Hinawakan ko ang kamay niya. Alam ko na kailangan ko na siyang pakalmahin dahil baka kung saan na umabot ang pag-uusap namin.

"Sumama ka muna sakin sa loob, Moe. Doon tayo mag-usap o kaya sa bahay. Please.."

Umiling siya.

"Tell me Julie, answer me. What is love?"

Hindi ako makasagot.

"Ang love ba para sayo eh yung ginagawa niyo kanina? Yung mga hugot niyo? Ang love ba para sayo yung palagi mong ihahalintulad sa kanta? Ngayon sabihin mo sakin na kung ano talaga ang love para sayo. Gusto ko malaman mula sayo."

Sasagot na sana ako ng biglang may tumawag sakin. Isang staff. Kailangan daw ako sa loob ngayon.

"Moe, mamaya na ko mag explain sayo. Sumama ka muna sakin. Please mag-usap tayo."

"Tama na, Julie."

Umiling ako. Hindi ako papayag na hindi kami makapag usap. Hindi ko hahayaan na umalis siya dito ng ganito kami.

"Moe, please."

Umiling siya.

"I don't want to prolong this agony. I want to be free from this misery. But I don't think I still have enough strength to fight my own nightmares. I'm hurt..I'm tired."

Hinawakan niya ang kamay ko.

"Please stop. Tigilan mo na. Gumawa ka naman na ng paraan para hindi ko maramdaman ang ganitong sakit oh. Please? Masakit na Julie. Masakit na."

"Aayusin ko, Elmo. Pangako ko pero wag mo naman ako iwan."

"Siguro yun nalang muna ang option na meron tayo."

"What do you mean?"

Tumingin siya sakin. Mata sa mata.

"Ang second chance para lang sa matatapang na tao at mukhang....hindi tayo yun."

Parang binibiyak ang puso ko ng marinig ko sakanya yun. Simula ng maipareha ako kay Ben hindi ko siya narinig ng kahit ano mang patungkol sa mga issues. Madalas jokes pa pero ngayon ibang iba na. Matapos niyang sabihin ang sentence niya parang kinakabahan ako na magsalita pa siya at biglang masabi na, mag hiwalay na tayo.

"Mauuna na muna ko, Julie."

"Pero.."

"Please, paunahin mo muna ko."

At pumasok na siya sa loob ng kotse. Kinatok ko ang bintana niya. Ayoko siyang umalis. Nakita ko na umiiyak siya doon ganun din ako. Yumuko siya tska pinaandar ang kotse. Naiwan ako na umiiyak. Ilang sandali pa nakaramdam ako ng may humawak sa balikat ko. Tiningnan ko yun at si Papa nga ang taong yun.

"Papa.."

"Just give him some time, anak."

Niyakap ko si Papa at doon umiyak ng umiyak. Hindi ko kaya, please. Wag naman niyang hayaan na mawala nanaman siya sakin. Bumalik kami ni Papa pero naiwan nalang ako sa kotse namin. Nakatulala lang ako at iniisip ang mga pangyayari. Hindi ko lubos maisip na ang isang magandang gabi ay makakasakit ng libo libong puso.

"Nandito na tayo sa bahay."

Tumango ako at lumabas. Para akong zombie na wala talaga sa sarili.

"Ate."

Tiningnan ko si Joanna na tinawag ako. May tiningnan siya kaya naman tiningnan ko na din. Nagliwanag ang mukha ko ng makita ko ang kotse niya na nakaparada sa labas.

"N..Nasaan siya?"

Ngumiti si Joanna.

"Nasa kwarto mo, Ate."

JuliElmo One Shots Book 2Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz