Anyare?



Ito na ba amg epekto ng tatlong taon na pagkawala ng memorya niya?


"Talagang hindi maaayos ang relasyon niyo kung ganyan ka." sigaw ko.



"Ang sabi ko, ayoko muna siyang makita sa NGAYON. Masakit pa rin e.. Binangungot na nga ako dahil hindi mawala sa isip ko ang mga sinabi niya."


"So patatagalin mo lang ganun? Paparusahan mo si Lea sa paghabol sayo?"

"Gusto ko lang din makasiguro.


"Makasiguro na ano?"


"Na mahal pa rin niya ako. Mahirap na yung ipilit ko sa kanya ang sarili dahil kasal kami."


Nyemes naman itong lalaking to. Ang daming alam na kaartehan.

"Bahala ka na nga sa buhay mo. Alis na habang wala pa yung asawa mo." Pagtataboy ko. "Tawagan mo ako kung saang bar yan at sigurado akong magpapasundo ka."


>>>


Fast Forward...





"Uh, Mrs. Muhlach, ang tagal mong dumating, kaaalis lang niya." Pambungad ko nang makababa na siya sa kanyang sasakyan.


"What? Saan daw pupunta? Bakit hindi mo man lang pinigilan?" Sunod sunod na tanong niya.



Heler? I tried kaya..



"Di ba nga mag-uusap muna tayo? At bakit ba parang atat na atat kang kausapin siya, tinanong mo na ba kung gusto ka niyang makausap?" Tanong ko.

Natigilan naman siya.


"Pwedeng pasok na tayo sa loob at nang makausap na kita nang masinsinan?" Nauna na akong pumasok sa bahay at tahimik naman siyang sumunod.


Doon kami sa may mini garden dito sa likod bahay nagtungo.


"Aga told me na sinabi mo daw na makikipaghiwalay ka kay Rob tapos wala pang isang oras, binawi mo din agad at sinabi mo pang may mahal ka nang iba." Panimula ko, alam ko namang siya ang magtutuloy ng kwento e.


"Yes. Gulong gulo na kasi ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko kaya naisipan kong tawagan si Kris."


"Si Kris?!" Eksaheradang tanong ko.
'Nak nang butiking pilay naman o. "Bakit siya pa? Andito naman ako?"


"I tried calling you pero out of reach ka."


O? May date pala kami ni Boylet that time. Ok, lusot.


"Ano bang sinabi sayo ni Kris?"


"Huwag agad akong maniniwala at meron na daw akong commitment kay Rob."



"Jusko naman Bes!!! Pananagutan ba ang usapan dito? E mas hamak namang may mas mabigat kang commitment, responsibility and obligation kay Aga."


"Hindi ko naman alam na siya talaga si Aga."


"Bakit, sa tingin mo coincidence lang yung magkamukha sila? Parehong body built at boses? At sigurado naman tayo na walang kakambal si Aga tapos pagdududahan mo pa? Ako nga, naramdaman ko na agad na siya si Aga pero bakit ikaw?"


"Kung nakakalimutan mo, ako ang nagbantay sa kanya sa ospital noon at hindi ko siya maiwan iwan dahil nararamdaman ko ang connection namin."


"O yun naman pala. Mas pinaniwalaan mo pa ang mga sinasabi ni Rob at malala pa dahil nakinig ka kay Kris. Sa mga ganitong pagkakataon kasi, you only have to listen to your whatever your heart tells you, trust your guts and take a leap of faith."  Mahabang litanya ko.


Hala! Umiiyak na naman siya. Ayoko pa namang nakikita siyang ganito.


Namamaga na ang mga mata niya kanina noong dumating siya tapos umiiyak na naman ngayon.


"Bes, tahan na. Maaayos din kayo. Yun ay kung mahal mo pa siya." sabi ko.

"Hindi naman nagbago yun e. Alam mo namang mahal na mahal ko pa rin siya hanggang ngayon. Kaya nga hinahanap ko siya para pag-usapan namin ang mga nangyari at nang bumalik na siya sa amin." Humihikbi niyang sabi.

Hinagod ko ang likod niya saka niyakap.

"Don't worry Bes, tutulungan kita. Bigyan lang muna natin ng konting panahon si Aga. Masyado kasi siyang nasaktan sa sinabi mo e."

"Parang hindi ko na yata kayang patagalin pa."

"O siya sige. Sasabihin ko sayo kung nasaan siya pero mamayang gabi pa yun."

Tumingin siya sa akin. "Bakit mamayang gabi pa?"

"E kasi, maglalasing yun. At baka malamang, mambabae, kailangan niya yun ngayon e." Biro ko lang to, ang sarap kasing biruin ang doktor na to e.. hehe..

Her eyes widened. "Hindi pwede, Vice. Baka mahawaan pa siya nang kung anong sakit."


"Huwaw Lea!!!! Nakakahawang sakit pa talaga ang naunang naisip mo? Hindi ba pwedeng ayaw mong may kalampungan siyang iba? Ibang klase ka rin talaga, Bes!" Hindi ko maiwasang mang-asar.

E sa nakakaasar na rin kasi siya.


"Pareho na rin yun." Katwiran niya.

"Ay ewan ko sayo, ang mabuti pa, umuwi ka muna. Asikasuhin mo yung mga anak niyo at iinform na lang kita kapag nagtext na ang asawa mo."


Kahit nag-aalangan siya, pumayag na rin siyang umuwi. Wala naman siyang mahihita sa akin e kasi hindi ko rin talaga alam.

Ngayon ko lang nalaman, Hide and Seek pala ang favorite game nila! Good luck na lang sa nagtatago at sa naghahanap!



End of chapter

✩✩✩

Back in Time [Completed]Where stories live. Discover now