaganda sa asawa ko."

"Pero aleng ano kahit na po may anak na kayo eh kailangan nyo pa rin magpa ganda sa mister niyo. Eh malay mo maghahanap iyon ng iba."

"Hay naku makulit ka rin ano?"

"Sige na po... pramis ko po sa inyo gaganda iyang buhok niyo. Eh kung gusto niyo po may pampaputi din ako dito oh." Sabay abot niya sa mga produkto.

"Sa tingin mo ba mapapaganda pa ako ng mga niyan?"

"Ay opo!" nabuhayan siya ng loob ng tila may kursunada na nga ito. "Itong pampaputi eh galing pang Egypt eto po yung ginagamit ni Cleopatra." pagmamalaki niya sa mga produkto.

Katunayan ay inaangkat lang niya ang mga produktong binebenta sa anak ni Aling Muring na dating nag jajapan.

"Eh ba't ikaw ang itim-itim mo para kang uling sa ka itiman?"

Napakamot siya ng ulo "Eh kasi naman po nagbababad ako sa init para magka pera... eh kung ayaw niyo namang bumili eh di huwag." sabay hablot niya sa mga produkto sa kamay nito.

"Mamimintas pa kayo niyan eh." Pinanganak na siyang may ka itiman.
 Sabi ng ama niya ay black beauty raw ang tawag sa kaniya. At dahil may konting dugo ng kastila ang ina ay nakuha niya ang matangos na ilong at kata-asan nito. Ang itimang balat ay nakuha naman niya sa kanyang ama. Sabi pa ng inay ni Lemuel ay na love at first sight daw ang tatay niya sa nanay niya, at dahil makisig ang ama niya at maabilidad, may itsura rin kahit na maitim ay napasagot agad ang nanay niya. May niyugan sila, at doon na kinukuha ang pambubuhay nilang mag ama.

Pero nitong nakaraang buwan ay unti-unti ng ginugupo ng sakit ang tatay niya. Palagi itong umu-ubo at hindi na kayang umakyat ng puno. Hindi rin naman nila kayang magbayad ng mga tauhan kaya't nawawala na ang mga suki nila. Namatay ang inay niya ng magkasakit ng pulmunya nung tatlong taong gulang pa siya.

"Oh sige na bibilhin ko na itong pampakunat... at ito ring pampaputi." sabay abot ng bayad sa kanya.

"Salamat Ale! Balitaan mo ako sa resulta ha." pakaway-kaway pa siya sa cutomer niya.
 "Danica!!! Danica!!!" sigaw ni Lemuel. Kababata niya ito, medyo patpatin ito, siguro dahil kulang sa resistensiya. Pareho silang lumaki sa hirap. Hindi naman matawag na squaters area ang tinitirhan dahil pag aari ng mga taong tumira dun ang kani-kanilang lupain. Ang bahay nila ang may pinaka malaking lupain kumpara sa kapitbahay nila. Namana pa ito ng tatay niya sa mga magulang nito.

"Naku Danica kailangan mong sumama agad sa akin. Ang tatay mo sinugod sa ospital inatake ng pulmunya."

"Ano!? paano na itong tinitinda ko?"

"Ako na ang bahala diyan basta daanan mo nalang ako dito mamayang alas singko."

"Salamat Lemuel napaka buti mong kaibigan."

Natutulog ang ama ng dumating siya sa hospital. Kasama nito ang inay ni Lemuel.

"Dok kumusta na po ang tatay ko?"
 "Hindi ko masasabing mabuti na siya, kailangan pa niya ng isang linggo dito. Dahil napatagal ang pagpa check up niya ay medyo malala ang Pneumonia ng tatay mo."

Ibig sabihin pera... kailangan niya ng pera. Para na siyang naiiyak dahil hindi niya alam kung saang lupalop siya kukuha ng pera.

"Sige po Doc maghahanap po ako ng mapag kukunan ng pera para gumaling na ang tatay ko."

Nang umalis ang Doctor ay nilibot niya ang paningin, may anim na higaan pero apat lang ang pasyente. Nang tingnan niya ang mukha ng ama ay naawa siya sa anyo nito. Napakapayat nito nanglalim ang mga panga ang mga matay may dark circles at parang hirap na hirap itong huminga.

