Father Of The Bride

5.1K 251 18
                                    

Prompt from FangirlDeedee

October 20, 8pm, M's condo:

M: *opens the door, after checking through the peephole* Nay! Tay! Ano pong ginagawa niyo dito? Parang wala naman po kayong sinabi na pupunta kayo ah. *kisses her parents' hands and hugs them*

ND: Tanungin mo yang Tatay mo. *chuckles as they walk to the living room and sit on the couch*

M: Tay? *smiles at TD*

TD: Ano kasi, nak. May meeting ako kanina sa kliyente namin. Malapit lang dito. *clears throat, scratches nose*

ND: Naku! Teodoro tinuruan natin ang mga anak natin na masama magsinungaling.

M: Tay? Bakit po?

TD: *sighs, looks at M seriously* Menggay... Tungkol sa kasal...

M: *laughs* Tay, para sa Kalyeserye lang po yun.

TD: *smiles* Alam ko, anak. Pero kasi sa lahat ng nangyayari, sa preparasyon niyo, sa mga pictures na lumabas pati mga kaibigan mo at si Coleen kasama, medyo kinabahan ang  Tatay, Menggay. Paano kung pagkatapos nito, magmadali kayo ni RJ na totohanin? Hindi pa handa ang Tatay, nak. Si Coleen pa ang Maid of Honor, naku baka di na yun mag-asawa.

M: *laughs* Tatay, hindi po namin gagawin ni RJ yun sa inyo. Siyempre po kung ikakasal kami ng totohanan, gusto namin na may basbas po ninyo nina Nanay. Atsaka sabi po ni Father Jeff, di daw po totoo yung mga pamahiin na ganun. Pwede naman po akong mauna kay Coleen magpakasal, Tay. Tsaka may jowa na po yun at mahal na mahal nila ang isa't-isa, may plano na din. Imposible po talagang hindi siya makapag-asawa.

ND: Oo nga naman, Ted. Anong taon na ba ngayon? Pwede na yung mga ganoon.

TD: Basta, Menggay, bata ka pa. Mas baby ka pa nga kesa kay Dean. Dapat mauna ang Kuya Nico mo at si Coleen.

M: Tay naman. Paano? Si Coleen po mahihintay ko. Kasi sa datingan nila ni Mike baka pakasal na sila next year pero si Kuya? Naman, Tay. Baka naman trenta na ako di pa rin kami kasal ni RJ. Baka di na kami magka-anak niyan. *pouts*

TD: Hala! Grabe ka sa Kuya mo pero sige, kahit si Coleen na lang hintayin mo. Tsaka anak agad? Gustuhin ko mang makita ang magiging apo ko sa inyo dapat kasal muna ha? Menggay, tatandaan mo yan.

M: Opo, Tay. Hinding hindi ko po yun nakakalimutan. *leans her head on TD's shoulder* Tay?

TD: Ano yun, nak?

M: Alam niyo naman po kung gaano kabait si RJ at sobrang nirerespeto po niya kayo ni Nanay. Mahal po niya kayo.

TD: Oo, nak, alam namin yun. Nakikita naman sa pakikitungo niya sa amin.

M: So, okay na okay na po kayo sa kanya? I mean pag totoo na po kaming ikasal at siya po ang maging asawa ko...

TD: Magiging masaya kami, Menggay. Mabuting bata si RJ. Nakikita namin kung gaano ka niya kamahal at malaki ang tiwala namin sa kanya na di ka niya pababayaan pati na din ang magiging pamilya niyo. Bilib nga kami sa pagsusumikap ng batang yan para sa pamilya niya at sa paghahanda sa kinabukasan niyo. Pagdating ng panahon na kunin ka niya sa amin matapos niyong ikasal, panatag ang Tatay. Mahal namin siya dahil alam naming mahal na mahal mo siya. *smiles, pats M's hand*

M: *sniffs, wipes away tears* Salamat po, Tatay. *hugs TD*

ND: Ay! Si Tatay lang? Paano ang Nanay?

M: *laughs in the midst of her tears* Siyempre pati po sa'yo, Nay. Thank you, Nay. *holds out hand to ND*

ND: *takes M's hand and joins the hug*

M: Mahal na mahal ko po kayo. Thank you po.

TD: Kahit nasaan ka pa, Menggay, iingatan mo ang sarili mo kagaya ng pag-iingat namin ng Nanay mo sa iyo.

M: Opo, Tatay. I love you too.

TD: *chuckles, pats M's back* Aalagaan mo din si RJ ha?

M: Kahit di niyo po sabihin. Gagawin ko po talaga. Love din po niya kayo ni Nanay. *lets go off their hug, looks at her parents*

ND: Naku. Pabebe talaga tong Tatay mo, Menggay. I love you, nak. Huy, Ted wag kang iiyak sa Sabado pag nakita mong lumakad sa simbahan ang anak mo ha?

TD: Ito talaga. Hindi ah. Pero unang beses kitang makikitang ganoon, nak. Kailangan ba ako maghatid sa'yo?

M: *laughs* Kumusta naman yun, Tay? Lalong nakakalito. Parang di na aktingan yun. Nandun man kayo o wala basta alam ko po na suportado ninyo kami. Sapat na po yun para sa amin ni RJ. *smiles*

TD: Basta nandito lang kami palagi, anak, para sa inyong dalawa. At kahit mag-asawa ka na at magkapamilya, ikaw lang ang nag-iisang Menggay ni Tatay ha? *smiles, sighs and thoughtfully stares at his little girl who has grown up so fast over the past year* ❤👪❤💒❤

Payb Takes Book 2 (COMPLETED)Where stories live. Discover now