"Hindi ko alam, Jea. Minsan nalang kasi kami magkita tapos sasabayan ko pa ng pagseselos ko."

(Karapatan mo naman yun pero ikaw bahala ka. Hayaan mo maging untold feelings yan.)

"Bahala na, Dora."

(Osya. Nangulit lang naman talaga ako. Sige na, Cookie Monster. Bye!)

"Bye."

Binaba ko na ang tawag at napapailing nalang sa kakulitan ni Jea. Ganyan siya nagiging makulit kapag concern. Paglingon ko sa likod ko nakita ko si Julie na nakatayo doon. Sobrang seryoso ng mukha niya.

"Uhm..k..kanina ka pa?"

Tumango siya. Ngayon ko lang napansin na may baso sa kamay niya. Siguro uminom siya ng tubig.

"Uhm...malapit na maluto ito."

Hindi siya nagsalita at pumasok nalang sa kwarto ko. Napabuntong hininga ako. Narinig siguro niya ang usapan namin ni Dora. Matapos maluto pinatay ko na ang kalan. Pumasok na ko sa loob at nakita ko siya na nakahiga habang yakap yakap si Iska.

"Baby..."

Tumabi ako sakanya.

"Julie.."

Tinago ko ang mukha ko sa leeg niya.

"Talk to me, please?"

Tumingin siya sakin.

"Narinig ko."

"And..."

"Tell me."

Pilit akong ngumiti sakanya.

"Okay lang naman, Julie kaya wag mo na alalahanin yun."

Umupo siya kaya napaupo din ako.

"Hindi yun ang gusto kong marinig from you, Elmo. Kung nasasabi mo o nagagawa mong magkwento sa iba bakit sakin hindi?"

"Dahil ayoko ng mag-isip ka pa."

"Please..please tell me."

Hindi muna ako nakasagot.

"Okay, huhulaan ko nalang. Dahil kay Ben?"

Ben. Tuwing naririnig ko ang pangalan na yan hindi ko alam pero gusto kong pumaslang. Seryoso! Hindi naman ako galit sakanya pero sadyang nagseselos lang talaga ako. Lahat ng dapat ako ang gumagawa para kay Julie, sya ang gumagawa para sakin kaya naiinis ako.

"Yes. Alam ko na matagal ng issue yan at ayaw na nga natin palakihin kaya hindi ko nalang sinasabi sayo. Hindi naman sa gusto kong paglihiman ka pero mas maganda na yung ako nalang o may mga tao lang akong nasasabihan ng problema ko."

Hindi siya sumagot at nakikinig lang sa paliwanag ko.

"Alam ko, kailangan niyo ito lalo na sa gagawin niyong show. Naiintindihan ko. Gets na gets ko dahil nangyari na sakin yan. Paulit ulit na din tayo sa salitang selos at nakakapagod nga naman yun pero wala eh, kusang nararamdaman talaga yan. Pigilin mo man darating at darating ka sa point na magseselos ka at maiinggit ka."

Napayuko ako. Ilang sandali pa inangat niya ang mukha ko at hinalikan. Nanlaki ang mata ko dahil sa ginawa niya pero masaya ang puso ko. Matapos ang halik binigyan niya ko ng isang matamis na ngiti.

"I know. I know."

Napakunot noo ako.

"Ang gusto ko lang naman sabihin mo sakin. Napag uusapan naman kasi natin yun."

"Julie.."

"Okay, aaminin ko. OA lang ako nag react kanina kasi nalaman ko na kay Janella ka nagsasabi ng tungkol satin. Diba dapat tayo? Julie and Elmo? Dapat tayo ang nag uusap lalo na kung tungkol dyan pero wala eh. Pareho lang natin ayaw saktan ang isa't isa kaya sa iba tayo umaasa na makakakuha tayo ng sagot."

Hinawakan ko ang kamay niya.

"Julie.."

"Thank you, Moe."

"Ha?"

"Thank you kasi ang haba haba ng pasensya mo sakin. Pasensya mo sa mga nangyayari satin."

At ng mukhang hindi ko nga talaga naiintindihan kung saan nanggaling ang mga sinasabi niya..may pinakita siya sakin sa phone niya.

Patience is power.

Patience is not an absence of action;

rather it is "timing"

it waits on the right time to act,

for the right principles.

Bigla akong natauhan. Ito ang recent like ko. Napatingin naman ako sakanya.

"Naniniwala din ako sa timing. Sa tamang oras na mababayaran ng isang maganda at priceless na bagay ang paghihintay at sakripisyo na ginagawa natin. Kaya kahit anong mangyari, maghintay lang. Hintay lang ng hintay dahil darating din tayo kung saan tama na ang mali at pwede na ang hindi."

Niyakap ko siya.

"Kaya nga ikaw ang mahal ko eh. Nasa timing kasi nung binigay ka ni God sakin."

Natawa siya at piningot ang ilong ko.

"At nasa timing din ang pagbabalik natin. Hintay lang!"

"Julie.."

"Hmm?"

"Magsasabi na ko sayo. Ikaw muna bago sila. Ikaw naman kasi ang priority ko kaya sayo lang ako dedepende. Ikaw lang ang una."

Umiling siya. Pinakita niya sakin si Iska.

"Ako lang ang huli."

Kiniss ko siya tska kami lumabas para kumain. Wala kaming ginawa kundi magkwentuhan at magkulitan at ng mapagod na nagpahinga na kami sa kwarto ko. Naligo muna ko at matapos kong magbihis nakita ko siya na mahimbing ng natutulog. Lumapit ako sakanya at hinawi ang buhok na nakaharang sa maganda niyang mukha.

"Tayo ang lakas ng mga fans natin. Tayo dapat ang magsimula na wag paghinaan ng loob. Wag magmadali at magpatuloy sa paglaban at paghihintay. Maaaring matatagalan pero para ka namang naka jackpot kapag dumating na ang oras na bumalik na tayo..."

Hinalikan ko siya sa noo.

"I love you, Julie Anne San Jose. Naniniwala ako..in God's perfect time tayo pa din ang magkasama."

Medyo dumilat siya at ngumiti sakin. Halatang antok na antok na siya.

"Sleep ka na.."

Tumango ako. Pinayakap ko siya sakin. Pipikit na sana ako ng marinig ko siya.

"I love you, Elmo. Elmo Magalona."

The End. 

JuliElmo One Shots Book 2Where stories live. Discover now