"Diyos ko saan ako hahanap ng pera?" Taimtim na panalangin niya.

"Anak?"
 "Itay kumusta na pakiramdam ninyo?"

"Ba't nandito ka? Pano na mga paninda mo?"

"Si Lemuel po ang pinababantay ko, uuwi po ako maya-maya kasi mag bebenta pa kami ng balot sa kabilang bayan 'tay."
Ginagap nito ang kanyang kamay at tumingin kay lagring.

"Masuwerti ako sa anak ko dba kumare?"

"Ay uu Tonyo kung andito pa si Divina ay matutuwa iyon."

Hinipo niya ang mukha nito.

"Itay magpagaling kayo ha. Ako na ho ang bahala sa pera."

Madaling araw na ng maka uwi si Danica galing sa pag bibenta ng balot. Bukas ay iba na naman ang raket nilang magka babata pupunta sila ng simbahan bukas at mag titinda ng sampaguita. Dahil linggo ay siguradong maraming tao buong araw. Ang perang naipon ay hindi sapat para tustusan ang pampa ospital ng tatay niya. Kailangan niyang maghanap ng malaki-laking makikitaan.

Kinuha niya ang larawan ng nanay niya. Kahit na hindi na niya halos matandaan ang ina ay parati niyang kinakausap ito. Hindi na niya namalayan na lumuluha na pala siya. Ang malakas na katok ang nagpapukaw sa kanya pabalik sa realidad.
Ng buksan niya ang pinto ay nakita niya si Lemuel na may dalang kumot at unan. Ibig sabihin na makikitulog na naman ito sa kanila. Para na silang magkapatid dahil halos sabay silang pinanganak. Mas matanda lang ito ng ilang buwan sa kanya. Ang ama nito ay foreman sa kabilang bayan.

"Pinalayas ka ba ng mama mo?" natatawang tanong nito.

"Hindi ah, oh eto pinabibigay nina mama at papa. Tanggapin mo daw kahit na konti ay maka tulong kami sa inyo ni Tatay Tonyo." Inabot nito ang limang daan sa kanya.

"Lemuel napakalaki nito ah. Huwag na ui baka naman nakaka abala kami sa inyo."

"Ano ka ba si Tatay ang may gusto niyan tanggapin mo na."

"Pupunta ako sa inyo bukas para makapag pasalamat naman ako sa kanila."

"May DBD ako dito galing kay Jun-jun nung nagbibenta ng pirata sa kanto. Pero original daw ito sabi niya galing pa sa Ate niyang nag tatrabaho sa Menila bilang katulong."

"Ay si Marites ba ang tinutukoy mo? Ahh kumusta na kaya yun, matagal-tagal na rin siya dun ah."

Naging magkaklase sila ni Marites nung Grade four. Hanggang Grade six lang ang natapos niya dahil na rin sa pera kaya nag boluntaryo na siyang huminto. Kahit ayaw ng papa niya, ay wala na rin itong magawa dahil nagsisimula na rin itong magka sakit.

"Uuwi nga daw sa susunod na linggo at ang sabi ni Jun-jun naghahanap ng gustong pumasok bilang katulong."
 "Ganon bah. Hoy naisip mo ba ang naisip ko Lemuel?"

"Gusto mong mag banyo?" biro nito sabay tawa.

"Sira! Hindi ano ka ba puro ka nalang biro." sabay hampas sa braso nito.

"Aray!!!" napadaing ito sa lakas ng ampas niya bago hinihimas ang namumulang braso.

"Sira ka kasi eh. Baka puwede akong pumasok bilang katulong dun sa Menila."

"Paano na ang papa mo? Alam mo naman hindi yun papayag na umalis ka ng malayo."

"Ako na ang bahala kay papa. Mas malaki ang kikita-in ko dun."

Pumunta na ito sa player para ilagay ang disc ng "My Best Friends Wedding" ni Julia Roberts.

Nilatag nila ang kumot at dalawang folding bed sa gitna ng sala nila. Hindi pa nangangalahati ang pelikula ay naka tulog na si Lemuel kaya't pinatay na niya ang DVD player para matulog. Bukas na bukas din ay pupuntahan niya ang inay ni Marites bago sila pupunta ng simbahan.



Ang 'syota kong promdi COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon